Chapter Thirty Four
Kahit pa ayaw ko sana dumating yung araw na ito ay hindi ko pwedeng iwasan. Nandito na kami ngayon, sa lupain ng Pilipinas, kung saan mas komplikado ang buhay naming dalawa ni Phil.
Nakakapagod ang biyahe pero hindi kami na-bore ni Phil pano ba naman wala kaming ginawa kung hindi magkwentuhan ng nakakatawa. Para bang nagkaroon kami ng quality time na makapagbonding pa bago pa man harapin yung reality pag-uwi ng Pilipinas.
Paakyat na kami ngayon sa unit ni Phil. Nakaakbay pa nga sakin ang mokong dito sa elevator, pahalik halik nalang siya sa ulo ko. Unti-unti nasasanay nadin ako, medyo hindi na ako nabibigla pag ginagawa niya yun. Wag niya lang ako halikan sa lips kasi hindi pa ako sanay dun.
“Welcome home to us!” Masaya niyang sabi sa akin.
Nagsmile naman ako, psh ikaw na ang masaya Phil! Haay.
Pagdating namin ng 12th floor ay bumitaw na siya sa pagkaakbay sakin at siya na ang nagdala ng mga baggage namin. Nagpahuli ako ng konti sa paglalakad kasi natutuwa ako pagmasdan siya na ganyan, inaalalayan ako, inaasikaso. Hawak-hawak ko yung binili naming isang kahon ng chocolates na binili namin kanina sa duty free, para sa akin daw yun lahat. Haha.
"BABE!"
Ang kanina kong hawak na box ay nasa sahig na ngayon, yung boses na yun, hindi ako pwede magkamali. Nandito na si Noel, at babawiin na niya ang dapat sa kanya...si Phil.
“Alam ko kasi ngayon uwi mo kaya sinurprise kita! Welcome home babe!”
Nakita ko naman na napatigil si Phil, alam kong nabigla din siya. Lalo naman ako! Akala ko masosolo ko pa si Phil ng isang araw bago siya kunin ni Noel, hindi pala pwede ng extension. Napatingin naman sa gawi ko si Noel.
“Bessy!” Tili niya sabay lapit sa akin at yumakap sa akin ng mahigpit. “Namiss kitang gaga ka!”
Nakatingin lang ako kay Phil na kasalukuyang nakatingin na samin. Alam kong nagsosorry siya dahil halata naman sa mga mata niya. Nginitian ko lang siya to say I'm okay kahit na isa yung malaking kasinungalingan. Tumango naman siya at nagsmile back but it was a sad smile.
“Teka, magkasama...kasama ka ni babe sa US?” Tinignan ako ni Noel ng may pagdududa.
Oh shoot! Think...Think...Think!!!
“Ah...ehh...k-kasi ano...uhm, pumasok ako...sa kanya bilang m-maid. T-tama maid! Pagkaalis mo, n-nagvolunteer ako kasi n-naghahanap siya ng maid at in need naman ako ng trabaho. At...h-hindi niya ako k-kasama sa pag-alis, sinundo niya lang ako ngayon kasi pauwi na d-din siya.” Pagpapaliwanag ko. My gosh, bumenta ka please, buy this lie bbf!
Pumalakpak naman si Noel saka siya nag-smile ng bonggang bongga “Wow! That’s good bessy! Teka, bakit parang tumaba ka? Ang laki ng tiyan mo! Buntis ka ba?” Pakiramdam ko nag-yelo na yung buong katawan ko sa ginawang observation ni Noel.
“Ah...h-hindi a! A-ano ka ba naman! A-ako lang kasi yung t-taga ubos ng leftover niyang b-boyfriend mo!” Pinilit kong tumawa para hindi halata na kinakabahan ako. Noel laughed with me then he hugged me again.
“My little sexy bitch is back!” Natatawang sabi ni Noel sa akin, ako naman ay inistretch pa ng bongga ang smile ko.
“Sa loob na tayo mag-usap. Medyo mabigat kasi itong dala ko.” Mahinang sabi sa amin ni Phil.
“Teka, stay in maid ka dito?” Tanong kagad ni Noel after niya makita yung overused kong maleta.
“Ah...eh...oo kasi...alam mo naman, naalala ko pa din sila mamita...p-pag nandun sa unit kaya nakiusap ako kay Phil, na...dito muna ako makikituloy habang hindi pa ako makakahanap ng lilipatan.”
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Fiksi RemajaPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
