Chapter Eleven
Excited na ako mapanood si Jerry, hindi ko talaga akalain na kasama pala siya sa banda. Siya ang 2nd vocals at lead guitarist nung banda, siya na talaga ang magaling.
“Jerry! Excited na ako mapanood ka mamaya!” Sabi ko sa kanya.
“ Oo nga! Galingan mo ha!” Singit ni Frida sa aming dalawa.
“Magaling yan, inspired e” Tumingin naman sa direksyon ko si Lien matapos niyang sabihin yung linyang yun. So ano gusto niyang palabasin?!
Namula naman si Jerry after sabihin yun ni Lien. WHAT THE FART?! Nagbblush si Jerry?! Hahaha! First time ko nakita siyang magblush na ganyan. Hindi ko napigilan matawa sa naging reaction niya.
“You should've seen your face! Para kang nakipagpalit ng mukha sa kamatis! 'Twas Epic!” Sinabi ko sabay palo sa table ng paullt ulit. Benta talaga.
Tawa pa din ako ng tawa, kahit na ako lang pala ang natatawa kasi lahat sila ay tahimik, yung iba nakasmile pero ako lang ang tawa ng tawa.
“Medyo mababaw ng kaligayahan ni Tiff lately,” Sarcastic na sabi ni Lien sabay inom ng cocktail niya.
“Oo nga, OA yung mood swings mo. PMS-ing?” Pag-sangayon ni Lychee sa sinabi ng may sapak naming friend.
“Ah...yup! Just bear with me guys. I know you love me naman e.” Dahil ayokong sabihin yung totoo, kailangan ko na lang makisakay sa trip nila.
Tumawa ng malakas si JayR saka ako binatukasn. “Leche, tumigil ka babaita ha.”
“Ang tikas ng apog mo girl!” Sabay na pang-aasar din ni Frida sa akin, nag-high five sila ni JayR after nun.
“You're getting weird girla, these past few days parang lalong nagkaroon ng sapak yang utak mo e.” Seryosong sabi sa akin ni Noel.
“Grabehan talaga magsalita bakla?” Natatawa-tawa ko na ding sabi sa kanya.
“Totoo naman kasi girla, nakakapanibago ka. Andali mo umiyak, ambabaw ng kaligayahan mo. Ayaw mo na nung mga paborito mo. Alam mo kung titignan ka sa perspective ng ibang tao, para kang buntis.” Sabi sa akin ni Frida sabay haplos sa buhok ko. Seryoso na sila this time, mukha talaga silang nag-aalala para sa akin.
Ano ba yan girlss? Hello?! Buntis talaga ako pero it's a secret muna. Saka ko na sabihin sa inyo! Bahala kayo maginvestigate! *Evil laugh*
“HOY BAKLA!!!!” Ibinalik naman ako ni JayR sa kasalukuyan nung sinigawan niya ako sa mismong tenga ko. Gosh, that hurts.
“AY ANAK NG TIPAKLONG BUNDAT!!!” Nakakagulat naman ako masyado dun.
“Seriously Tiff? San mo nakuha yang reaction mo?”
Grabe makatawa si Jerry sa naging reaction ko. First time niya ba makarinig ng ganon? Sungalngalin ko kaya pagmumukha nito? Pasalamat siya madalas ako magspace out ngayon at hindi ko na siya papatulan.
“Hoy babaita, natatakot na kami sayo ha. Palagi ka nalang ganyan.” Sabi ni Frida nung mapansin niyang nag-space out na ako. Shit, anong palusot ang sasabihin ko?
“PMS-ing plus lack of sleep and rest plus upcoming finals. Nakuha niyo na yung sagot?” Maniwala kayo sa sinasabi ko! Please?
“Got it! The answer, ngarag na ngarag na Tiffel Mauve Dela Palma!!!” Sabi ni Noel.
Nagtawanan naman ang barkada, including Phil! Hay nako, pinipigilan niya pa hindi tumawa e mukha naman siyang galak na galak sa sinabi ng "Babe" niya.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
TeenfikcePano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
