Chapter Twenty Three: Tiff is Back!

8.6K 126 6
                                        

Chapter Twenty Three

Sabi nga nila, time heals all wounds at naniniwala ako dun. Ilang buwan na din ang nakalipas simula ng mawala sakin ang lahat at ngayon na ang simula ng pagbalik ko sa dati. Siguro nakatulong na din ang presensya ni Phil, ni Mama at ang nagbabalik na si Jerry. Unti-unti na akong nakakabangon, unit-unti na akong sumasaya ulit.

Nagising na lang ako dahil tinatapik na ako ni Phil. So totoo pala ang nangyari kagabi, ok na pala ulit kami. I'm so happy.

“Bumangon ka na, ang hirap mo gisingin!” Iminulat ko ang mata ko only to find him looking at me with daggers.

Ay binabawi ko na ang sinabi ko kanina, hindi pa din pala kami okay at hindi pa ako happy pero ang mahalaga ay kinakausap na niya ulit ako kahit masungit siya. Konting asar ko pa dito, bibigay din siya sa akin hahaha!

“Nagsalita ang madali gisingin! Bakit mo ba kasi ako ginising ng ganito kaaga?” Reklamo ko pero bumangon na ako.

“It's already 8:00AM Fel! Halos nalinis na namin ni Mama ang buong unit e tulog ka pa din!” Tinaas ko naman ang isa kong kilay, saka nagsmile.

“Buti naman at naglinis ka, bawal ako magpagod remember? Nakinig ka ba sa doctor?”

Inirapan na naman ako ng bakla, habit na niya talaga yun. However, I find it cute. Haay, ang landi ko haha.

“Ginagamit mo na naman yang anak natin sa katamaran mo! Bumangon ka na nga at ikaw na ang magluto ng breakfast! Pagod na kami ni Mama!”

“Nagsipag ka na nga hindi mo pa nilubos! Opo na po senyor, magluluto na po ako. Ano gusto niyong ulam?”

“Itanong mo yan sa sarili mo, ok lang samin kahit ano, ikaw yung naglilihi diyan eh.” Inirapan niya pa din ako kahit na sweet yung sinabi niya sa akin. Ayiiee. Kilig much.

Hinablot ko naman agad yung batok niya saka ko siya niyakap ng mahigpit at hinalikan ko siya sa pisngi. Siyempre pag nanchancing, todo bigay na dapat! Haha. Tumayo na ako ng tuluyan sa kama saka ako dumerecho sa bathroom.

Naiwan ko na naman na nakaupo si Phil dun sa kama, nakatulala sa kawalan. Para talaga siyang autistic! Ngayon lang ba siya nahalikan sa cheeks?! Nakakatawa talaga siya, humirit pa ako ng isang banat bago ako tuluyang pumasok sa banyo.

“Alam mo Phil, mas maganda ang umaga pag ikaw ang una kong nakikita! Breakfast will be served after 30 mins. Bye!”

Hahaha! Ano kaya ang tumatakbo ngayon sa utak ni Phil? Napatingin kasi siya saken pagkasabi ko nung banat, then nung mahuli ko ang tingin niya ay kinindatan ko siya. Haha! I love myself!!!

Dumerecho naman ako sa kusina at nagluto pagtapos kong maligo at magbihis. After nun ay inihanda ko na agad ang breakfast.

“Ito ang pinakamasarap na Spanish omelette na natikman ko sa buong buhay ko! Ang swerte naman talaga ng anak ko sayo!”

“Naka-chamba lang yan.” Kontra agad ni bakla. Inirapan ko siya nung makita kong nakatingin siya sa akin.

“Nakachamba? Kaya pala halos mabulunan ka na kanina sa sunod-sunod mong subo! Atsaka pang-ilang balik mo na yan sa yangchow fried rice ni Tiff?! Denial ka talaga anak no? Kumain ka na nga lang jan ng kumain!”

Natawa naman ako sa sinabi ni Mama, oo nga naman kasi talaga. Pagkalapag ko palang nung omelette sa mesa ay sinunggaban agad ni Phil, parang tanga lang haha.

Minsan lang ako magluto kahit pa alam ko na may talent talaga ako sa cooking, nakakatamad lang kasi maghiwa, maghalo at tumikim ng paulit ulit. 

“Oo nga pala, nakababa na ang papers mo iha, pero naibook ko na kasi kayo ng ticket ni Phil kaya kahit gusto kong kasabay ko kayo papunta dun ay hindi na pwede. Aalis na ako the day after tomorrow.” Share ni Mama habang kumakain kami.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon