Chapter Forty Eight
Nagising na lang ako kasi pakiramdam ko lumilindol, grabe kasi kung makayugyog tong baklang nanggigising sa akin! Argh, halos hindi na nga ako nakakuha ng maayos na tulog kagabi dahil sa kakaiyak, bibitinin pa ako ni Noel sa tulog!
"Beki bessy! You have to go downstairs, may byolong shotokobels sa may gate ng ating baler! You have to go see him!"
*byolong shotokobels = papables*
*baler = bahay*"Please, pakisabi hindi ako tumatanggap ng manliligaw. Besides pagpahingahin mo pa ko, nakita mo naman kung gano ako nadrain kagabi sa kakaiyak!" Inis kong sabi sa kanya saka ko tinakpan ng unan ang mukha ko.
"Witchikels bekibels! Gora ka na sa baba! Kasi yung iniiyakan mo kagabi yung nasa baba! Quick, ng makahaliparot ka naman!" Hinila niya yung kumot ko palayo sa katawan.
"What?! E di ba galit ka din sa kanya? E bakit ngayon parang inaapuyan yang tumbong mo sa sobrang kilig?! Sabihin mo sa kanya tulog pa ako at wala akong interes makipagusap sa kanya." Hinila ko pabalik yung kumot ko saka ko ito tinalukbong ulit.
"Sinabi ko na yan te for like 100 times already! Kanina pa kaya siyang 8am sa labas, hindi siya nagpapatinag hanggang ngayon 12nn, haler atey, tirik na tirik si haring araw now, baka maheat stroke pa yung tao dahil sayo. Galit pa din ako sa kanya, sadyang nakakaawa lang siya. Tsaka ang sweet niya, nag-tyaga talaga siya for you."
Hindi na lang ako umimik, sana akalain na lang ni Noel na tulog ulit ako. Hindi ako handang harapin yung lalaking yun ngayon, at kahit kailan pa. Bahala siya maghintay dun, ako nga pinagantay niya ng apat taon di ba?! Asa siya!
"Ah ganyanan ha? Sige paakyatin ko na lang dito si Phil, siya na ang bahala gumising sayo."
Nakatayo na si Noel nung bumangon ako at wala pa sa alas singko ay pumunta na agad sa banyo at naligo. Sisilipin ko lang naman si Phil, wala naman sigurong masama dun. Besides, hindi ko naman siya kakausapin. Ayoko lang makapasok pa dito sa pamamahay ni Noel yung kumag na yun!
Talagang sinadya kong magbabad sa pagligo para naman matagalan pa. Tsaka hindi pa kasi talaga ako prepared! Para naman kasing tanga, ano bang malabo sa sinabi ko kagabi sa kanya? Sinabi ko na naman na tapos na kami di ba? Ano na namang inaalburuto niya at pumunta pa siya dito? Kairita!
Siguro mga isang oras na din akong nagbababad nung halos gibain na ni Noel ng katok yung pintuan ng bathroom!
"Bessy, bilisan mo! May naisip akong plano! This is going to be fun!!! Magbihis ka ng maganda ha! I'm going to call my lovey Sean! I am so great!"
Kahit na ayoko pang umalis sa pagkakababad dito sa bathtub nila Noel ay pinilit ko ng magbanlaw. KJ talaga kahit kailan yung beki na yun! Argh! Ano na naman kaya ang nasa utak ng halimaw na yun?
Kasalukuyan akong naghahanap ng masusuot nung biglang pumasok si Noel, take note naka-undies lang ako! Hindi kasi ako sanay na nakikita niya ako na nakaganito, lalaki pa din naman siya kahit papano. Nagtalukbong agad ako ng unan!
"AAAHHHH! Sheez! Lumabas ka nga muna beki! Nagbibihis pa ako! Hindi ka ba marunong kumatok?!"
"Tch! As if pagiinteresan kita! Oo na at perpekto yang katawan mo, mas sexy pa din ako sayo! At bahay ko to, hindi ko na kailangan kumatok!" Sabi ni Noel habang nakaupo sa kama ko at nagbabasa ng Cosmopolitan magazine.
![](https://img.wattpad.com/cover/3856671-288-k844292.jpg)
BINABASA MO ANG
Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?
Teen FictionPano kung dahil lamang sa isang hindi inaasahang pangyayari ay may mabuo... Nakabuo kayo ng bata ng isang tao na hindi mo pa lubusang kilala... E pano kung malaman mong kabilang pala siya sa lumalaking pederasyon ng mga Diyosa sa Pilipinas? An...