Chapter Nineteen: THIS CAN'T BE HAPPENING!

7.6K 133 22
                                    

Chapter Nineteen

BLAG!

At may narinig kaming kalabog sa may bandang kusina! Oh no! May iba pa bang tao dito sa unit ni Phil? Pinasok ba kami ng akyat bahay habang nasa ospital ako? This is so bad! Nagkatinginan kami ni Phil pagtapos ng isang nakakagulantang na usapan.

Maya maya pa ay nakarinig na kami ng naglalakad patungo sa direksyon namin ni Phil. Kahit na medyo naiinis siya sa akin kanina dahil sa sinabi ko ay hinatak niya pa din naman ako kagad palapit sa kanya. In fairness medyo mahigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko ha at masakit siya ng konti. He looked so tensed.

Ilang sandali pa ay may sumulpot na isang babae galing sa kusina ni Phil, nasa mid-40s na siya, kung titignan ng maigi pwede siyang pumasa bilang nanay ng baklang nakahawak sa akin ngayon. Hindi kaya....

"TAMA BA YUNG NARINIG KO FELIPE?!" Sigaw nung babae sa direksyon ni Phil. May dala pa itong sandok na hinahampas na ngayon kay Phil.

"Ah..eh...MA! Uhm...Ke-kelan k-ka pa d-dumating?! Aray naman! T-teka Ma! Anjan ba si Dad? Tama na-masakit!" Nauutal na sagot ni Phil. Nakakatawa ang mokong, ga-mais ang tulo ng pawis at ganito pala siya pag inaapi haha. So nanay niya pala talaga tong babaeng ito? At ibig sabihin narinig niya ang lahat... at dahil jan... HINDI MAARI!!!!  

*rewind rewind* Teka alam niyo ba kung ano ang sinabi ko bago pa man nangyari ang lahat ng ito? Pwes eto na...

*FLASHBACK*

Nagtatalo pa din ang loob ko sa kung ano ang gagawin ko. Aaminin ko na ba talaga kay Phil? Shemay, hayaan na nga, wala namang mawawala sa akin pag sinabi ko di ba?

Tinititigan ko lang ang likod niya, nauuna kasi siya sa paglalakad pabalik sa unit niya, tahimik pa din at wala pa ding may balak magsalita. Kanina pala ay dumaan muna kami sa unit ko para mag-impake na ng lahat ng gamit dahil dito na nga ako makikituloy muna sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako, tsk ito pa naman ang pinakahate kong feeling yung kinakabahan tapos nanlalamig.

Pagkasara na pagkasara nung pinto ng unit ni Phil ay tumikhim muna ako para humarap siya sakin. This it Tiffel, go for the gold!

“Phil, may sasabihin sana ako sayo.” Lakas naman maka-heart attack drama ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok, parang kabayong nakikipagkarera.

“Ano?” Hindi niya ako tinitignan, nagpapalit siya ng indoor slippers ngayon.

“Ano k-kasi…uhm..ano.” Paano ko ba sisimulan?

“Ano nga?” Huminga siya ng malalim, tapos na siya magpalit ng indoor slippers, Dumerecho siya ng tayo at inilagay ang kamay niya sa bewang niya at humarap sa akin.

“Kasi ano…I’m p-pregnant and…” Mahigpit ang pagkakasiklop ko ng mga daliri ko. Ito na Tiffel, konti na lang at makakaraos ka na. Tiwala lang.

Narinig ko naman na tumawa si Phil at umiling iling, nagsimula na siyang maglakad papunta sa sala. “Nagpapatawa ka ba Fel? Alam ko na yan, kagagaling lang natin sa ospital di ba?” 

“You are the father.”

Biglang humarap sa akin si Phil, naglakad siya pabalik sa pwesto kung saan ako nakapako, sa may doorway. Nakita ko na halos lumuwa ang mata ni Phil sa sobrang gulat. Kung hindi lang seryoso tong eksena, baka humagalpak na ako sa tawa dahil sa itsura niya. Sasagot na sana siya nung may biglang may bumagsak sa may bandang kusina.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon