Chapter Thirty Nine
Dumating ako sa condo unit namin ni Phil kasama si Jerry, walang katao-tao. Hindi pa din umuuwi yung mokong, malamang niyan magkadate na naman sila ni Noel. Bwisit.
“Paano ba yan, wala pa din ang asawa mo. Sasamahan pa ba kita maghintay o mauna na ako umuwi?” Sabi niya habang ibinababa lahat ng pinamili ko. Siya nagbuhat lahat.
“Pwede samahan mo muna ako? Para kung sakaling magbago ang isip ko ay sumama na ako sayo.”
“Talaga?” Tanong niya, para siyang excited na gradeschooler.
“Ang iniisip ko lang, kung sasama ako sayo, anong mangyayari satin? Di ba wanted nga tayo sa mata ng tatay mo?”
“Natatakot ka pa ba sa kanya?”
“Hindi!”
“E di sumama ka lang sakin, ganun kasimple. Bulgaran na tayong magsasama palagi, poprotektahan naman kita sa kanya. Tsaka hawak na ng mga pulis yung ebidensya, may panlaban na tayo sa kanya.”
“You and me against the world ang drama mo?” Pang-aasar ko sa kanya.
“Why not? Mahirap magtago ng magtago no! Kating kati na kaya ako kakadisguise! Kung desidido ka na sumama sakin, lalaban tayo ng sabay. Ayoko lang madamay si Phil kaya ako nagddisguise ng ganito pag pupunta sayo baka kasi masundan ako at malaman na sa bahay ka ni Phil nakatira.”
“Akalain mong naiisip mo pa ang safety ng mokong na yun?”
“Siyempre inosente yun, out na siya dito. Tsaka ikaw ba kaya mong makita siyang madamay?”
Umiling lang ako saka nag-sad smile. Oo naman kasi, hindi ko din kaya makitang mahihirapan si Phil. Ok lang na ako, wag lang siya. Ganun ako ka-stupid.
Umakbay naman sakin si Jerry at hinaplos haplos ang buhok ko. Sumandal naman ako sa balikat niya. Kasalukuyan kaming nanonood ng TV dito sa sala.
“Alam mo ang swerte ni Phil sayo. Napakatanga niya lang para hindi makita yon. Kahit ako, papangarapin ko na maging asawa ka, naunahan lang ako.” Medyo tinamaan na ako ng antok.
“Oo nga, siguro kung ikaw ang sinamahan ko nung gabing nangyari yung sa amin ni Phil, baka tayo ang nagkatuluyan. Hindi ka naman mahirap mahalin Jerry e, bobo lang nung Belinda at pinakawalan ka pa.”
“Ganun talaga ang buhay Tiff, hindi lang talaga siguro tayo ang tadhana na magkatuluyan, well atleast komportable tayo ng ganito. Magkaibigan, palaging magkaramay.”
“Ang seryoso mo, leche.” Natatawa kong pang-aasar sa kanya pero hindi ko napigilang humikab.
“Ikaw kasi e! Hindi ka pa ba inaantok? Umidlip ka muna, dito lang ako. Gisingin kita pag dumating si Phil.”
Nakatulog naman agad ako sa balikat ni Jerry, habang siya tawa ng tawa dahil pinapanood niya si Spongebob. Oo, isip bata yung abnormal! Haha.
Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatulog basta ang alam ko lang nasa kama ako at katabi ko si Jerry, hindi na din siguro napigilan ng mokong yung antok. Bumangon naman agad ako at tinignan ang orasan. 5AM na pala ng umaga, pumunta naman agad ako sa tapat ng kwarto ni Phil. Sisilipin ko lang kung nandito na ba siya.
And to my surprise, maayos pa din ang kama niya, walang bahid ng kahit sinong tao ang pumasok. Hindi pa siya umuuwi, may balak pa kaya to umuwi? Haay, hindi ko mapigilan ang magalala, ayoko namang tawagan siya kasi paano kung sagutin niya, anong sasabihin ko? Nasaan na siya? Na nagaalala ako sa kanya at umuwi na siya? Sus! Babarahin lang ako nun. Tsaka wala na nga kaming pakialamanan di ba?
Ayoko na, punong-puno na ako! I'm done here, ayoko ng maging tanga!
Bumalik naman agad ako sa kwarto at nagimpake ng lahat ng gamit ko. Aalis na ako ng walang paalam. Bahala siya sa buhay niya, kung kaya niya gawin sa akin to pwes kaya ko din! Lalaban na ako sa kanya, hindi na ako magpapaapi at lalung-lalo hindi na ako magpapakatanga!
Pagtapos ko magimpake ay ginising ko na agad si Jerry
“Hoy Spongebob! Gising na!!!”
“Hmmm?” Naalimpungatan naman si Jerry. Pinalo ko siya ng tuluyan sa braso para gumising
.
“Gumising ka na Spongebob! Masisira na ang pinya mong bahay!”
“Ewan ko sayo Tiff...ang aga pa o!” Reklamo niya sabay takip ng unan sa mukha niya.
“Gigising ka o iiwanan kita dito?”
Bigla namang bumangon ang mokong at nagsuot ng sapatos. Abnormal din talaga! Gulo-gulo pa ang ayos niya, parang bata!
“San ba tayo pupunta kasi?”
“Aalis na, sasama na ako sayo. Saan tayo pupunta ngayon?” Halos lumaki naman yung mata niya sa pagkamangha.
“Talaga??? Sa dati naming bahay! May susi pa ako nun!"
“Ano pang hinhintay mo? Tara na!” Yaya ko sa kanya.
Mabilis pa sa alas kwatro kaming nakarating sa bahay nila Jerry, nakakamiss din pala, dito ako nakitira dati nung halos walang dumamay sakin. Hayaan ko na muna si Phil dun, kung magiisip siya pwes ako din! Ni hindi nga ako nag-iwan ng note na aalis ako. Bahala siya, tutal naman wala na din siyang pakealam sakin.
“HOME SWEET HOME!” Sabi niya sa akin after naming ibaba lahat ng maleta namin.
“Paano tayo mabubuhay dito? Halos wala na din palang gamit!”
“Nasa basement lang! Tulungan mo na ako mag-ayos!”
Sinimulan naman namin ayusin ang bahay, actually si Jerry nga lang halos lahat gumawa, ayaw niya kasi ako pakilusin masyado baka daw mapaano kami ni baby. Nawili naman ako kakalinis at kakaayos ng mga pangdisplay at hindi ko namalayan ang oras. Mga 4PM na din kami natapos. Nakakapagod! Ang sarap matulog!
“Tiff, yun pa din yung kwarto mo, tapat pa din ng kwarto ko.”
“Malamang, nilinis lang naman natin tong bahay di ba? Hindi naman natin nirenovate?”
“Sinasabi ko lang just in case nakalimutan mo.”
“Palusot! Sige na, magaayos pa ako ng gamit at para makapagpahinga na din tayo. See you later!”
“Laters baby!”
Umakyat naman ako sa kwarto saka inayos ang gamit ko, bigla naman akong nalungkot, totoo na pala ito. Hindi ko na pwedeng bawiin ang desisyon ko, kailangan ko itong panindigan para maging mas malakas ako.
Nung oras na din yon ay dun ko lang tinignan ang cellphone ko.
*56 missed calls*
*21 messages*
Anak ng- nakasilent nga pala to simula kanina! Naku sino naman kaya tong mga tumatawag saken?
*gaymonster <3 (54)*
*Noel.Beki (2)*
Si Phil at si Noel lang pala yung mga tumatawag sa akin. Ay bahala sila! Basta ako alam ko na buhay pa ako. Dinelete ko din lahat ng messages sa akin ng hindi ko binabasa, lahat din naman kasi galing kay Phil. Ngayon, umaarte siya ng ganyan? Mukha niya!
In-off ko naman agad ang cp ko at nagready na para makapagshower. Haay, therapy ko to sa stress, ang magbabad sa pagligo.
Ito ang pinakaunang shower ko na iniisip ko na ang magiging future namin ng anak ko na walang Phil sa buhay namin.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
