Chapter Forty Seven: Broken Promises

7.6K 126 24
                                        

Chapter Forty Seven

"Bakla congrats satin!!!" Masaya kong bati kay Noel na katabi ko ngayon sa upuan. Sa wakas, pagkatapos namin mag-Nursing, naka-graduate na din kami ng Medicine! Woohoo, maliwanag na ang kinabukasan namin.

"Tumpakacious te! Hindi ko akalain na keri mo tapusin ang pagdodoctor! Haha. Eh nung nursing pa nga lang tayo, nganga ka na!" Pangaasar niya sa akin saka niya inayos ang medyo nagulo kong buhok dahil sa mga yakap ng mga kaklase namin kanina.

"Napakasama mo talaga!" Natatawa kong sabi sabay marahang hampas sa braso niya. Niyakap niya naman kagad ako.

Nasa auditorium kami ngayon ng school namin. Napag-desisyunan kasi namin ni Noel noon na ituloy na lang ang pagaaral namin at mag-doctor kaya ito kami ngayon. May konting savings naman si Mamita at binenta ko din ang unit namin, doon na ako kila Noel nakikituloy. Ayos naman kay Tita dahil parang anak na din niya ako.

Licensure exams na lang ang iisipin namin ni bakla pagkatapos nito. Hindi ko nga akalain na makakaabot ako sa ganito. Never in my life ko na-imagine na makakapag-doctor ako.

"Tiff!" Lumingon ako sa lalaking tumawag sa akin at hindi ko mapigilang mapa-ngiti ng malaki. Si Sean pala.

"Hello babe!" Tumakbo kagad ako sa direksyon niya at niyakap ko siya ng mahigpit. Binuhat niya naman ako kagad at hinalikan ako sa pisngi bago ako ibaba.

"Congrats!" Natatawa niyang bati sa akin.

Nalilito? Nahihilo? Coke ko to, Coke ko to, Coke ko to? Hahaha. Don't worry si Sean po ay isang bading at siya ang kasalukuyang boyfriend ng aking napakagandang bestfriend na si Noel. Babe lang talaga ang tawag niya sa akin, tapos ang tawagan nila ni Noel ay love. Oh di ba?

"Ikaw din naman e! Graduate ka na din! Timang ka talaga!" Natatawa kong sabi saka ko siya kinurot sa pisngi.

"Tama na nga yan! Ang sakit niyo sa mata! Kung makapaglambingan parang walang bukas? Magpakasal na kaya kayo?" Medyo naiiritang sabi ni Noel. Yup medyo nagseselos siya sa akin dahil malambing din kami ni Sean sa isa't isa, para na din kasing kuya ko na si Sean.

Lumayo naman kagad sa akin si Sean saka lumapit kay Noel at inakbayan ito. Hinalikan niya din ito sa cheeks.

"Ito naman si love, nagselos agad. Apat na taon na tayong ganito di ba?" Pangaasar ni Sean kay bakla, inirapan lang siya nito.

Tama, apat na taon na sila ni Noel, havey na havey di ba? Ang tibay! Sa sobrang tagal nila ay naging sobrang close din kaming tatlo, minsan nga naglolokohan pa kami na si Noel ang legal wife at ako ang mistress o kaya naman vice versa.

Sa totoo lang nakakainggit sila dahil madami na silang memories na nabuo magkasama samantalang yung lalaking nangako na babalikan ako, ay hindi na muling nagpakita.

Oo apat na taon ko na siyang hinihintay pero sinabi ko sa sarili ko na ngayong graduate na ako, tatapusin ko na din ang paghihintay ko para sa kanya.

Hindi ako si Bella na kaya maghintay forever basta balikan lang siya ni Edward. Hindi ako si Juliet na palaging nakasunod kay Romeo. Ako lang si Tiff at napapagod din ako.

"Tara na! Let's celebrate!" Yaya ni Sean sa amin, nagsimula na kaming maglakad palabas ng auditorium at papunta sa parking area kung nasaan naghihintay na sila Tito at Tita.

"True! Alam niyo kanina pa ako kating kati magparty!" Nauna na siyang lumakad sa amin ni Sean dahil makikipagbeso pa siya sa iba niyang kapatiran.

Si Sean nasa tabi ko, nakapalibot ang braso niya sa bewang ko, ganito siya kasweet. Minsan nga iniisip ko na sana lalaki na lang siya pero hindi eh, malayong mangyari. Masaya na ako para sa kanilang dalawa ni bbf.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon