Chapter Fifty
Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate ay nakarinig ako ng yabag ng paa na nakasunod saken.
"Tiffel Mauve dela Palma...Conte." Mahina niyang tawag sa akin.
Napatigil ako dahil unang beses kong narinig na tinawag ako ni Phil gamit ang buong pangalan ko at kasama pa din ang apelyido niya. Tumigil ako pero hindi ko siya hinarap, pinunasan ko ang mga luha ko.
"Tiffel, humarap ka na sa akin...please."
Lalo akong nanlamig when I heard his voice. This time para siyang nabasag, parang naiiyak na nahihirapan. It's not a command, it's more of a plea.
"Tiffel, God knows how much I still love you. Can we just talk this over without you walking out?"
Dahan-dahan ko naman siyang hinarap. He was crying. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil nakikita ko siya ngayon na nahihirapan ng dahil sa akin.
"Fine. Just promise me you'll let me go after we talk. I want to go home." Sabi ko sa kanya saka ako naglakad pabalik.
"We are home." Pinunasan niya ang mga luha niya gamit yung shirt na suot niya. Umiwas kagad ako ng tingin kasi ayokong matukso sa abs niya.
"This is not my house. This is not where I live." Nakaiwas pa din ako ng tingin sa kanya.
"Fel, please don't say that." Mahina niyang sabi at lumapit na siya ng tuluyan sa akin.
"Tapusin nalang natin ang paguusap natin."
"Pasok ulit tayo, dun tayo magusap."
Tumango nalang ako. Hindi na ako pumalag nung hinawakan niya ulit yung kamay ko at hinila ako papasok sa bahay. Ewan ko ba, I still find comfort pag hinahawakan niya ako. Para bang hindi kumpleto ang buhay ko pag wala yung mga yakap at hawak niya. Haaay, mababaliw na talaga ako.
Pinaupo niya ako sa isang stool, nasa mini bar kami ngayon ng bahay. Astig, masaya to pag nag-get together kami nila Noel!
Inilabas naman ni Phil ang isang whisky. Kahit na hindi ko gusto ang lasa nun ay tiniis ko nalang. Mas maganda siguro pag maguusap kami ng lasing para magkalabasan na talaga ng sama ng loob.
"Fel, I don't want to let you go. Nawala na si Rizza sa akin noon, ayoko ng mawala ka pa sa akin ngayon. Besides, ikaw ang unang babaeng minahal ko ng ganito. Apat na taon tayong hindi nagkita pero bakit ganito? Bakit parang mas minahal pa kita? It is very unusual." Pagtatapat niya kagad sa akin.
I feel the same way Phil, gusto ko sanang sabihin. Kaso siyempre pinigilan ko, may karapatan din naman ako maging ganito. Kasalanan niya din naman to kasi ang dami na niyang sakit na ibinigay sa akin. Uminom lang ako ng uminom. Naka-apat ata akong shot nung whisky after magsalita ni Phil. Hindi ko kasi alam gagawin ko, natataranta ako.
"Fel, baka malasing ka naman niyan. Drink slowly ok?" Sabi niya kagad sa akin.
"I can manage."
Pero sa totoo lang medyo nahihilo na ako. Ang lakas pala talaga ng tama nitong whisky! Hindi ko akalain na matatamaan agad ako!
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
