Chapter Fifteen: The Wife?!

8K 136 6
                                        

Chapter Fifteen

Huminto kami sa harap ng isang malaking building, isang condominium. Wala pa din talagang umiimik sa aming dalawa simula kanina. Napaisip tuloy ako kung hindi kaya ako umamin at nanahimik nalang ako kanina, masaya kaya kaming naguusap ngayon?

We're here”

“Saan?”

“My place, akala ko ba tanda mo?”

“Hello?! I was asleep the entire time. I just woke up carried by your driver in front of your door.”

“Chill, grabehan lang makapagenglish Fel?”

“Ikaw naman kasi e!”

 He just smiled at me and as expected, naging abnormal na naman ang heartbeat ko. Ang daya niya talaga! Ugh!

“Wait, magpark na muna ako sa basement then sabay na tayo umakyat sa unit ko.”

“Buti naisip mo yan, kanina pa tayo nakatigil dito di ba?”

“Whatever, pag-akyat natin wag ka muna basta basta dumikit saken. Alam mo naman mga chismosa dito. Sanay kasi sila na si Noel ang palagi kong kasama dito at kilala nila kung sino siya kaya baka makapagsumbong sila, patay tayo. Tsaka pagpasok mo sa unit ko magpalit ka agad ng indoor slippers ah, ayoko nadudumihan ang carpet ko.”

“Blah...blah...yeah sure.” Umiwas na kaagad ako ng tingin sa kanya. Masyado siyang Noel ng Noel, nakakainis.

Pagkapark namin ay dumerecho na kami agad sa elevator. Nasa 12th floor pala ang unit ni bakla.

Tahimik kaming nakasakay ni Phil sa elevator. Spell AWKWARD! Paano ba naman kasi kaming dalawa lang tapos ang dami pang floor na dadaanan. Nakakailang di ba?

Teka, bakit ang bagal ng elevator?!

B...G...Ting!

Nasa Ground Floor palang kami ng lagay na ito. At pastelan naman, parang dinumog kami ng fans sa sobrang dami ng tao na nagaantay, ANYARE?!

Nasandwich ako ng dalawang foreigner at tuluyan ng napalayo kay Phil na kasalukuyang nasa my corner na ng elevator. Maya maya ay nagchismisan na ang mga kasama ko.

Ate 1: Bakit ba naipon lahat ng tao ngayon?!

Usisero 1: Balita ko under maintenance daw yung dalawa pang elevator.

Singit 1: Ano bang serbisyo to? Grabe kaya tao dun sa baba. Ambagal pa naman ng mga elevator dito!

Ate 2: Kaya nga e dapat ipagamit muna nila yung service elevator di ba? temoprarily, para hindi lang naiipon ng ganun.

Usisera 1: Oo nga e! Perwisyo!

 Puro reklamo! Bakit di nalang kaya sila lumipat ng ibang condo unit?! o kaya magpatayo ng sariling elevator!

1...2...3...Ting! 

Haaay salamat bumaba na din yung mga chismosa. Sus! Sa 3rd floor lang pala hindi nalang naghagdan! Haruuujuusko po!

Ilang saglit lang ay nakaramdam na ako na may pumpisil na sa pwetan ko. Nilingon ko ang foreigner at tama nga ako.

Anak ng tokwa naman, sa lahat ng mamanyakin bakit ako pa? At take note ang lakas ng apog niya na tumingin pa saken habang ginagawa niya yun! Animal e! Tatanggalin ko na sana yung pagkakahawak niya saken nung biglang umextra yung isang foreigner at pinigilan naman yung mga kamay ko! At take note, nakikihawak na din siya sa pwet ko!

Tumitingin ako kay Phil para humingi ng tulong pero hindi siya tumitingin sa direksyon ko! Pag minamalas nga naman o! Ayoko din naman mageskandalo pa dito kasi baka mamukhaan ako nung mga kasakay ko ngayon sa elevator! Nakakahiya, baka maging si Amalayer pa ako bigla. Gusto ko na lumapit kay Phil! Naiiyak na talaga ako!

 4...5...6...7...

Konti nalang! Konting tiis nalang Tiffel makakaalis ka na din! Kumapit ka lang! Mamitaaa!!!

"EXCUSE ME, WOULD YOU KEEP YOUR HANDS OFF OF HER?"

Hulog ng langit! May Savior na ako! Hallelujah! Yessss!

Foreigner 1: Why? Who the hell are you?

Foreigner 2: We're not doing anything!

Aba! Ang lakas ng loob ng mga kumag magdeny! Mga echuserang froglet!

Bigla na namang may humaltak sa akin papunta sa direksyon niya. Si Phil lang pala! Bwisit! Ang hilig niya talaga manghatak!

“SHE IS MY WIFE. SO IF I SAY BACK OFF, YOU TWO STAY AWAY FROM HER!” Kung hindi mo kilala ng lubos si Phil at hindi mo alam na bakla siya, baka mapagkamalan mo nga siyang asawa ko. Seriously.

Nagulat naman yung nga foreigner sa sinabi ni Phil, hindi kasi kami mukhang magasawa e. Kahit ako nagulantang na asawa na pala ako ni Phil! Hindi niya naman kasi pinapaalam saken, nagugulat tuloy ako! Haha.

Foreigner 1: Sorry man

Foreigner 2: *harap saken* Yeah, we are really sorry about the...uh...what happened.

Inirapan ko lang sila! MagkaAIDS sana kayong mga manyak kayo! Hmp!

Nilapit naman ako ng husto ni Phil sa kanya. Naku po! Ansama na naman niya makatingin! Sermon galore na naman ang abot ko dito mamaya malamang! Tsk!

8...9...10...Ting!

Narinig kong bumuntong hininga si Phil, napatingin naman ako sa kanya at nakita ko ang bagong aura niya. Haha. His face softened and his eyes showed care, hindi na kaya siya galit?

Nagulat nalang ako nung bigla niya akong niyakap ng mahigpit at...at...

TING!

Hinalikan niya ako!     

Sa NOO...

Potek kahit noo yun, ang lakas pa din ng epekto sa puso ko! Peste lang kasi wrong timing yung elevator! Kung kelan naman magkayakap kami ni Phil parang biglang bumilis yung andar! Ang daya!!!

Mabilis naman siyang bumitaw at hinawakan niya ang kamay ko para makalabas kami parehas ng maayos at buhay! Haha.

Pagkalabas na pagkalabas namin ng elevator ay binitawan na niya din ang kamay ko. Nagbago na din ang reaksyon ng mukha niya. Pokerface na siya ulit, nakakainis. Nauna din siya maglakad kesa saken, napakamoody!

1216...1217...1218!!

Binuksan niya naman agad yung pinto at pinauna na niya akong papasukin bago siya sumunod. 

Nung pagkapasok ko ay biglang uminit yung mukha ko pano ba naman kasi naalala ko na naman yung mga nangyari!

“Hubad na.”

Nanlaki naman ang mata ko sa sobrang gulat! Ano ba naman to si Phil?! Ang gulonnaman nito kahit kelan o! Bakit di niya naman sinabi na gusto niya pala ng round 2?! PERO HINDI PWEDE! BUNTIS AKO!!! Inekis ko ang braso ko at itinakip sa katawan ko. Ano ba kasing trip nitong mokong na to?! Ano na bang nangyayari?!

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon