Chapter Thirty Five
Nakatanga padin ako sa kisame ng kwarto ko dito sa unit ni Phil. Kanina ko pa pinagmamasdan itong CD na binigay sakin ni Jerry. Halos hindi ako makapaniwala na hawak ko ang kopya ng pinakaimportanteng bagay sa buhay ng pamilya ko.
FLASHBACK
“Okay ka na ba?” Tanong sa akin ni Jerry after kong umiyak sa kanya.
“Ang kulit lang? Hindi na ako umiiyak oh! It means ok na ako!” Natatawa kong sabi sa kanya, pinupunasan ko na yung mga luha ko. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko kesa kanina.
“Kasi big news na naman tong sasabihin ko sayo. Sure kang kaya mo pa?”
“Oo nga! Kailangan pasuspense pa?”
Iniabot niya sa akin ang isang CD. Ano to? Pangsoundtrip ko?
"Ebidensya yan laban sa demonyo kong ama."
Napatingin naman agad ako kay Jerry. Totoo ba ito? Makukuha ko na ang justice para kay Papito!
"Video yan nung pagpatay ng tatay ko dun sa investor. Nakuhanan pala yan."
"Saan mo to nakuha?" Medyo nanginginig yung kamay ko habang hawak ko yung CD, shit. This is the real thing, may ebidensya na talaga.
"Sa library ng tatay ko, akala ko kasi libro, kakaiba kasi yung pinakabind nung libro parang ancient times ang itsura kaya nacurious ako at hinila ko. It turns out, lalagyanan pala yun ng isang VHS tape. Agad kong tinago yung tape at binalik yung lalagyan sa dating pwesto. Mahirap na baka mahuli ako. Nung pinanood ko yung video, nakita ko lahat. Witness ang tatay mo nun pero tinutukan siya ng tatay ko ng baril, siguro binlackmail niya ang tatay mo para akuin ang responsibilidad dun sa krimen." Pagkkwento sa akin ni Jerry, sa sahig kasi kami nakaupo ngayon, kumuha pa nga kami ng tig-isang milk tea sa ref nitong condo unit.
"Napakasama ng hayop na yun!" Inis kong sabi. Umakbay naman kagad sa akin si Jerry sabay inom dun sa milk tea.
"Gumawa agad ako ng dalawang kopya nung video saka ko binigay yung original VHS tape sa mga pulis. Pinabuksan ko na din yung kaso ng tatay mo ulit. Oo nga pala wag mo ng subukan panoorin yung video baka umiyak ka na naman pag nakita mo ang tatay mo." Medyo na-touch naman ako sa action ni Jerry kaya hindi ko napigilan na yakapin siya at medyo maluha sa sobrang thankful at saya.
"Salamat Jerry."
"Wag ka muna magpasalamat, simula palang to. Kailangan na natin magdoble ingat dahil once na malaman ng tatay ko ang ginawa ko, patay tayong dalawa. Wag ka magalala, pinapamadali ko sa mga pulis yung kaso."
"Salamat pa din. Kahit na alam mong delikado ay gumawa ka padin ng paraan."Kumalas naman kagad ako sa yakap at pinunasan ang nga luha ko. Masyado na talaga akong iyakin.
"Ang maganda niyan ay palagi na dapat tayo magkikita dahil tag team na tayo ngayon! Ay teka! May extra phone ka ba? Para magamit ko, kasi ang hirap bumili ng bago dahil nattrace din lahat nung tatay ko." He sounded tired. Siguro napapagod na siya kakatago sa tatay niya.
"Heto nalang phone ko, ako nalang ang bibili ng bago. Tsaka para madali kita macontact kasi memorize ko naman yung number ko." Sabi ko sabay abot nung phone sa kanya.
"Good idea! Ngayon naman ay kailangan ko makakuha ng madaming damit para pangdisguise." Nakasmile niyang sabi sa akin. I gave him an evil grin.
"Naiisip mo ba ang naiisip ko?"
"Hindi. Ano?" Binatukan ko siya ng marahan saka ako tumayo.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
