Chapter Thirty Seven
Nasa ground floor na ako ng condominium, binabagalan ko pa nga ang lakad baka sakali kasi na habulin pa ako ni Phil. Kaso mukhang nagkamali ata ako, ni anino nung asawa ko hindi ko nakita. Siguro kailangan ko lang talagang tanggapin na hindi naman magiging maayos talaga ang pagsasama namin. Akalain mong wala pang isang buwan, hiwalayan na agad ang hantungan namin.
"FEL, STOP!" May narinig akong sumigaw galling sa likuran ko, boses ng isang lalaki.
Hindi, imagination mo lang yan Tiff! Naghahallucinate ka lang! Hindi totoo na tinatawag ka niya. Dumerecho ka lang ng lakad, wala kang narinig. Kaya mo yan!
"TEKA TIFFEL!"
Hindi talaga totoo ito! Imagination go away! Lumayo ka sa akin demonyo ka!
Nagulat nalang ako nung may umagaw ng maleta ko.
Totoo ba talaga siya? Pinipigilan ba talaga ako ng asawa ko umalis? Hindi ba ako nagkakamali?
Unti-unti ko naman siyang nilingon. MANGGANG BAYABAS! Siya nga! In the flesh! Hinabol niya pa din ako!
“Don't leave” Seryoso niyang sabi sa akin.
Tignan mo to, parang sintu-sinto lang! Kanina kung makapagsalita siya na hindi niya ako kailangan tapos ngayon ayaw niya ako paalisin. Kung hindi ba naman autistic!
Tinignan ko lang siya, ewan ko kung ano isasagot. Paano ba naman hindi ko na din alam kung anong mararamdaman ko. Ginagawa akong baliw nitong mokong na to.
“I'm sorry I've said those things. Nastress lang ako. Let's work this out for the kid.” He reached for my hands.
“S-sabi mo di m-mo na...ako k-kailangan.” Naguguluhan kong tanong sa kanya. Kinamot ko naman yung noo ko.
“Pero may responsibilidad ako sayo.”
Natahimik naman ako dun. Tama naman, kaya niya nga pala ako hinabol kasi tangay ko din ang anak niya. Naisip ko nga, baka pag nanganak ako ay itago na niya yung bata tapos magsasama na sila ni Noel at iiwan na niya ako. Sila na magpapalaki nung anak ko. Hindi naman kasi malayong mangyari.
“Dito ka lang and promise me I will never have to see you cry like that again.”
“Yun lang ba?’ Tanong ko, pakiramdam ko kasi meron pang kasunod.
“At kung pwede, dumistansya ka muna saken…at kay Noel. Madami kasi akong iniisip pa. Kausapin mo lang ako if may concern ka sa anak natin.”
Handa ba akong tanggapin yun? Kaya ko ba talaga? Pero dahil martyr ako, syempre papayag ako no! Mas gusto ko pa din kasi kasama sa iisang bahay si Phil. Haay I'm soooooo stupid to the gazillionth power!
“Deal?” Tanong niya ulit nung hindi na ako sumagot.
Tumango naman ako, saka sumabay sa kanya pabalik. Grabe, eto na ata ang pinakamatinding away na nangyari saming dalawa. Tapos, titiisin ko pang wag siyang lapitan or kausapin. Ano ba tong buhay na to! Kelan ba ulit ako sasaya ng lubusan? Gusto ko na yung tulad ng dati.
Pagpasok namin ulit sa unit ay pumasok na agad ako sa kwarto, inayos ko na ulit yung mga gamit ko. Iniwan ko na si Phil sa sala, alam mo yung kahit anong gusto kong samahan siya kailangan kong pigilin kasi nangako ako na lalayo muna ako kahit papaano. Ang lumalabas niyan, kaya niya ako pinagstay ay gusto niya mamonitor ang kondisyon namin ng anak niya.
Nakarinig naman kagad ako ng katok sa pintuan. Binuksan ko naman agad ito, he was there with my necklace on his palm.
“Baka maiwala ko, ikaw na magtago.”
![](https://img.wattpad.com/cover/3856671-288-k844292.jpg)
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...