Chapter Thirty Three
Nakatulugan ko na ang sama ng loob ko kay Phil pero nakapagtataka kasi hanggang ngayon, inis pa din ako sa kanya at ayoko talagang makita ang pagmumukha niya.
Binuksan ko na ang nakalock kong pintuan only to see my husband sitting beside my door. Nakasandal ang ulo niya sa wall at yakap niya yung unan niya. Pambihira ka Phil Andrei, ang galing mo talagang magpaawa. Bakit kasi hindi dun sa kabilang kwarto natulog? Anong akala niya papansinin ko siya kapag nakita ko siyang ganyan?
Pwes, hindi siya nagkakamali. Walanghiya.
Umupo ako sa harap niya at tinitigan ang mukha niya. Punyetang bakla, bakit ba ubod mo ng guwapo? Sinalo mo ata lahat ng biyayang ipinagkaloob ng diyos eh!
As I was about to brush his hair, he stirred. Binawi ko naman yung kamay ko at madali akong tumayo para lumakad, ayokong makita niya na medyo lumambot ako dahil sa nakita ko. Galit pa din ako sa pag-uuna niya kay Noel kesa sa amin.
“Tiffel.” Tawag niya sa akin, his voice still thick from sleep.
Hindi ko siya nilingon at patuloy lang ako sa paglakad papunta sa stairs. Nabigla na lang ako nung biglang hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. Yung unan na kaninang yakap niya ay iniwan na niya lang na nakatiwangwang sa sahig.
“Tiffel, kahapon mo pa akong hindi kinakausap. May problema ka ba sa akin? Kung dahil pa din ito sa matagal kong pagligo, I’m sorry. Kung dahil ito sa hindi ko din pagsuyo sayo, I’m sorry. I’m not used to making these moves, I’m not used to having this kind of set-up with a girl. Kung dahil ito sa hindi ko pagtapos ng niluluto ko para sayo, I’m sorry. Tiffel, I really am sorry. Please, kausapin mo na ako.” Tuloy tuloy niyang paliwanag sa akin. Tch, hindi mo pa binanggit ang pag-una mo kay Noel kesa tapusin ang pagluluto. Ewan ko sayo. Nakakasama ka ng loob hayop ka.
“Fel! Talk to me!”
So? Kailangan pag sinabi mo susundin ko agad? Hindi ba pwedeng mag-inarte muna ako?
“Baby, please?”
Huminga muna ako ng malalim. Gusto kong sabihin na napakamanhid niya, hindi na niya inintindi yung mararamdaman ko! Alam niya na naman na mahal ko siya di ba? Pero bakit ganito pa din?
“Phil...I love you.”
Halatang nagulat si Phil sa sinabi ko, hindi niya siguro inaasahan na after isang araw ay yung mga salita na yun pa ang unang mababanggit ko. Bakit ba? Hindi ko na kaya pigilan, kahit nasasaktan ako gusto ko padin malaman niya. Hindi ko na isisiksik sarili ko, basta gusto ko alam niya na mahal ko lang siya. Tapos ang usapan.
“I love you so much that it can actually kill me. Phil hindi ko na kaya na mas inuuna mo pa din ang ibang tao kesa sa amin. Gusto kong tanggapin na pinakasalan mo ako dahil lang sa anak natin pero kinokontra pa din ako ng puso ko. Hindi ko na kaya pigilan, umaasa pa din ako na balang araw mamahalin mo din ako ng mas higit pa sa pagmamahal na binigay mo sa lahat ng mga naging karelasyon mo mapababae man o lalaki. Sana naman Phil naiisip mo yung nararamdaman ko kahit katingting lang. Kahit konti lang. Hindi ko naman sinasabing mahalin mo na kagad ako, na ako ang piliin mo pero sana...pakisamahan mo na lang ako ng maayos. Pag kasama mo ako, kami ng anak mo ang intindihin mo.” Pinigilan ko na lang yung luha na tumulo saka ko inalis sa pagkakahawak niya sa braso ko.
“Nawalan na ako ng gana kumain, magiimpake na lang ako at matutulog. Kahapon pa masama ang pakiramdam ko.” Nag-sad smile ako sa kanya at pumasok sa kwarto.
Nilock ko ulit ito at doon ko na nilabas yung mga luha na naipon kanina pa. Alam kong nakatingin lang siya sa akin hanggang sa makapasok ako sa kwarto. Ayan, para naman makita mo na nasasaktan na ako.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
