Special Chapter 001-04

3.8K 76 12
                                        

PHIL'S POV


It has been a week since I've distanced myself to everyone, including Noel.

After I've spent some time with Tiffel, confusion consumed me. Hindi ko na alam kung ano na ba talaga ang gagawin ko. Akala ko magiging maayos lahat pero lalong lumala, akala ko kapag lumayo ako makakapagisip ako ng maigi but I was wrong.

Parehas ko silang namimiss.

Namimiss ko lahat ay Noel pero namimiss ko mismo ang presence ni Tiffel. Ewan ko na, naguguluhan na ako.

I was planning to talk to Noel this coming weekend para simulan ko na ang next step ng relationship namin, kailangan ko ng bilisan bago pa man mapasok ni Tiffel ang sistema ko. This something I'm feeling about her is not good at all.

Dahil una, ayoko nang ma-fall ulit sa babae. Pangalawa, naumpisahan ko na ang pag-ppursue kay Noel at pangatlo, hindi lang basta ibang babae si Tiffel, she's a dangerous one.

"Hoy bro, palaging lutang lang?" Tanong sa akin ni Kib, pinakahead ng org na sinalihan ko. Napangiti na lang ako saka umiling.

"Kanina ko pa kasi inaabot yung papers saýo di  ba?" Natatawa na siya. Kinuha ko naman kagad yung binibigay niya.

"Kinuha ko na di ba?"Pangaasar ko sa kanya pabalik, this time siya na ang umiling.

"Alam mo Conte, harapin mo na kasi yang problema mo. Nakakabaliw lalo pag iniwasan mo pa yan." Sabat ni Yuri, ang secretary namin.

Hindi ako nakasagot. Tumama sa akin lahat ng sinabi nila, ni hindi nga ako nakailag. It's time for me to see them both. Titignan ko lang kung sino ang mas namiss ko talaga. Yes, I'm being childish but who cares puso ko naman nakasalalay dito.

After ng meeting nung org namin ay sinamahan ko si Yuri na ibalik sa storage room yung paraphernalias na gagamitin namin para sa program ng school next month.

Kaso nung nasa may offiice na kami ng student council ay may nakita akong familiar na figure ng babae. Hinahatak siya paakyat ng rooftop, lumakas ang tibok ng puso ko. Malakas ang kutob kong si Tiffel yun.

"Phil, okay ka lang ba diyan?"Tanong sa akin ni Yuri nung mapansin niyang natigil ako sa paglalakad.

"Ha? Oo. Bilisan na natin."Nagmadali talaga ako sa paglalakad para makapunta ako sa rooftop agad. Hindi ko naman kasi pwedeng iwan si Yuri dahil hindi niya kaya bitbitin 'to lahat.

"Okay ka na ba? Mauna na ako umalis ha, may pupuntahan pa kasi ako."Paalam ko agad sa kanya pagkababa ko ng mga gamit sa storage room.

"O..sige?" Naguguluhang sagot ni Yuri saka ko tinapik ang balikat niya at tumakbo paakyat sa rooftop.


What I saw left me standing with my mouth wide open, unang beses kong naramdaman ang ganito. It feels like my knees are  getting weak, my mouth dry and my heart is being crushed into tiny microscopic bits.

Tiffel was receiving multiple slaps from this unknown little bitch and her gang. Her cheeks are so red that I thought it'll bleed. Kung hindi lang talaga siya hawak ng dalawang bruha sa magkabilang braso baka kanina pa nakalupasay si Fel.

I never thought she is very vulnerable, that behind her strong facade there is still a little girl that needs to be protected. I must do something, nakikita kong malapit na magpass-out si Tiffel.

Nagmadali akong lumapit sa kanila.


"STOP OR ELSE HINDI LANG EXPULSION MAPAPALA NIYO! STAY AWAY FROM HER!" Buti na lang medyo nakakaintimidate ang labas nung boses ko kaya nagsialisan kagad sila. Mga takot din naman pala, tch.


Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon