Chapter Twenty Six: Jealous Much?

7.9K 145 37
                                    

Chapter Twenty Six

Kasalukuyang nagbbiyahe na kami pabalik sa condo unit ni Phil. Bakit? Well ganito kasi yun... 

*FLASHBACK*

Nakakahiya! Baka sabihin ni Phil palagi ko na lang siyang ninanakawan ng halik! Hindi ko naman kasi talaga sinasadya this time! Nagulat lang talaga ako sa kotseng bumusina!

Yung puso ko, shit, yung puso ko parang nagwawala at gustong makalabas sa rib cage ko. Ilang beses na akong hinahalikan sa labi ni Phil pero iisa lang talaga ang nagiging response ng puso ko. Kailangan ko na ata masanay at mag-expect ng isang heart attack kung medyo magtatagal pa ang kiss namin ni bakla.

Humingi kagad ako ng sorry sa nangyari at mabilis na tumalikod sa kanya at binuksan ang pinto. Kaso sinara niya ito ulit at pumunta kami sa basement parking ng condo.

Ang awkward, feeling ko mas mapula pa ang mukha ko sa ilong ni Rudolph. Kailangan ko na makaalis pero hindi naman ako hinayaan ni Phil! Hiyang hiya na ako oh!

Pagka-park na pagka-park ni Phil ay binuksan ko na ang pinto at bumaba na agad ng kotse. Kaso hindi pa man ako nakakalayo ay hinarangan na niya ako. Pag lumalapit siya lumalayo ako, naka-ilang cha-cha steps din kami hanggang sa maramdaman kong nakadikit na ang likod ko sa kotse. I’m trapped!

“Phil, pupuntahan ko na si Je-“

Alam kong hindi panaginip ito pero it feels like one. Hinapit niya ako papalapit sa kanya, hawak niya ako sa batok.  The moment his lips hovered mine, hindi na ako nakahinga, hindi ko na din alam kung nasaan ako at nakalimutan ko na kung bakit nga ba kami nandito.

I felt his lips moved, siyempre I moved mine too. Ginantihan ko ang paraan ng paghalik niya sa akin. Ito ang unang pagkakataon na si Phil ang nag-initiate ng halik, hindi ko hiniling sa kanya ito, hindi din naman ako maingay para patahimikin niya ng halik ngayon at lalong hindi ako nagnakaw sa kanya. Siya mismo ang humatak sa akin papalapit.

I wrapped my arms around his waist, lalo niya namang inilapit ang katawan ko sa kanya. Ang isang kamay niya ay nasa batok ko at ang isa ay nasa likod. Nawala na naman sa isip kong bakla nga pala ang hinahalikan ko ngayong mga oras na ito.

*Ring ring ring*

Humiwalay na ako sa kanya nung marinig kong mag-ring ang cellphone ko, baka kasi si Jerry ito. Aalisin ko na sana yung pagkakayakap ko sa kanya pero inipit niya ang mga braso ko.

“Phil, I need to answer this.”

“Later.”

Nawala naman kagad yung pag-ring ng phone ko kaya naman naging busy na naman ang mga lips ko sa kakatanggap ng halik ni Phil. Shit, konti nalang bibigay na ang tuhod ko na parang jelly ace na sa lambot. Kung hindi siguro ako hawak ni Phil ngayon, mahihimatay na ako.

*Ring ring ring*

This time si Phil na ang humiwalay sa akin, napahawak siya sa noo niya. Parehas kaming habol sa hininga. Grabe ka Phil, kung ganito ka humalik sa akin ngayon kahit na wala ka pang nararamdaman na kahit ano sa akin, kamusta naman ang paraan ng pag-halik mo sa tao na gusto mo? Kay Noel? Mas intense siguro dito. Iniisip ko pa lang, kinikilabutan na ako.

“Sino ba yan?!” Inis niyang tanong sa akin, aagawin na sana niya ang phone ko pero inilayo ko naman ito agad sa kanya at tinignan ang caller ID. Si Jerry. Oo nga pala, siya pala ang pinunta ko dito.

“Si Jerry.” Sasagutin ko sana yung tawag nung pigilan ni Phil yung kamay ko. Tinignan ko siya.

“Get in the car Tiffel.” Seryoso niyang utos sa akin.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon