10

48 4 0
                                    

Hindi ko maiwasang mailang sa mga tanong ng mga kaklase ko. Lahat sila ay puro Wren binabanggit. Iniiwasan ko nalang ang mga tanong nila dahil hindi ko rin alam kumg bakit gusto niya akong maging kaibigan. Kung bakit lumalapit siya sa'kin.

"Nauuhaw ako, naubos tubig ko, bili lang ako." nagpaalam ako sa kanila at nagtawanan naman sila at may mga sinabi.

"Ayaw mo lang kami sagutin!"

Ngumiti lang ako sa kanila tapos lumabas. Lumakad ako papunta sa pinakamalapit na vending machine dito sa building. Tinignan ko agad ang mga prices. Grabe ang mahal ng gatas nila, sa'min nga ilang pesos lang dito parang nasa isang mamahaling resto. Magkatulad ang prices dito sa stores.

Naghanap naman ako ng barya sa bulsa ko. Mabuti nalang sumakto pa dahil nakalimutan ko palang magdala ng wallet. Nabitawan ko naman ang mga coins ko nang may biglang humablot sa'kin at hinila ako paharap.

Natulala ako sandali sa pagtaas ng sulok ng labi niya. Si Trishia. Anong ginagawa niya dito? Bakit niya rin ako hinawakan. Napatingin naman ako agad sa likuran baka kasi may mga kasama siya.

"It's just me.. don't worry," sabi niya tapos binitawan ako.

"Anong kailangan mo?" tanong ko. Hindi ako magpapasindak sa masasama niyang tingin sa'kin. Ngayon narinig ko na siyang magsalita. Boses palang halatang spoiled brat na.

"I'm expecting that you know my name na," sabi niya. Ang conyo niya magsalita. Huminga ako ng malalim at napatingin sa i.d. niya. Trishia Mae Santos. Nakipaglaban ako sa titig niya. Ayoko ng presensya niya, sayang gusto ko pa naman siyang hangaan kaso may balak yata siyang awayin rin ako.

"And you are... Honey Laine." tapos bigla niyang hinawakan ang i.d. ko. "What a sweet name... Honey."

Hinablot ko naman ang i.d. ko at nakita ko siyang nagulat sandali.

"Anong kailangan mo?" tanong ko.

"I need you to stay away from Wren," sabi niya at natawa naman ako sa sinabi niya. Ano 'to nasa movie lang ako at kailangan kong sumunod sa sikat ng school?

"Bakit ko naman gagawin 'yon, hindi ikaw ang magsasabi kung sino ang iiwasan at lalapitan ko," sagot ko. Hindi nga ako makapaniwalang sinagot ko siya. Hindi ko rin talaga kilala kumg paano siya magalit baka mamaya ay mabully na naman ako.

Hinablot niya bigla ang braso ko hinawakan ko naman agad ang kamay niya dahil masakit ang pagkadiin niya ng kamay sa braso ko.

"I want you to stop getting everyone's attention. You're not even that beautful para ipantay sa'kin." malamig na sabi niya sa'kin. Parang binabalaan niya rin ako sa tono ng pananalita niya.

"Bitawan mo'ko. Nandito ako para mag-aral ayokong aksayahin ang oras ko sa mga ganito, isip bata." inis kong sabi at itinulak siya kaya nagawa kong pabitawan siya sa braso ko. Ano bang nangyayari sa University na 'to bakit hinahayaan nila ang mga ganitong klaseng estyudyante. Alam kong wala akong masamang ginawa.

"Sa pagkakaalala ko wala akong ginawa sayo," sabi ko at tinalikuran siya baka makalimutan ko pa ang tubig ko. Pinulot ko ang mga barya na nahulog at bumili na ng tubig.

"You'll regret everything. Hihilingin mo na sana hindi ka pumasok dito," bulong niyang sabi sa'kin sa likuran at naramdaman ko siyang lumakad na palayo. Hinabol ko naman agad ang hininga ko. Nakakabaliw talaga ang ibang estyudyante dito. Sana ay naghome school nalang siya mukhang afford naman nila.

Pagkakuha ko sa tubig ay bumalik na ako ng classroom. Kinabahan pa akong pumasok dahil akala ko wala na namang papansin sa'kin pero hindi naman. Lahat ay naging normal lang para sa'kin hanggang sa matapos ang klase.

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon