Chapter One: Meet the Bida

18.1K 216 21
                                    

Chapter One: Meet the Bida

Ehem...

Hello, ako nga pala si Tiffel Mauve Rosario-Dela Palma, wag kayong OA di pa ako kasal haha, middle name ko yung Rosario, pinagmamalaki ko lang kasi apelyido yan ng pinakadakila kong nanay hehe.

Ako po ay labing walong taong gulang, ako pa ay nakatira sa ****** Subdivision, **** City, Manila! (A/N: Parang Little Miss Philippines lang ang drama Tiff?)

Okay author, ang epal mo mamaya ka na, nagdedescribe pa ako dito ng sarili ko. Well sa maniwala kayo o sa maniwala, hindi ako yung tipikal na "every boy's dream" na babae dahil ako po ay isang bobita, bratinella at higit sa lahat lampa.

Ang pinagpapasalamat ko lang sa magulang ko ay binigyan nila ako ng perpektong mukha, katawan at height kumbaga ito nalang ang natitirang puhunan ko (kawawa naman ako: self pity mode activated) lol.

Hindi rin masyadong mayaman ang pamilya ko pero kilala kami dahil isa sa nasangkot sa isang murder case ang tatay ko at napasama sa mga pinakahuling nabigyan ng death penalty dito sa Pilipinas.

Kaso nga lang ako ang nakakatanggap ng lahat ng kutya at panghuhusga ng mga tao sa pamilya namin. Pero keri lang, kabog ko naman sila lahat! Tinuruan kaya ako ng nanay ko pano lumaban verbally pero hindi physically.

Speaking of my motherland, idol na idol ko siya dahil naitaguyod niya ako.

Nagiisa lang nila akong anak ni Papito (ang tawag ko sa tatay ko)

Hindi na muli siya naghanap ng katuwang sa buhay (anlaleeemmm!!!) kaya sa loob ng 8 taon and still counting, kaming dalawa lang ang nabuhay.

Isa na siya ngayong Accounting manager sa isang airline company at sakto na ang kita niya para sa pagaaral ko, panggastos namin at sa luho ko.

Yup, ako ay isang napakaluhong babaita, kahit nga panggastos ko sa mga gimik gimik ko ay kay Mamita ko pa hinihingi.

Ay teka, mageexam na kami!!! Ito ang pinakahate kong parte ng pagiging estudyante e, ang midterms at finals.

Last semester na to sa aking junior year, basta ewan ko nga kung pano ko naigapang ang sarili ko para makaraos ako ng tatlong taon sa pagaaral ng nursing e.

Oh nose! Ayan na ang examination papers! Pinagpapawisan na ako ng malamig, daig ko pa bibitayin nito e. Ganito din ba ang naramdaman ni Papito nun? Haay, namimiss ko na ang tatay ko. Naeemo ako bigla.

Anyways, isa lang naman ang naiisip kong paraan para makampante ako sa pagpasa. Sinipa ko ang upuan sa harap ko.

"Hoy Noel, pakopyahin mo ko a." Sabi ko sa tao na nasa harapan ko.

"Oo na, ano pa bang magagawa ko te? E kahit maging papables ata ako ay hindi kita makikita maghawak ng libro e." Humarap siya saken saka niya ako inirapan pero keri lang, ganyan naman talaga siya e.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon