Chapter Thirteen: My secret Guardian angel + Confessions

7.9K 155 11
                                    

Chapter Thirteen

Kinagabihan din nung araw na iyo ay tuluyan na ngang umalis si Jerry papuntang States. Siyempre dahil wala na ako matutuluyan, napilitan akong bumalik sa condo unit namin ni Mamita.

Akala ko kaya ko na ang mag-isa, kaya ko na asikasuhin ang sarili ko at ang lahat ng bagay pero nagkamali ako. Hirap na hirap pa din ako, lalo na’t kahit saan ako tumingin ay may memories kami ni Mamita. Nakaka-depress at nakakabaliw.

Sinubukan kong lumapit ulit sa barkada pero tuluyan na ata nila akong kinalimutan after ngg pagtataboy ko sa kanila. I felt rejected again. Nagkkwentuhan sila doon na para bang hindi nila ako kasama. Minsan pinipilit akong isama ni Noel sa usapan pero after ko sumagot, para bang may dead air palagi, napuputol agad ang usapan.

Sa araw-araw na ginawa ng diyos, papasok ako sa school ng gutom at puyat tapos uuwi ako ng pagod pero hirap makatulog. Ewan ko nga kung paano nakaka-survive ang anak ko sa pinaggagawa ko sa amin, nakakapit pa din siya sa akin, hindi siya bumibitaw.

Palagi na akong mag-isa. Sa room lang ako nagkakaroon ng kasama dahil hindi naman kasama ni Noel ang barkada o kaya si Phil sa mga ganung oras. Doon ko lang nararamdaman, sa maikling oras na yun, na hindi ako mag-isa, na may kakampi pa din ako.

“Baklita, aalis pala kami nila Mommy the day after tomorrow. Magbabakasyon kami sa London. Naka mga isang buwan din kami dun, gusto mo ba sumama?” Tanong sa akin ni Noel, magkatabi kami ngayon at nakikinig ng discussion tungkol sa mga sakit sa community.

Hindi naman ako nakikinig eh, kagaya lang ng dati. Ang kakaiba lang, hindi ako magulo ngayon at hindi ko naiisipang mag-cutting, para akong robot.

“Ang tagal?” Tipid kong sagot, nilingon ko siya kasi kailangan.

“Gaga? Summer break na kaya! Masyadong lutang? Hindi na alam ang petsa?”  Pagbibiro sa akin ni Noel.

Dati, kung gaganyanin ako ni Noel, babarahin ko na agad siya pero ibang iba na ngayon. Nawala na ang lahat, pati si Tiff, wala na din at hindi ko alam kung saan direksyon siya tumakbo.

“Dito na lang ako, nakakahiya din kila Tita, mahal ang pamasahe dun di ba? Maghahanap na lang ako ng trabaho dito.” Wala kong emosyon na sagot sa kanya.

“Haay naku beks, sana pagbalik ko ay nagbalik ka na din dati, yung Tiff the bitch para naman sumaya na ulit ang lahat.” Napahawak siya sa braso ko.

“Ewan ko Noel. Hindi ko alam.” Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at ibinalik ang tingin sa projector kahit na wala naman akong maintindihan.

Then the bell rang, isang school day na naman ang lumipas. Isang araw na naman na walang improvement, lahat palala ng palala. Paano ba ako makakabangon ulit?

Bago ako tuluyan umuwi ay umaakyat muna ako sa rooftop ng school namin, naging habit ko na ito tuwing uwian. Dito kasi masarap mag-stay dahil mahangin, tahimik at makakapag-isip ako ng maigi.  Malapit pa sa langit kaya pakiramdam ko mas malapit ako kila Mamita.

Umupo ako sa may mini garden at pumikit. Mukha akong nag-memeditate pero sa totoo lang kinakausap ko sila Mamita. Naririnig naman nila kahit na nasa isip ko lang yung sinasabi ko di ba? Nagmulat lang ako nung may narinig akong yabag ng paa na paakyat din dito.

Walang umaakyat sa rooftop ng ganitong oras dahil uwian na ng halos lahat ng estudyante sa university na ito kaya sino itong pangahas na sumira sa conversation ko with my parents? Malaglag sana siya sa hagdan, isa siyang malaking istorbo!

“Araw-araw ka nandito ah.”

Napalingon ako agad sa lalaking nagsalita, kilala ko kasi yung boses na yun. Nag-iisa lang siya sa buhay ko na ganyan ang boses.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon