Chapter Twenty Five: Wala na akong Maisip na Title haha

7.9K 135 11
                                        

Chapter Twenty Five

Naalimpungatan ako dahil sa isang cellphone na nagriring. Kahit na ayoko pa gumising ay idinilat ko na din ang mga mata ko, medyo madilim na din pala sa labas.

“Fel, bakit?” Nagising ko din ang kasalukuyang nakayakap sa akin na bakla. Binuksan ko naman agad ang bedside light na malapit sa pwesto niya.

“Phone ko yata yung nag-riring. Nakita mo ba?” Babangon na sana ako kaso hinigpitan niya yung hawak niya sa bewang ko kaya napahiga na naman ako dibdib niya.

“Hayaan mo na. Matulog na lang ulit tayo. Inaantok pa ako.” Susundin ko na sana ang sinabi niya kaso hindi tumitigil yung phone ko sa pag-riring para bang nagsasabi ito na: tama na muna ang paglalandi mo Tiffel, sagutin mo muna ako!!!

“Baka kasi emergency Phil eh.” Lumuwag naman ang pagkakayakap niya sa akin kaya bumangon kagad ako.

“Bumalik ka kagad dito ha.” Mahina niyang sabi saka niya niyakap yung unan na malapit sa kanya.

“Oo, sige.” Hinanap ko naman agad yung phone ko na nasa ibabaw pala ng cabinet ko.

Unregistered number na naman?

“Hallo, this is Tiff how may I help you?” Formal ko na pagbati sa caller ko.

"Tiff, magkita tayo ngayon, nandito ako sa tapat ng condo mo" Hindi ko na kailangan pang tanungin kung sino ang kausap ko ngayon, kilalang kilala ko naman na ang boses ni Jerry.

“Gagi ka pala Jerry e! Gusto paspasan? Agad agad ka e no, tsaka wala ako jan, nandito ako kila Phil dito muna ako nakatira. Dito ka nalang pumunta alam mo naman dito di ba?”

“Tsk, tumakas lang kasi ako! Teka nakalimutan ko na jan e. Puntahan mo nalang ako dito, hindi na ako makaalis, baka mamaya makita na nila ako! Bilis na!”

“Tsk ano ba naman yan, ipagpalit ko kaya yang mukha mo sa rambutan? Oo na, hintayin mo ko jan! Pasalamat ka namimiss na kita kaya hindi ako makatanggi! Ililibre mo ko ng pagkain ha!” Pagbibiro ko sa kanya, nakatingin ako sa labas ng bintana ngayon. Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.

“Oo na, salamat at namiss mo ko, i miss you back! Bilis ililibre kita ng madaming pagkain. Tsaka magdala ka na din pala ng damit ni Phil, kailangan ko magdisguise, sumbrero atsaka shades na din. Dala ka na din ng pangmakeup mo ok?! Para makagala tayo ng walang inaalala!” Parang bata na excited si Jerry, sino ba namang hindi makakatanggi sa isang tulad niya di ba?

“Oo na! Laters baby!” Natatawa kong sagot sa kanya.

“Ingats Tiff!” Pahabol na sabi ni Jerry, humarap naman ako ngayon sa direksyon ng kama ko, kailangan kong sabihin kay Phil na hindi na ako pwedeng matulog ulit dahil aalis ako.

In-end ko na ang call at hanggang ngayon ay nakangiti padin ako. Ang saya talaga kausap ni Jerry kahit kailan. Yes! Makikita ko na ulit siya! Woohoo!

“So kailangan hanggang naka-end na yung call nakangiti ka pa din?” Halos mabitawan ko naman yung phone ko sa gulat, gising na din pala si bakla.

“Bakit ba?! May batas na ba ngayon na bawal ngumiti?” Nawala na ang landi mode ni Phil at ayan na naman, sinusungitan niya na naman ako. Hindi na ako magpapatalo ngayon sa pagsusungit niya.

“Wala, oo nga pala bawal ka umalis ng bahay. Bilin ni mama alagaan kita, kaya baka mapahamak ka sa labas. Hindi ka pwede gumala.” Sabi niya sa akin, bumangon na siya at binuksan na niya ulit yung laptop niya. Pumunta ako sa harap niya.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon