Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?

19.1K 321 26
                                    

Copyright 2012

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Prologue

Hindi ko alam kung paano uumpisahan iexplain kung gaano kakomplikado ang naging relasyon naming dalawa...

Basta ang alam ko lang, nagbago ng husto ang takbo ng buhay ko nung nakilala ko siya at alam ko he felt the same, hindi lang talaga siya yung expressive type.

Malamang niyan mamaya tatarayan na naman niya ako, ayaw niya kasi nagkkwento ako tungkol samin. Ang kaso wala naman siyang magagawa e takot niya lang na iwan ko siya hahaha

Ayan na dumating na siya, maya maya lang nandito na yan sa tabi ko, ioff ko muna tong si Ashy (laptop kong color gray).

"Ano ba yan Fel!!! Wala pa ding pagkain? Ano bang ginawa mo maghapon magdamag? Bumaba ka nga dito at ipaghanda mo ko ng makakain!" Nakikita ko na ang nakakunot niyang noo mula dito sa kinauupuan ko.

Ooopppsss, nakalimutan ko nga pala maghanda ng dinner para sa kanya, pano ba naman kasi nagaway kami kaninang umaga, umiral na naman kasi ang pagkamaarte niya, lahat nalang ng kaartehan sa mundo nasalo na niya. May pagkaobsessive compulsive pa, kailangan lahat in order sa bahay.

"Teka, may ginagawa pa ako mag-instant noodles ka nalang muna, wag ka ng maarte jan, iwanan kita e!" sigaw ko pabalik, pano ba naman kung magutos parang boss, pag umalis naman ako hinahanap hanap niya din naman.

Another oopppss, nakakarinig ng ko ng footsteps sa hagdanan (eee ang creepy!!!) pero siyempre siya lang naman yun, susungitan na naman ako.

"Ano ba, hindi ka talaga bumaba at salubungin ako no?" ayan na siya sa may door ng kwarto, ang pogi niya talaga!

"E sorry naman may ginagawa naman talaga kasi ako e, sige na Phil maginstant noodles ka nalang muna ha?" nagpapacute ako sa kanya, as if naman tatalab. Pero tinry ko narin baka makatsamba ako e haha.

"Ay naku, tigil tigilan mo nga ako Tiffel ha, hindi mo ko makukuha sa pagpapacute mo."

Umirap ako "Opo na po kamahalan, alam ko namang walang effect ang pagpapacute ng isang tulad kong BABAE sayo no. Buong buhay mo sa lalaki ka mas nakakaramdam ng attraction, napilitan ka lang naman saken."

Tama, buong buhay ni Phil, sa lalaki siya mas naattract. In short isa siyang bading, badaf, gay, shokla, jokla, sisterette, lahat na ng translation ng salitang yun nasa kanya na.

Pero ang katanungan na alam kong nakakapagpabagabag (tongue twister??!) sa inyo is:

Paano nagbago ang isang tulad niya para maging Prince Charming ng isang tulad ko?

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon