Chapter Forty Two
Nagising na lang ako sa isang pamilyar na kwarto. Buhay pa pala ako, how pathetic. Ano pang saysay kung pati si Jerry at anak ko ay kinuha na din? Bakit kasi hindi nalang ako hinayaang mamatay? E di sana happy family na kami sa langit? Hindi na ako masasaktan dahil sa pag-ibig.
Nagulat naman ako nung biglang may nagpunas ng luha ko, umiiyak na naman pala ako. Nilibot ko ang tingin ko tsaka ko nakita si Phil, nakaupo sa bedside chair. Halatang puyat siya kakabantay sakin.
“Ok ka lang ba? Tatawag ba ako ng doctor?” Tanong niya sa akin na may pag-aalala.
Bigla ko naman naalala lahat ng ginawa niya sa akin kaya dumoble ang luha na lumalabas sa mata ko. Bakit nandito pa siya? Di ba itinaboy ko na siya palayo? Masaya ba siya nakikita akong nasasaktan?
“Tell me what's wrong honey. May masakit ba?” Pinagpatuloy niyang punasan ang mga luha ko.
Ayokong kausapin si Phil. Kung pwede nga lang itaboy ko na siya palayo ay ginawa ko na. Masyado na niya akong nasaktan pero iniisip ko na lang wala akong choice, madami kasing mga tanong na kailangan kong malaman ang kasagutan at isa pa, tuyong tuyo na ang lalamunan ko.
“W-water...please.” Paos kong sabi sa kanya, madali naman siyang kumuha ng tubig at ibinigay sa akin.
“Ilang a-araw a-akong...walang m-malay?” Walang emosyon kong tanong sa kanya after ko maubos ang isang bote ng tubig na ibinigay niya sa akin.
“Four days, nagkaroon ka daw ng concussion sabi ng doctor sa sobrang lakas ng pagkakahampas sa ulo mo, expect mo na sasakit pa yang ulo mo sa susunod pang mga araw.” Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.
Sakit lang yan ng ulo, walang wala pa yan sa sakit na dinulot mo sa buhay ko peste ka. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya, kailangan kong malaman kung ano ang nangyari kay Jerry. Sabay kaming iniligtas nun, hindi malayo na nakasurvive siya.
“S-si J-jerry b-ba...” Medyo nanginginig na ang boses ko. I’ve expected the worse pero wala namang masama na kumapit ako sa katingting na pag-asa na pinanghahawakan ko di ba?
“I'm sorry but hindi siya narevive, pinadala ang remains niya sa US, papunta sa mom niya at dun na ginawa ang cremation. Tumawag siya sayo while you are still unconscious, saying thanks for staying beside his son.” Sabi sa akin ni Phil.
Hindi na ako nakapagsalita ulit pagtapos nun, gusto kong humikbi ng humikbi pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong makita ni Phil na mahina ako, na umiiyak ako ng todo todo. Gusto kong ipamukha sa kanya na malakas ako kahit na sa loob ko ay durog na durog na ang pagkatao ko.
Hawak ni Phil ang kamay ko at patuloy pa din siya sa pag-alo sa akin at pagpunas ng luha. Minsan niya ding hinalikan ang ulo ko matapos niyang sabihin na nasa tabi ko lang siya at hindi niya ako iiwan.
“Eh y-yung t-tatay niya?” Hindi ko napigilang maitanong, maalala ko palang ang mukha nung demonyo na yun ay kinikilabutan ako!

BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...