Chapter Fifty Three
"Where's your ring?" Bungad ni Phil pagkapasok namin ng gate. Ako kasi ang nagbukas ng intercom kaya napansin niya na wala ang singsing ko kamay.
Magkahawak padin ang kamay namin at kasalukuyang naglalakad papunta sa garden ng bahay namin. Bitbit niya ang mga binili naming mogu-mogu sa 7eleven. Coffee tapos mogu-mogu, goodluck sa tiyan namin!
"Kaya nga tayo maguusap dahil doon." Matipid kong sabi.
Tumango lang si Phil saka tumahimik nalang, nakaupo kami sa built in swing sa may garden namin kasi medyo maaraw padin kahit presko naman, atleast dun may bubong.
Tumabi agad siya sa akin. Pinagbuksan niya muna ako ng grape flavor na mogu-mogu, sa kanya naman strawberry saka niya hinawakan ulit yung kamay ko tas hinalikan. Bumilis na naman yung tibok ng puso ko.
"You already called the engagement off?" Tanong niya kagad sa akin
"Nope" Nakita ko naman ang biglang pagbagsak ng ulo niya.
Bumitaw naman agad siya sa pagkakahawak sa akin tapos tumagilid siya para nakaharap siya saken, ginaya ko naman yung pwesto niya para magkaharap kami.
Ako naman, tinaas ko na yung dalawang paa ko at niyakap yung mga tuhod ko.
"Then why are you still with me? You love him, I saw it!"
"Because there is no engagement at all to start with..." Pag-aamin ko.
Napatingin naman siya sa mga mata ko, lumapit pa siya ng konti sa akin. Nakakunot yung noo niya. Hahaplusin ko sana ulit yung nakakunot niyang noo pero pinigilan na niya ito at hinawakan niya lang yung wrist ko.
"Please explain." Seryoso niyang tanong sa akin.
"Wag ka magagalit." Medyo natatakot kong sabi.
"Just tell me." Huminga muna ako ng malalim, tumungo tapos pumikit saka ako nagsalita.
"Sean is Noel's boyfriend. I used him to make you jealous." Tuloy tuloy kong sabi.
Nung walang nagsalita ay idinilat ko naman yung isang mata ko saka tumingin kay Phil. Naka-smile ang loko, nakahinga naman ako ng maluwag saka ko tuluyan ng binuksan ang mata ko.
"Why would I hit you?" Natatawa niyang tanong sa akin.
"Kasi naman, sinaktan kita, pinagselos kita, nanggamit ako ng ibang tao pero promise, si Noel ang nagplano nito, nakisakay lang kami ni babe! I mean ni Sean. Kasi naman nasaktan talaga ako sa ginawa mo dahil pinaghintay mo ako ng matagal pero kanina nung umalis ka kinausap ako ni babe, este ni Sean about dun sa nangyayari nga satin. Hindi mo naman kasi kasalanan lahat talaga, dapat nageffort din ako tumawag sayo, given na alam ko ang number nila Mama sa States. Napakalaki ko ding tanga. Nagkakasakitan lang tayo ng dahil sa pinaggagagawa ko. Ginising lang ako sa katotohanan ni babe, i mean ni Sean. Wag kang maiinis kasi babe na talaga tawagan namin ni Sean simula palang nung maging sila ni Noel, kaya wag ka magagalit kung babe ang tawag ko sa kanya, alam mo naman na ikaw ang mahal ko di-" Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng mga labi ni Phil sa labi ko. I kissed him back, siyempre hindi ko na mapipigilan yun, irresistable ang mokong!
"Ang daldal mo naman baby, hindi ko na kailangan ng further explanations, as long as alam ko na mahal mo pa din ako. Ok na ako dun. Akala ko talaga totoo yung engagement niyo ni Sean. Iniisip ko na nga na makukuntento nalang ako sa pagiging kabit e basta makakasama pa din kita kahit papano. Mas masaya na ako ngayon kasi wala na akong kaagaw sayo."
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Ficção AdolescentePano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
