PHIL
Hindi na kami nagpapansinan ni Tiffel after that scene. Kapag magkakasama kami ng barkada parang hindi namin kilala ang isa't isa. Kahit na gustong gusto ko na siyang kausapin, binubulungan ako ng pride ko na wala namang dahilan para mag-usap pa kami.
May nangyari sa amin pero hanggang dun na lang yun. In fact, palagi na silang magkasama ni Jerry kaya alam kong wala na rin siyang pakialam sa kung ano ang pinagdaanan naming dalawa.
As much as I wanted to avoid her, parang nang-aasar naman siya kapag nagkikita kami katulad ngayon, nandito kami sa loob ng cafeteria but she doesn't look well at all. She looked pale and fragile so I can't help but worry.
Pinilit ko na lang iiwas ang tingin ko sa kanya at nagconcentrate na lang kay Noel, papakinggan ko na lang ang paguusap ng tropa. Malalaman at malalaman ko din naman kung bakit siya nagkakaganyan.
"Wag niyo muna kukulitin si babaita. Hindi maayos pakiramdam niyan baka masoplak kayo pag kinulit niyo." Bungad ni Noel sa amin, tumabi kagad siya sa akin.
"O? Bakit daw?" Si Frida yung nagtatanong na kasalukuyang kumokopya ng assignment.
"Nakakain ng laing na sira. Bumili dun kay ate Darling kagabi, ayan ang sama daw ng pakiramdam." Pagpapaliwanag ni Noel pero hindi bumenta sa akin yung sinabi niya, siguro sila maniniwala pero iba ang pakiramdam ko. May kakaiba talaga kay Tiffel eh.
"Naku girla, sa clinic ka nalang kaya muna? Ayaw mo nun makakapagcutting ka na din?" Nagaalalang tanong nung Lien sa kanya, na may kasamang pangdedemonyo pa. Saglit akong tumingin kay Tiffel saka ko binawi ulit baka kasi makita niyang nakatingin ako sa kanya.
I still hate her but I keep on worrying. Fuck this life.
Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin, nagsibilihan na din sila ng mga pagkain. Naka-order na kasi ako para sa amin ni Noel kaya hindi na ako tumayo sa kinauupuan ko. Nagtataka pa din sila sa kinikilos ni Tiffel.
Ang dami na nilang naitanong pero hindi sumasagot si Fel, nakatingin lang siya kay Jerry. Ano ba talagang meron dito sa dalawang 'to?
Nag-snap ng fingers si Jerry sa harap ni Tiffel at dun ako nagulat sa naging reaction nung bruha. Well, niyakap niya lang naman yung mokong at mukhang umiiyak pa. Ano na namang drama nitong dalawang 'to? Pagbuhulin ko kaya sila?
WOULD YOU CARE TO EXPLAIN SISTER?!" Pasigaw na tanong nung Frida. Medyo OA lang yung reaction niya.
"Mas may alam na ata si Jerry kesa samin a! Nakakaselos na, bakit naman si Noel hindi ganyan? Partida bf na niya nun si Phil. E ikaw nanliligaw palang si Jerry sayo kung makapagtago ka na ng secrets ha." Napatingin ako sa kanilang lahat nung marinig ko ang pangalan namin ni Noel.
"Baka hindi na niya tayo kailangan."
"Nakakahurt ka na sissy."
Sabay sabay silang naghihimutok. Ako kahit gusto kong makiepal, pinigilan ko na lang ang sarili ko.
Ilang sandali lang din ay nagsalita na si Tiffel.
"Sorry guys, kasi naman hindi ko maexplain feeling ko. Gulong gulo na ako, nasstress pa ako kasi hindi ayos ang pakiramdam ko. Naghahalo halo na lahat. Kaya ako nagsosorry kay Jerry kanina kasi tinarayan ko siya kahit wala siyang ginagawang masama tapos nagguilty pa ako kasi pati kayo nadamay kaya naiyak na din ako."
As if I'm gonna buy that explanation. Sa konting panahon na nakilala ko si Tiffel, alam ko na kapag may tinatago siyang something. Hindi ko alam kung bakit nagegets ko kagad siya kahit hindi siya magsalita. Isang tingin ko pa lang sa kanya alam kong hindi na maayos ang pakiramdam niya at parang tanga din naman akong bumibigat din ang pakiramdam na akala mo magkadugtong ang sikmura naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
TienerfictiePano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...
