Chapter Six: Inlove na ba si Bida?

8.7K 149 8
                                    

Chapter Six

Naglalakad ang barkada papunta sa secret tambayan namin sa may likod ng soccer field nag school. Bigla ko namang naalala yung letter na pinagawa ni Phil.

"Ah Noel, kilala ko na pala yung secret admirer mo, nilapitan niya ako kanina and pinapaabot niya tong letter sayo."

Inasar naman ng barkada si Noel, at ang bakla namumula pero bakit hindi ako masaya? Dapat nga di ba ay nakikipagasaran din ako sa kanila?

"O ateng? Bakit ang tahimik mo?" Worried na tanong ni Lychee sa akin.

Naku patay napansin na ata nila yung pagkawala ko sa mood. Kahit ako nagtataka ako bakit ako nagkakaganito, sana mawala na din tong nararamdamn ko bukas. Sana pagod at stressed out lang ako kaya ganito.

 "Ako na humihingi ng sorry Tiff, kilala ko si Belinda alam kong hindi niya sinasa-" Sabi ni Jerry.

"Ano papa Jerry? Hindi sinasadya? E kung sabihin ko kaya sayo na palaging inaapi ng Belinda b*tch mo ang kaibigan namin kahit nung di ka pa namin kilala? Kaya wag na wag mong sasabihig hindi niya sinasadya dahil simula palang insekyora na yang ex mo sa sissy namin!!!" Hindi pinatapos ni Jay-R si Jerry sa pag-eexplain.

Kaya mahal ko tong barkada e, through thick and thin, right or wrong man, ako pa din ang kinakampihan nila. Minsan nagkakaroon ng misunderstanding pero naayos din naman lahat.

"Sorry talaga Tiff." Naaawa ako kay Jerry. Siya yung na-gguilty where in fact wala naman siya talagang kasalanan. Insekyora lang talaga ang ex niya.

"Hindi dapat ikaw nagsosorry, dapat yung malansang isda na yun ang magsorry. Paano ka ba nabulag nung gagang yun?" Inis na din si Lychee.

"Respeto naman guys, mahal ko si Belinda kahit ganun siya. Wag niyo naman siya pagsalitaan ng ganyan." Sabi ni Jerry sa amin.

"Sige kampihan mo siya kahit siya mali! Sayang guapo ka pa naman sana kaya lang may pagkaengot ka e!" Sigaw ni Noel kay Jerry.

Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari, kinwelyuhan ni Jerry si Noel! Napuno na ata si Jerry sa pinagsasabi ng mga barkada ko. Pero bakit ba? E tama naman yung mga term na tawag mila dun sa pokpokitang yun no! Uumpisahan ko na sana sila awatin ng may biglang sumigaw

"LEAVE HIM ALONE!"

Nung nilingon namin kung sino ang sumigaw ay nagulantang kami, well si Phil lang naman yun. Ano bang nakakagulat dun? Tila naman naguluhan ang barkada sa inaarte ni Phil.

"Sino ka ba ha?" Oops. Mukhang may ibang mapagbubuntunan ng disappointment si Jerry ah.

"Ako si Phil." Sagot ni bading na may nakakalokong smile.

"Aba at pilosopo ka ah!" From the way O see it, pikon na si Jerry.

Lumapit naman si Jerry kay Phil, buti naman at binitawan niya si Noel. Nagalala ako kay baklita dun a, in fairness di ko akalain na may ganung side pala si Jerry.

"Tinanong mo kung sino ako di ba? I'm just answering your dumb question."

Tila walang buhay na sagot ni Phil, buti pa si Noel may tagapagtanggol na. Sana lalaki nalang si Phil. Aish! Ano ba yong naiisip ko?!

"Wag mo kong subukan kung hindi malilintikan ka saken." Jerry threatened him but he kept his cool.

"Just do it." Parang china-challenge pa ni Phil si Jerry.

Kinwelyuhan ni Jerry si Phil, at ewan ko pero parang on instinct kinabahan ako para kay Phil at parang pinipiga na naman ang puso ko. At yun na nga hindi ko na napigilan ang pagsigaw.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon