Chapter Twenty Nine
Pagkagising ko ay nakapalibot pa din ang braso ni Phil sa akin, parang ayaw niya na umalis talaga ako sa tabi niya. Medyo wala na yung inis ko sa kanya pero hindi pa din nagbabago yung desisyon ko.
Dahan-dahan ko naman inalis yung braso ni Phil saka ako dumerecho sa bathroom para maligo, aalis muna ako para mahimasmasan naman ako sa mga bagay bagay. Paglabas ko ay nakita ko na gising na din pala si Phil.
"Saan ka pupunta munch?" Talagang pinanindigan niya na munchkins na ang tawag niya sa akin, nagpupungas siya ng mata ngayon.
"Out." Tipid kong sagot habang sinusuklay ko ang buhok ko.
"Can I go with you?" Bumangon na siya sa kama at lumakad siya papalapit sa akin.
"I want to be alone." Nakatingin pa din ako sa salamin.
"Tiffel." Hinawakan na niya yung siko ko. Kaya naman napilitan akong harapin siya.
"Ano bang sabi ko? Wag ka na mapilit Phil." Bumitaw naman siya sa hawak niya then he nodded. Nagsimula na siyang mag-ayos ng kama, ako naman ay naglagay na ng light make-up.
"Tomorrow's the wedding, you still want to call it off?" Tanong ni Phil. I looked at him through the mirror. Napatigil ako saglit sa paglalagay ng blush-on. Ano nga ba? Bahala na nga.
"Bibili ako ng food along the way, may gusto ka bang ipabili sa akin?" Pag-iiwas ko, tapos na ako mag-ayos at kinuha na ang clutch bag ko.
"Can you grab some waffles for me? And granola bars."
"Sure. Bye." Pagkabukas ko ng pinto ay hinawakan na naman ako sa elbow ni Phil kaya naman napilitan akong harapin siya.
"Be safe, munchkins." Hinalikan niya muna ako sa noo, tumalikod naman kagad ako kasi bumilis na naman ang puso ko.
"I will, thanks." Tuluyan na akong lumabas.
"Call me when you need help." He called out for me. Hindi ko na siya tinignan, I raised my right hand for him to know that I've heard him.
Haay, makapagsimula na nga maglakad, hmm saan kaya muna ako pupunta? Hindi naman siguro ako maliligaw dito, mukha namang maliit lang yung lugar. Magtatanong tanong na lang ako.
Along the way, may nakita akong park kaya nawili ako at pumasok dun.
Nakakatuwa naman, ang daming nag-pipicnic. Uso din pala dito yun no? Para tuloy Luneta Park din to. Tch. Nakakainggit naman halos saan ako lumingon may mga lovers akong nakikita. Diosmio akala ko pa naman din magkaka-asawa na ako, naudlot pa pala. Tama nga siguro yung sabi nila na dapat hindi nagsusukat ng gown kasi hindi matutuloy ang kasal.
Napalingon naman ako sa isang banda nung park at nakakita ng isang grupo ng tourists dun na naglilibot at may kasamang tour guide, maki-join nga para naman mawili ako. Bumili muna ako ng waffles para kainin ko at para maiuwi ko na din kay Phil mamaya.
Masaya pala magtour no? Lalo na pag may tour guide na kasama kasi ultimo damo nagkakaroon ng history haha. Sa sobrang wili ko ay sinundan ko lang sila kahit saan sila magpunta. Ok lang yan, magtataxi nalang ako pauwi sa apartment. Ang dami ko ngang binili na pagkain kasi medyo nakakapagod din maglakad tapos dalawa pa kami ni baby ang kumakain.
Nag-enjoy ako sa tour, hindi ko nga namalayan na sumakay na yung mga turista sa tour bus nila at naiwan ako mag-isa ng hindi alam kung saan ako maglululusot. Hayaan mo na, ako na ang bahala sa sarili ko, mahahanap ko ang daan pauwi. Mag-eexplore muna ako na parang si Dora. Haha.

BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...