Chapter Seventeen
Kunwari ay nagcoconcentrate ako sa pinapanood ko sa TV para hindi halata na lahat ng ginagawa niya ay pinapansin ko. Hindi ako nag-offer ng tulong sa kanya para maghain sa center table niya sa sala kasi mas gusto kong panoorin siya.
Hindi din naman siya nagreklamo kaya inisip ko na ayos na din sa kanya na ganito kaming dalawa. Hindi ko pa naman din kasi tuluyang naiaalis ang kiss namin kanina sa utak ko. Yun at yun lang ang nagrereplay at kinikilig ako.
Ilang minuto pa ay tumabi na siya sa akin pero nahalata ko na iniiwasan niya na masyadong dumikit sa akin. Siguro awkward sa kanya, ninakawan ko siya ng halik dahil inabuso ko ang promise niya sa akin kanina. Ang dating tuloy ay parang ako ang nagnakaw ng kainosentehan niya. I feel so guilty.
Nagulat na lang ako nung nag-sandok siya ng pagkain para sa akin. Tinignan ko siya nung inabot niya sakin yung plato. Aw, ang sweet mo. Wag kang ganyan Phil baka mawala sa isip kong bakla ka.
“Kumain ka ng madami.” Sabi niya sa akin.
Hindi ko tinanggap yung pagkain kasi nabigla ako sa actions niya. Kasi naman Phil, hinay hinay lang sa pag-aasikaso sa akin.
“Walang lason yan, wag ka na umarte.” Sabi niya ulit.
“K.” Tipid kong sagot. Pakiramdam ko kasi ay nasa lalamunan ko na ang lahat ng laman loob ko.
“Ang ganda ng reply mo.” Sarcastic niyang sabi, kumuha na din siya ng pagkain niya pagkakuha ko nung plato ko.
“T.Y.” Sabi ko. Hindi ko na siya tinignan, kunwari nanonood ulit ako ng TV.
“Umayos ka nga ng sagot jan!” Napipikon na naman siya sa akin. Asar talo to!
“Yes Sir! Ay Ma'am pala!”
“BINABADTRIP MO NA NAMAN AKO FEL HA!” Mukha namang papalayasin na naman niya ako anytime kaya umayos na ako.
“Sorry na, aayos na ako. Promise!” Itinaas ko pa yung right hand ko.
“Good! Simulan mo na kumain!”
“Ano ba ito?” Hinalukay ko yung pagkain na binigay niya gamit ang kutsara. Mukha namang hindi masarap. Mas masarap pa yung halik niya kesa dito.
“Ang specialty kong Menudo. Favorite din ni Noel yan, try mo baka magustuhan mo din.”
Psh. Noel na naman! Humahanap talaga siya ng paraan masingit lang ang baklita kong bbf sa usapan. Nakakairita na! Hindi ba pwedeng ako muna kasi ako naman ang kasama niya? Pagtapos naming maghalikan ng todo bigay kanina, ipapamukha niya na naman sa akin na may Noel na siya! Anak ng arabyanong hilaw naman!
Dahil jan, hindi ako kakain! Tsaka nakakasuka kaya ang masarsa na pagkain ngayon! Hindi namin yun trip kainin ni baby! Di ba anak? Hmph, bahala jan ang Daddy mo manigas siya sa kakapilit satin kumain.
“Ayoko kumain, nakakasuka yang ulam.” Inilapag ko yung plato ko sa center table at inilayo ito sa akin.
“Hindi mo pa nga natitikman e!” Inis niyang sabi sa akin.
“Alam ko, pero sa tingin ko palang hindi ko na dapat pang kainin yan. Ayoko kumain baka masuka lang ako.” And ayokong matikman ang ulam na paborito na pala ni Noel! Magluto ka ng para sa akin!! Yung ako lang ang may paborito!
“Napakaarte! E anong gusto mo?”
Ikaw! For the record Phil, hindi na dapat tinatanong pa yan!
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Novela JuvenilPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
