Chapter Forty Six: Sweetest Goodbye

7.9K 135 24
                                        

Chapter Forty Six

Napanganga ako sa mga sinabi ni Phil sa akin, hindi ako makahinga, hindi tumatakbo ng maayos ang isip ko at hindi ko magawang gumalaw.

Nakatingin lang ako sa kanya, sa mukha niyang nakakainis dahil sobrang perpekto, sa mukha niya na dapat ay mukha din ng magiging anak namin.

“Wag mo akong titignan ng ganyan Tiffel, matagal ko nang gustong halikan ka kaya baka hindi ako makapagpigil.” Sabi niya sa akin, inilapit niya ng konti ang mukha niya sa akin at ako itong si gaga hindi na naman nakagalaw.

“Baby, I’m warning you.” Mahina niyang sabi pero isang pulgada na lang ang layo ng labi niya sa labi ko.

Sabi ng utak ko, umiwas na pero sabi ng puso ko, namimiss ko na din siya.

“Tiffel.” Magsasalita pa sana ako kaso hindi na ako pinatapos ni Phil, he consumed my lips once again.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung mga panahon na iyon, saka ko lang narealize na mali pala ito kaya kahit papaano ay naitulak ko siya palayo sa akin, leaving me light headed.

Na-glue kami sa mga mata ng isa’t isa, I cleared my throat nung bumagsak na sa akin ang realidad.

“Kung wala ka ng ibang sasabihin, pwede ba lumipat ka na sa unahan?” Sinubukan kong magtaray pero hindi ako nagtagumpay.

“Namiss kita Fel, simula nung araw na inilayo ka sa akin nung mga hayop na mga lalaking nakaitim na yun hanggang sa ngayong hawak ko na ang kamay mo, namimiss pa din kita. Gusto ko na bumalik yung dati, ayoko na maalala ang mga panahon na pinapaiyak kita.”

“Buti naman at-“

“Fel, alam kong sinabi ko na hintayin mo ako.”

“Oo at napapagod na ak-“

“Ngayon, sasabihin kong hintayin mo ulit ako.”

“Grabe, napaka-“ humarap ako ng tuluyan sa kanya para bigyan siya ng ultimatum na ayoko na at pagod na pagod na ako kaso hindi na niya ako pinatapos.

“Iba na ngayon Fel, aalis ako. Gusto ko hintayin mo ko makabalik.”

“Bakit pa?”

“Fel look, I’m gonna say this once so please listen.”

“Ano namang kalokohan ang pauso mo? Papaniwalain mo na naman ako sa isang kasinungalingan, ganun?” Inis kong sabi sa kanya, inalis ko sa pagkakahawak niya yung kamay ko at lumayo ako ng  tuluyan sa kanya. Tumingin na lang ako sa labas.

Ilang sandali din kaming tumahimik bago ko siya narinig na bumuntong hininga. Nakita ko sa gilid ng paningin ko na humarap siya sa akin.

“Mahal kita.”

Halos mabingi ako sa sinabi niyang yun. Bulong lang yun kung tutuusin pero grabe ang epekto sa tenga ko, pakiramdam ko sinigaw niya sa buong mundo yung mga salitang yun. Napaharap ako sa kanya ng wala sa oras.

“I love you. Alam…alam kong huli na p-pero…sasabihin ko na sayo. Mahal na kita Tiffel, hindi ko na alam ang mangyayari sa buhay ko kung planado na lahat ng kasama kita. Ayokong humiwalay sayo pero ayoko din naman na nasasaktan ka ng dahil sa akin. Ginagawa ko ito para sayo, para hindi ka na masaktan pero babalikan kita. Gusto kong maitama ang lahat, magsisimula tayo ng tama kaya gusto ko hintayin mo ako. Huwag mong ibibigay sa iba ang puso mo na sa akin mo na binigay umpisa pa lang.”

ANO DAW?! PWEDE PAKIULIT?! MAHAL DAW AKO NI PHIL?! PWEDE BANG MAHIMATAY?! HINDI BA AKO NANANAGINIP? TOTOO BA TO?! Hindi ako makapagsalita, lutang padin ako. Feeling ko nasa heaven ako.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon