Chapter Eight
"Tiffel, hoy gumising ka na." Narinig ko ang isang pamilyar na boses sa tabi ko.
Istorbo naman to o. Nakitang natutulog pa ako, gigisingin ako. Bwisit lang?!
"Tiffel, would you please open your eyes? I'm getting worried here!"
Naramdaman ko naman na may umaalog na din sa katawan ko, talagang desidido tong gisingin ako a, nakakainis sige na nga didilat na ako. I slowly opened my eyes, and there he was with all his glory. Nasa langit na ba ako? Kasi hindi na ako aalis kung ganito kaguguwapo ang mga anghel.
"Thank God! Akala ko tinuluyan ka na nung mga babae dito kanina! Buti nalang sinundan kita pagkakita ko sayo sa may building namin!"
Oo nga pala kailangan ko puntahan si Phil! Bumangon naman ako bigla then vertigo hit me. Buti nalang may nakasalo sakin bago pa ako tuluyang bumagsak. I blinked. Phil?!
"Phil! Buti nalang nakita na kita! Grabe kanina pa kita hinahanap!" I sighed.
"Wag ka muna gumalaw, umupo ka muna, baka mawalan ka na naman ng malay e." He looked worried.
Naguluhan naman ako sa sinabi ni Phil, teka ano bang nangyari saken kanina? Papunta lang naman ako kay Phil di ba? Napatakip ako ng bibig ng maalala ko ang lahat. Si Belinda!
*FLASHBACK*
Papunta na ako sa building nila Phil nung harangin ako ni Belinda. In fairness naman sa kanya, dumami ang alipores niya! Hinila nila ako papunta sa rooftop ng walang pasabi. Naku help me! Wala akong laban, ang dami nila!
"Pag nahuli ka dito Belinda, hindi ka lang masususpend, expulsion pa ang abot mo!"
Napasmirk naman si Belinda, nagpupumiglas pa din ako kaso hindi ako makawala ikaw ba naman hawakan ng apat na tao tapos lampa ka pa makakagalaw ka kaya?
"Ok lang maexpel kung worth it naman lahat."
And with that nakaramdam ako ng isang malutong na sampal mula sa kanya. Ang sakit ha!
"I told you, stay away from Jerry. HE IS MINE!" Ay wow. Hindi pa din siya makaget-over.
"Sayo? E ang sabi niya nga saken, AYAW NA NIYA SAYO!" Pangaasar ko pa sa kanya.
Another sampal pa ang naramdaman ko, so masaya na siya niyan? Pero bakit bigla akong nakaramdam ng hilo? Masyado bang malakas yung sampal?
"Dahil ayaw mo sumunod, ayan ang inaabot mo! Girls, alam niyo na ha."
At yun na nga isa isa lumapit saken ang mga babae, kung hindi ako sasampalin, aapakan nila ang paa ko at take note lahat sila nakaheels! Lalong tumitindi yung hilo ko, konti nalang talaga mawawalan na ako ng malay.
"STOP OR ELSE HINDI LANG EXPULSION MAPAPALA NIYO! STAY AWAY FROM HER!"
Salamat naman mahiwagang boses! Bigla namang tumigil sila Belinda at dali daling bumaba. Hindi ko na talaga kaya! At yun nagcollapse na ako ng tuluyan.
*END OF FLASHBACK*
"Ano ok ka na ba?" He asked.
Napayakap naman ako bigla kay Phil, savior ko siya! Kung hindi siya dumating baka sira na ang mukha ko dahil kay Belinda.
"Hoy, Fel lumayo layo ka nga saken."
Namalayan ko nalang umiiyak na pala ako. Ako na ang late magreact. Sobra na yung hikbi ko, lalong humihigpit yung yakap ko kay Phil. Hindi nagtagal, naghug back na siya, inaalo na niya ko.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Novela JuvenilPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
