Chapter Forty
Nagising naman ako sa mahimbing kong pagkakatulog dahil wagas makahila ng paa si Jerry. Tinatapatan pa nga ako ng buzzer sa tenga! Ibang klase ang trip, nakakainis ng bonggang bongga!
“Hoy Tiff gumising ka na!” Tinatapik na ako ni Jerry sa pisngi, hinihila niya pa nga ako patayo. Hawak niya ako sa braso.
“Huwag kang istorbo.” I answered sleepily.
“Tumawag sa akin si Noel! Bakit di mo sinabi sa akin?!” Successful naman siya sa paggising sa akin, hinila niya kasi ako pababa ng bed kaya wala na akong magawa.
“Ano ba yun?!” Inis kong sabi, humiga ulit ako sa kama pero hindi ako nagtagumpay dahil hinila niya ulit ako.
“Hindi mo daw kasi sinasagot ang phone mo kaya sa akin tumawag! Birthday mo pala ngayon!!!” Tinapik niya ako ng medyo malakas sa pisngi kaya naman binigyan ko siya ng luamalagablab na death glare.
Birthday ko?! Teka, ano bang petsa na?! Ano ba ang nangyayari sa akin at pati sarili kong birthday ay nakalimutan ko na?! Parang adik lang!
“Nakalimutan ko.” Nagkibit balikat ako saka ako tuluyang bumangon.
“Ay takte! Talo mo pa yung 90 years old na matanda! Ulyanin ka na agad? Sarili mong birthday nakalimutan mo?” Inalog-alog ako sa balikat ni Jerry.
“Malay ko ba sa petsa, lutang nga ako di ba?! Wag ka na nga maingay matutulog na lang ako ulit!”
“Tinatanong ka ni Noel kung nasaan ka, sabi ko dito ka na nakatira. Bakit daw di ka nagpaalam kay Phil? Mabaliw baliw na daw yung amo mo sa kakahanap sayo. Katulong ka lang pala dun!” Pang-aasar niya sa akin, binatuhan niya ako ng unan sa mukha.
“Leche! Pwede ba manahimik ka muna, matutulog pa ako!!! Bahala siya mabaliw kakahanap sa akin, magsama silang mga beki!” Inis kong sabi kay Jerry.
“Ang bitter mo! Magbihis ka na! Sumama ka sa akin, may gig ako mamaya. Ngayon na lang ulit ako makakasama sa gig na yun, manood ka bilis! Mag-ayos ka ng mabuti, papaakyatin kita sa stage mamaya dahil birthday mo.” Kinurot niya ako sa pisngi.
“Whatever.” Inirapan ko lang siya, magddive na sana ulit ako nung bigla niya akong hinila ulit patayo.
“Magbibihis ka ba o ipapasundo kita kay Phil?” He threatened me kaya naman dumerecho na ako ng tayo at hinarap siya.
“Eto na nga magaayos na oh!” Padabog akong kumuha ng damit sa cabinet.
Ngumiti naman agad ang mokong saka lumabas ng kwarto, may sapak talaga sa utak! Bakit ko ba siya kinaibigan?!
Matapos kong magbihis ay umalis na din naman kagad kami. Mga isang oras din kaming nasa biyahe.
Nasa loob na kami ng bar, kasama ko ang banda ni Jerry. Welcoming silang lahat, hindi nga ako inalok kahit tubig! Napakawarm nila mag-welcome no? Nakakaiyak sa sobrang warm, parang kaluluwa na nga lang ako dun eh.
“Ok ka lang?” Tanong sa akin ni Jerry, buti naman at nakaramdam naman siya kahit konti.
“Oo enjoy ako makipagusap sa inyo.” I gave him a very sarcastic smile.
“Ang pikon mo! Ngiti ka na! Mga dre, greet niyo naman siya nagddrama na dito. Birthday niya ngayon” Natatawang sabi ni Jerry sa mga kabanda niya.
“HAPPY BIRTHDAY TO YOU!” Sabay sabay nilang sabi sa akin na para bang aattend ng children’s party, may kasama pang palakpak.
Haay nako, ang sakit sa bangs ng mga lalaki kahit kailan! Hindi ko alam kung mga immature lang ba talaga o sadyang mga abnormal na! Gusto ko sana uminom ng alak, kung hindi lang talaga ako buntis.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...