Epilogue

10.1K 163 46
                                        

Epilogue

"Ang haba talaga ng hair mo girl! Akalain mong grabe yung proposal sayo ni Phil! Sa harap ng madlang people!" Sabi ni Noel, nasa kotse na kami ngayon pauwi sa bahay.

"Expected na naman yun love, sa tipo ni Phil. Beat all the odds ang drama ng pag-ibig niyan!" Natatawang dugtong ni Sean.

"Sige lang, wag kayo tumigil jan, ibababa ko kayo dito sa gitna ng kalsada! Tapos na ang proposal ok?" Namumulang sabi ni Phil sa kanila. Nahihiya ang loko.

"May legacy kang iniwan sa YouTube!" Pangaasar pa lalo ni Noel

Namula naman lalo si Phil, hindi ako nakikisama sa pang-aasar nila kasi nararamdaman ko yung nararamdaman niya ngayon.

Alam kong nagawa niya lang yun dahil sa sobrang pagmamahal, hindi ko ikakahiya yun pero kasi yung i-post ang proposal niya sa YouTube. Well, dapat expected na mangyayari yun pero hindi ganun ka-viral agad!

"Mahal ko lang talaga si Tiffel kaya ko nagawa yun, once in a lifetime lang ang proposal kaya dapat nilulubos na!" Pagtatanggol ni Phil sa sarili niya.

"Aysos! Akalain mong napaka-cheesy mo pala Phil?! Haha. Bakit nung tayo naman hindi ka ganyan?" Natatawang pang-aasar ni Noel.

"Kasi alam niya na makikilala mo pa ako." Biglang pagsabat ni Sean.

Natawa naman kami lahat sa banat ni Sean, ibang klase din kasi to. Nakakainis, pero may tama yung mga banat niya. May mga dahilan talaga kaya nangyayari ang mga bagay bagay.

"Phil, daan muna tayo sa KFC, bili muna tayo ng food. Di pa kami kumakain ni love." Request ni Noel sabay lakas ng aircon.

"Basta libre niyo walang kaso sa akin."

"Napakakunat mo talaga! Oo na kami ng bahala!" Sabi niya sabay batok kay Phil.

Nag-drive thru kami sa pinakamalapit na KFCsa labas ng subdivision namin.

"Ok, what order niyo?" Tanong kagad ni Noel.

"Mag-bucket meal nalang tayo! Magdagdag ka nalang ng burger tsaka yung hotshots." Suggestion ni Sean. Tumango naman kagad si Phil.

"Ok ba sa inyo yun Phil?" Tumingin naman kagad sa akin si Phil

"Wala ka na bang idadagdag babe?" Nag-isip naman ako, pero isa lang talaga yung pagkain na pumapasok sa isip ko sa oras na ito.

"Gusto ko ng isaw" Seryoso kong sabi kaya napahalakhak silang tatlo sa akin

 "Seriously?! May isaw na ba ngayon sa KFC? Hindi ka nagjojoke Tiff?" Natatawa pa ding sabi tanong ni Sean sa akin.

Napakamot naman ako ng ulo,. Oo nga pala nasa tapat pala kami ng KFC, nakakainis wala naman akong gusto kainin!

"Bilhan niyo nalang ako ng brownies." Yun na lang, no choice ako eh

"Okay. Lutang pa ata yang fiancè mo Phil! May hang-over pa sa proposal mo." Natatawang sabi ni Noel

"Baka nga! Babe, ok na tapos na, ikakasal ka na sa akin. Gumising ka na sa katotohanan!" Pagbibiro ni Phil, tumawa naman kagad ako.

Nag-order naman agad sila Sean, buti nalang at drive thru kami kaya instant kuha na agad ng order namin. Medyo nahihilo pa naman ako ngayon.

Pagkakuha nung order namin ay binigay na agad sakin ni Noel ang brownies ko at fries.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon