Chapter Seven
Isang buwan na din ang nakalipas simula nung magsimula ang gulo sa buhay ko. Isang buwan na din ako nagtitiis makita sila Noel na masaya nagliligawan. Ang sakit sa mata! Haha.
"Baklita! Ano bang nangyari sa inyo ni bebe ko nung araw na umuwi kami sa Bicol nila Mommy? Bakit parang ilag siya sa mga tanong ko sa kanya?" Tanong sa akin ni Noel na kasalukuyang nasa tabi ko nakahiga. Nandito kami ngayon sa unit namin ni Mamita. GIRL BONDING! YAY!
Oh my gulay naman to si Phil oh! Ano bang inaarte nun at naging ganun? Normal lang naman kami nagusap nun, wala naman akong sinabi na mahal ko siya. Kahit na... ah hindi ko siya mahal, oo di ko siya mahal, pero yung araw na yun kasi parang...
*FLASHBACK*
Payapa akong nagpapahinga sa unit namin ni Mamita nung tumawag sakin si Noel.
"Bakla i need your help!!!" Inilayo ko yung phone ko sa tenga dahil muntikan na akong mabingi sa sigaw niya
"Ano na naman? Ginagawa niyo na akong favor machine ha!!!" I'm still annoyed with him being so close with Phil.
"Sorry wag ka na magalit, emergency lang. Kailangan kasi namin umuwi ng Bicol ngayon, may sakit ang lola ko. E makipagmeet dapat ako kay Papa Phil ngayon sa Greenbelt kasi sabi niya magdate daw kami."
"O e ano naman ngayon? E di tawagan mo!!!" Wala ba siyang common sense?
"Yun na nga kasi, hindi ko macontact. Kaya pretty please na bakla puntahan mo na ang bebe ko baka tumanga yun sa wala tapos magalit sakin!!!"
I sighed. Oh Lord, help me.
"Tsk. Ano pa ba magagawa ko? Ingat ka nalang. Istorbo ka!!!"
"Thanks sissy I love you. Sa may church yung meeting place namin ni bebe, dun mo nalang siya hanapin."
"love you, bye."
Kahit pa ilang na ilang ako kasama si Phil e hindi ko naman kaya tiisin si Noel. Oo na at irita ako sa kanya nitong mga nakaraang araw pero kasi bestfriend ko pa din siya no! Kaya nagmadali ako magbihis ng midriff blouse, jeggings at wedge shoes.
Voila! Wala pang 10 mins. nasa Greenbelt na ako. Along Makati lang kasi ang condo na tinutuluyan namin ni Mamita.
Palibot libot ako ng tingin hanggang sa nakita ko siya. Kumikinang ang balat niya! Si Edward Cullen! Haha pero joke lang dun sa shining shimmering skin. Nakita ko lang si Phil at ang hot niya! Nakafitted pants siya and polo. Mukha siyang kagalang galang na papables. Lumapit naman agad ako sa kanya.
"Hi Phil!" I waved at him and smiled.
Nagulat naman siya saken at tinitigan pa ako ng sandali. Wait up, is he checking me out? Nailang naman ako dun.
"Phil, tinatawagan ka daw ni Noel pero hindi ka sumasagot. Kaya pinapunta niya ako dito kasi umuwi sila ng Bicol, nagkaemergency dahil may sakit daw ang lola niya." Paliwanagko agad para maalis na agad ang atraso ni Noel sa kanya.
Nakatingin pa din saken si Phil pero hindi sumasagot, nahihibang na ata to e.
"Hoy Phil! Nakadrugs ka ba? Hoy kanina pa ako dito pansinin mo naman ako." I snapped my fi gers in front of him. I saw him blinked and slightly shook his head.
Nagulat nalang ako nung biglang hinila ako ni Phil sa loob ng Greenbelt at pumasok sa isang boutique dun, nagningning naman ang mata ko kasi ang gaganda ng damit!!! Mukha talagang pang mayaman. Nilibot ko pa din ang tingin ko ng may mga damit na biglang umappear sa harap ko mismo.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
JugendliteraturPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
