Chapter Twenty: Cold War 1.1

7.9K 135 23
                                        

Chapter Twenty

“Bakit hindi ka man lang tumanggi sa plano ni Mama? Ano bang problema mo Fel?” Hinila kagad ako ni Phil sa kwarto niya pagkaalis ng nanay niya para pumunta sa grocery.

Simple, mahal kasi kita at gusto kong maikasal sayo! Yun ang problema ko Phil! Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko! Damn.

Hindi ako makasagot, hindi ako makatingin ng derecho sa kanya. I feel guilty na parang hindi. Magulo ba? Guilty ako kasi pag iniisip ko sila ni Noel. Nawawala naman yung guilt pag naiisip ko na magiging asawa ko na siya. Masyado ba akong desperada na? Mali ba talaga ang ginawa ko?

“Alam mo ang selfish mo, hindi mo inisip na masasaktan kaming dalawa ni Noel dahil jan sa ginawa mo. Gusto mo lang ikaw ang masaya, sige magpakasaya ka kasama ang pamilya ko. Tutal pare-parehas naman kayo e. You want marriage? Sure I'll give it to you pero para sa bata lang, wag mong asahan na magiging asawa ang trato ko sayo. Tinrato kita ng maayos pero ganito ginawa mo. Ikaw din pala ang sisira samin ni Noel. You know what? Don't you dare try to talk to me again.”

And with that umalis na din si Phil, iniwan niya akong mag-isa sa unit. Hindi ako makagalaw, nakatulala lang ako sa pwesto kanina ni Phil. Selfish ba talaga ako? Dahil ba nawala na sakin lahat kaya hindi ko na inisip yung mararamdamn ng ibang tao? Masama na ba na gusto ko lang meron padin akong masasandalan sa oras na pati mundo tinalikuran na ako? Gusto ko lang ng isang tao, isang tao lang naman. Masama pa din ba yun?

Hindi ko na alam gagawin ko, babawiin ko ba lahat ng nagawa ko kanina? Dapat ba hindi ako pumayag? Pero pano si baby? Hindi pa ako handa na buhayin siya magisa, wala akong trabaho, wala akong alam kung paano maging magulang, wala na akong matatakbuhan. Kanino pa ako makikisiksik?

Psh. Hindi man lang kasi ako pinagsalita ni Phil kanina tapos hindi ko pa maipapaliwanag sa kanya yung side ko kasi ayaw na niyang kausapin ko siya. Pwede ba yun? Magiging mag-asawa kami ng hindi naguusap? Di bale kakausapin ko pa din siya, hanggang sa magsawa siya sa boses ko. Hindi niya din naman siguro ako matitiis hindi kausapin e.

Dumating na si Tita este Mama pala after an hour. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging malungkot habang nakikita kong may dalang groceries ang taong nasa pintuan. Paano ba naman kasi, iniisip ko padin si Phil.

 “Iha, you all right? Bakit parang malungkot ka? Nasan si Phil?” Concerned na tanong sa akin ni Mama.

“May pinuntahan lang po si Phil sa school. Alam niyo naman yun kahit sem break ay busy pa din. Masyadong masipag!” Pinilit kong magmukhang okay kahit na durog na durog ako.

“Ah ok, kumain ka na ba? Teka nagpapacheckup ka ba tsaka yung apo ko? Two months na right? Alam mo na ba ang mga tamang gagawin at kakainin? Naku wag ka masyado magbubuhat ng mabibigat anak ha. Critical stage yang first trimester.”

Hindi na ako nakapagsalita, na-overwhelm ako sa care na ipinakita ng nanay ni Phil saken. Namiss ko tuloy bigla si Mamita. Maya maya pa ay hindi ko na napigilang mapaiyak, halos mataranta naman si Mama nung makita niyang umiiyak ako, lumapit kagad siya sa akin.

 “May masakit ba sayo?”

“Wala naman po, natuwa lang po ako kasi may pumalit na kay Mamita. Salamat naman at nandiyan na po kayo.” Hindi ko napigilang yakapin siya.  

Niyakap naman ako pabalik ni Mama. Nakakamiss mayakap ng isang ina, alam mo yung yakap na may kasamang TLC, pero siyempre mas ok pa din ang mga yakap ni Phil.

“Bakit iha? Wala ka na bang magulang?” Inaalo niya ako. Umupo na kami sa couch.

Kinwento ko naman kay Mama lahat ng nangyari sa buhay ko, nasa part na ako nung buhay ko kasama si Jerry nung biglang dumating si Phil, namumula at halatang nakainom.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon