Chapter Three: Meet the Kabit of the Bida. LOL

10.1K 160 13
                                    

Chapter Three: Meet the Kabit of the Bida. LOL

 Nasa bar na kami ngayon ng barkada habang nag-shshot ng The Bar.

"Ano na baklita? Ano meron kay Noemi (Noel)?" Tanong ni Frida agad sa akin. Excited na malaman ang pasabog ko.

Gabi na kasi kaya Noemi na siya at Grace naman si JayR, nakakatawa lang.

"Teka hindi niyo ba pansin parang ang cheapangga ng iniinom natin? Try kaya natin magcocktail dun?!"  Pag-iiwas ko, gusto ko kasi ma-excite pa sila.

 "Gusto mo?" Tanong ni Lien nung makita niyang tumayo na ako.

"Wow, nagsalita ka Lien! Oo gusto ko, tara?" Natuwa ako kasi minsan lang to magsalita.

" E di pumunta ka dun!" Pangsosoplak niya sa akin.

Napalitan naman ng pokerface ang kanina kong smiling face. Tinawanan ako ng buong tropa. Sabi ko na nga ba walang matinong salitang lalabas sa bunganga nito ni Lien e.

"Punta tayo dun tas kkwento ko na kung ano meron kay Noemi, Leggo?" Hindi ko nalang siya pinatulan kasi ayokong masira ang gimik namin pag nagkapikunan kami.

"Kabwisit ka!!! Pero tara na, bilis na, kating kati na ako." Sabi ni Jay-R sa akin.

"Pakamot ka!" Pambabara ni Lien ulit.

Natawa na naman kami sa banat ni Lien. The best talaga tong si girla e. Pumunta naman kami dun sa may bar at nag-order ng drinks.

"O Tiff, nandito na tayo kwento mo na!" Sabi ni Lychee.

"Ganito kasi yun..."

*FLASHBACK*

Something hit my head.

Paglingon ko nakakita ako ng bolang papel, pinulot ko at binuklat baka kasi may nakasulat. Natawa ako ng malakas dahil sa nabasa ko pano kasi ang nakasulat:

PHIL ANDREI CONTE AND NOEL KEIL KHO FOREVER <3

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon