Special Chapter 001-010

4.7K 66 10
                                        

PHIL'S POV


What the fuck is this?

Sleeping with her was a  mistake, kissing her once was a crime but kissing her out of impulse was beyond the worst. Hindi ko alam kung bakit ako tinatraydor ng katawan ko? Walang parte sa utak ko ang nagsasabing gusto ko si Tiffel, walang kahit konting parte ng pagkatao ko ang sumisigaw na gusto ko sa akin siya pero bakit parang may sariling mundo ang labi at kamay ko?

I hate being like this. I hate being irrational and I hate that I have been able to create silly reasons just to see her. This isn't me. 

She's looking at me as if she witnessed a miracle. Milagro nga naman ang halikan ulit siya, sino bang matinong katulad ko ang iisiping humalik ng isang babae na alam mong may gusto sa'yo? Or worse, mahal ka pa. Hindi naman sa binibigyan ko siya ng pagkakataon para umasa, masyado lang akong nairita sa kaingayan at pagiging eskandalosa niya.


"Bakit...bakit mo ako hinalikan? Dalawang beses pa yun Phil!" I believe that question was inevitable. Kahit anong gawin ko, alam kong tatanungin niya yan sa akin at kahit anong sagot ang i-formulate ko, kahit sarili ko ay hindi maintindihan ang gagawin.

"Para manahimik ka. Yung pangalawa...ah, hindi ko alam. Nadala lang sa moment? Isipin mo na lang na bonus yun." Yes, a part of it was to shut her up. Wala na akong choice kasi kahit anong gawin at saway na gawin ko ay hindi niya naman sinusunod, kaso yung follow-up kiss...bakit ko nga ba ginawa? Hindi ko naman kasi talaga alam. "Tsaka...p-para namang hindi pa kita hinahalikan kung makapag-react k-ka diyan." Pagpapalusot ko ulit.

"Oo Phil, hinalikan mo na ako dati...pero l-lasing naman kasi tayo noon." She keeps on giving us something to argue, hindi na lang siya magpasalamat na hinahalikan ko pa siya. My lips are precious, she should be more than grateful that she got to kiss someone like me.

"Ganun pa din naman yun, lasing o hindi. Tsaka ginawa na nga natin mismo yun eh, pa-virgin ka pa diyan para kang never been kissed ah. Tumahimik ka na nga diyan." This conversation is getting nowhere.

"So ganun na lang yun Phil? Hahalikan mo na lang ako pag trip mo?" I want her to drop this already.

"Wag na nga natin pag-usapan yun! Alam ko naman na gusto mo din yun! Pumasok ka na nga sa loob!" I opened my unit's door and pushed her inside. I thought she was going to drop the topic but I was wrong. The moment I entered, she's already there, facing me. 

"Hahalikan mo ba ako kung hihilingin ko sayo?" Gusto ko nang iwasan yung mga tanong niya sa akin because it's becoming more awkward. At ang masama dun, hindi naman dapat ako ma-awkward sa kanya because I have no feelings for her or whatsoever.

"B-Bakit mo naman hihilingin yun? Tsaka genie mo ba ako? Wag ka nga diyan!" I immediately changed my shoes to my favorite house slippers and walked out of this suffocating area. Dumerecho na ako sa sala and binuksan ang TV. For sure, maaliw siya sa TV kaya hindi na niya ako guguluhin.

"Kasi yun yung makakapagpasaya sa akin. Hahalikan mo ba ako Phil kung ganun nga?" Hindi ko alam kung ilang beses siyang iniri ng nanay niya sa sobrang kulit ng pantog nitong babaeng 'to? Can't she see that this conversation is making me feel hundred times uncomfortable.

"Umupo ka na diyan. Dadalhin ko na lang yung pagkain dito." I tried to dodge her question and forced her to sit down the couch and wait like a patient dog.

"Fel, kanina pa ako talo sayo kaya please lang ayoko na makipagaway pa. Umupo ka na, nagugutom na ako." I retorted but she still wouldn't budge. I feel so frustrated and brushed my hair with my fingers. Mas maganda nga siguro kung sabunutan ko na yung sarili ko hanggang matanggal yung anit ko at madurog ko na yung utak kong gulong-gulo na sa sitwasyon.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon