Chapter Forty Five
"WHAT?! GAGA KA BA TALAGA?” Sigaw sa akin ni Noel saka niya ako inalog-alog, bumangon na din ako sa pagkakahiga.
“Bakit?! Nasaktan na ako masyado bessy! Ayoko na muna, tapusin na namin tong kagaguhan na to. Hayaan ko muna siyang makapagisip!” Pagdedepensa ko sa nagging desisyon ko kahit na sa totoo lang ay nagsisimula na akong magsisi.
“Halos mabaliw yung tao kakaalala sayo simula nung makita ka niyang kinuha ka nung nakaitim na mga lalaki! Hindi mo ba alam ngayon lang nakakakakuha ng matinong tulog yung tao tapos sasalubungan mo ng maghiwalay na kayo?!” Lalo naman akong nakonsensya sa binulgar ni bakla.
“Bakit?! Para naman to sa ikabubuti ng lahat. Malay mo, marealize niya na nalilito lang pala siya sa nararamdaman niya sa akin kasi buntis ako nun. Malay mo, marealize niya din na ikaw pala talaga yung gusto niya.” Pagrarason ko, kahit na alam kong wala namang saysay ang sinasabi.
“Haaayyy ewan ko sa inyong dalawa! Ang gulo niyo! Nadadamay pa ako! Gusto ko na makipagbreak ayaw pa nung mokong! Konti nalang daw, tiisin ko nalang!”
“E baka nga kasi talagang nararamdaman niyang may posibilidad na mapili ka niya.”
“Imposible beki! Alam mo may trust issues yan si Phil e! Hindi ko nga alam na niloko pala siya ng gf niya dati kaya siya nagkaganyan e, lately lang niya sinabi saken yan. Nung gabi pa yun na wala na kaming mapagkwentuhan, nasabi niya din saken na ikaw ang unang napagsabihan niya nun at sayo siya madalas magkwento ng tungkol sa family niya.”
“O, so ano gusto mo palabasin?!”
“Ay bwisit! Ang slow! Ibig sabihin nun, mas pinagkatiwalaan ka ni Phil kesa sa akin. Ibig sabihin mas mahalaga ka sakanya kesa sa akin. Sa palagay ko nga companionship lang ang hanap nung mokong kaya niya ako niligawan. Ikaw naman kasi, puro ka Jerry dati! Kahit pa sinasabihan mo siyang mahal mo siya kung wagas ka naman makangiti pag mababanggit si Jerry ay nawawalan pa din siya ng kumpiyansa!”
Hindi na ako nakasagot. Natameme ako bigla, kaya pala ganun si Phil kasi iba ang sinasabi ko sa kinikilos ko? Iniiyakan ko pa nga siya di ba? Pero bakit parang ako pa pala ang mali?
“O ano? Natameme ka te? Haha. Halika na nga at kumain na tayo! Later tulungan na kitang ayusin yang gamit mo ng makapagpahinga tayo ng maaga. May pasok pa ako bukas! Nakakastress kayo!”
“Pasensya na bessy ha. Nagguilty tuloy ako kasi nadadamay ka pa.”
“Keribels lang! Atleast nagkaroon ng thrill ang life ko! Hahaha.”
“Speaking of pasok, sama ako sa school bukas.”
“At bakit?”
“Kasi gusto ko magenroll? Ngayon at hindi na ako...buntis, pwede na ako magaral ulit. May savings pa naman si Mamita e.” Nabuo ang desisyon na yan kagabi nung mag-isa akong nakatambay sa hospital bed.
“Nice!!! Tiffel is really back!” Pumalakpak si Noel nung marinig niya yung mga sinabi ko.
“I'm trying.” Matipid kong sabi sa kanya.
“Naintindihan kong madami kang pinagdaanan pero as a friend gusto ko na talagang prangkahin ka...GET A LIFE! Ang tagal mo ng ganyan!”
“I will…I can.” Natatawa kong sabi sa kanya.
“Good!” Inalok niya ang kamay niya at inabot ko naman, magkahawak kamay kaming lumabas sa kwarto at pumunta sa kitchen para kumain.
It's nice having this talk with Noel, andami kong nalaman, madami din akong narealize. At ngayon, buo na ang desisyon ko...
![](https://img.wattpad.com/cover/3856671-288-k844292.jpg)
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Novela JuvenilPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...