PHIL'S POV
I haven't talked to her since her mom's death. Hindi ko din kasi alam kung paano pa siya iaapproach ngayon pa't nandiyan na naman si Jerry sa tabi niya. I felt like she doesn't need me anymore.
Pero kahit ganun, hindi ko pa din maiwasang hindi mag-alala sa kanya. Bumagsak ang katawan niya and lalo siyang nagmukhang fragile. May mga times na nagpapasalamat ako kay Jerry kasi inaalagaan niya naman si Tiffel kahit na minsan ay naiinis din ako sa kanya.
Atleast kahit papaano ay may kasama si Tiffel kahit na iniiwasan na siya ng barkada.
"Babe, ano bang gagawin ko kay Tiff? Hindi pa din siya nagsasalita, parang may sumapi na something sa kanya. Ibang iba na siya." Nag-aalalang tanong sa akin ni Noel. I patted his head.
"Give her time. She'll get over it naman. Mahirap lang talaga mawalan ng magulang plus its too sudden for her. Just make her feel that you're always there." Advise ko sa kanya. Kasalukuyang nasa veranda kami ng bahay nila.
"Ganun naman ginagawa namin but she shuts us down. Si Jerry nga lang ang nakakalapit sa kanya lately, as if may something sa kanila na hindi namin alam." Sinubuan niya ako ng cupcake na siya mismo ang nagbake.
Napaisip din ako, bakit kaya puro Jerry na lang si Tiffel palagi? Is it possible na may tinatago nga sila sa amin? Pero ano yun?
"Sinubukan mo na bang kausapin si Fel na kayo lang dalawa? Yung hindi kasama yung mahadera niyong mga kaibigan?" Tanong ko sa kanya. Naiinis kasi ako kila Lien, they are forcing Tiffel to do something she can't. Hindi nila naiintindihan na mahirap makarecover from what happened yet they boss her around like she can just get over with it in just a second.
"Ang hirap naman kasi humiwalay kila Lien. Siyempre ayoko din naman silang gawing kaaway. Matagal na din ang pinagsamahan naming lahat. I'm just trying to save the friendship." Mahaba niyang pagpapaliwanag.
"Ewan ko ba sayo kung bakit sinasamahan mo pa yung mga yun. Wala ka naman dapat isasave na friendship kung marunong lang silang umintindi. Wag kasi nilang pilitin si Fel na makarecover kagad. She needs time." Hindi ko na napigilang ipagtanggol na naman si Tiffel.
"Teka lang naman, puso mo naman babe." Medyo natatawa niyang awat sa akin.
"Na sa'yo." Pakikisakay ko sa trip niya. I saw him blushed.
"Ewan ko sa'yo. Ayun na nga, going back..." Pinipigilan niyang tumawa. I kissed him on the cheek. Ang cute niya eh. "Phil! Naguusap pa tayo!"
"Fine. Going back." Natatawa kong pangaasar sa kanya, inakbayan ko siya this time. "Ayun na nga, wag niyo kasing pilitin muna si Fel. Nahihirapan din yung tao. Wala na siyang magulang na natira. She's struggling to live independently. Wag niyo na munang dagdagan." Mahaba ko ulit na paliwanag sa kanya.
"Alam ko naman pero hindi ganyan katagal magluksa si Tiff. Tsaka mas matindi ngayon, hindi na niya talaga kami kinakausap lalo na ako. Ako pa na bestfriend niya." Malungkot niyang kwento sa akin. "Something's odd, really odd." Dugtong niya.
"I know and I wanna talk to her too. Hindi ganyan si Fel the first time we've met. Hindi siya yung kaibigan mo na naging tulay para maging ganito tayo." Seryoso kong sabi sa kanya. "And she's not that clingy dati, hindi siya nakadepende sa ibang tao. Ngayon, puro si Jerry na lang kasama niya. What about us? Me?" Wala ko sa sariling nasabi sa kanya ng hindi iniisip kung ano ang mararamdaman niya.
"Babe. Nagseselos ka ba?" Inalis niya yung pagkakaakbay ko sa kanya. Oh fuck, problema na naman.
"Kanino?" Patay malisya kong tanong.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
