Chapter Forty Four: Bessy Talks 1.1

7.2K 121 13
                                    

Chapter Forty Four

Nandito ako ngayon sa bahay nila Noel, nakakamiss din pala. Dito kami palagi nag-oovernight pag nasobrahan ng inom sa bar. Naalala ko pa na may sermon muna kaming maririnig bago kami gumapang paakyat sa kwarto at magtawanan. Gusto ko na bumalik yung buhay ko dati.

“Natanga ka te? Nakalimutan mo na ba kung saan ang kwarto ko?” Natatawang sabi ni Noel, siya ang may dala ng mga bag ko. Sinalubong ako nila Tita pero maaga na din sila umakyat sa kwarto dahil may mga pasok pa ito sa opisina bukas.

“Hindi naalala ko lang mga pinagagagawa natin nila Lien noon pag galing gimikan. Kamusta na nga pala sila?” Bigla kong naalala ang mga former friends ko na nawala na parang bula.

“Graduate na yung iba, tapos yung iba nakahanap na ng bagong barkada. Mga ayos na kaibigan, nangiiwan. So all in all, dalawa nalang tayo.” Medyo malungkot na sabi ni Noel, umakbay siya sa akin at inihilig ang ulo niya para idikit sa ulo ko.

“Pasensya ka na bessy ha, dahil sakin lumayo tuloy sila pati sayo.” Pakiramdam ko kasi kasalanan ko. Ako ang dahilan ng lahat.

“Ok lang yun no! Aanhin ko naman sila e mas mabubuhay pa ako pag ikaw ang kasama ko kahit na may pagkabobita ka!” Marahan niyang pinisil ang mga pisngi ko.

“Ay wow, kung makapanglait ng pagkatao wagas pa din.” Pangaasar ko sa kanya

“Well, ganun talaga ako, tanggapin mo nalang kasi! Ganyan ka din naman!” He winked at me then he laughed.

Napatawa din naman ako, nakakamiss makabonding si Noel. Hindi ko akalain na halos masira lang ng isang lalaki ang pagkakaibigan namin. Ang tanga ko talaga siguro dahil hinayaan kong mabulag ako sa pagmamahal at nilayuan ko ang kaisa isa kong bestfriend.

“Gusto mo bang kumain muna?” Tanong niya sa akin nung mapadaan kami sa may kitchen.

“Oo nga, medyo nagugutom na kami ni bab-“ Napatigil naman ako sa pagsasalita nung marealize ko na wala na palang laman ang sinapupunan ko. Nakakalungkot, hindi ko man lang nasilayan ang anak ko.

“Wag ka na malungkot bessy, bata ka pa, mahaba pa ang panahon para gumawa ka ng madaming baby!” Niyakap ako ni bakla, natawa naman ako sa sinabi niya.

“Ano? Iba-iba tatay?”

“Hindi, si Phil pa din.” Matipid niyang sabi at nagkibikit balikat siya.

Napatingin naman ako bigla kay Noel, sinabi niya yun na parang wala lang sa kanya, na parang hindi masakit ang mga nangyari sa kanya. Bakit ganyan siya?

“Noel, sorry nga pala kung nilihim ko-“ Sabi ko because of the guilt.

“Oo alam ko, sinabi na sakin ni Phil. Nung nalaman ko ang dahilan mo, dun ko napagtanto na tama pala ang choice ko na sayo sumama at hindi kila Lien. Hindi ko akalain sa ganung kalalim na rason mo kinuha ang dahilan para ilihim samin ang lahat, na kahit ikaw ang masasaktan ay ayos lang. Basta gusto mo masaya ako. Gusto na nga kita pagawaan ng rebulto sa EDSA!” Litanya ni bakla kaya naman napatawa ako.

“Rebulto talaga?! Pero kasi Noel, alam kong nasaktan ka pa din nung nalaman mo lahat kaya nag-sosorry ako.” Bigla naman akong sumeryoso after kong matapos magsalita.

“Actually, I saw it coming...” Naguluhan naman ako sa sinabi ni Noel, ano daw?! Ibig sabihin expected na niya na may mangyayari na ganito?!

“Anong sinasabi mo?!”

“Umpisa palang medyo nakakahalata na ako sa kilos niyong dalawa ni Phil, kasi kada gagalaw ka, gagalaw din siya. Para bang magkadugtong yang katawan niyo. Nung una hindi ko nalang pinansin, inisip ko nalang na kaya ganun kayo dahil ikaw ang bridge naming dalawa.” Paguumpisa ni bakla.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon