38

47 1 0
                                    

"Gusto mo tulungan kita maghanda para sa 18 roses mo?" nakangiting tanong ni Anika sa'kin habang nakatingin sa papel na pinadala sa'kin ni mama. Kailangan may 18 roses ako, 18 gifts basta ewan. Hindi ko naman ito hinihiling para sa birthday ko. Simpleng handaan lang pero kilala ko naman si mama. Pinagtataka ko lang kung saan siya kumuha ng pera para dito. Hindi naman namin kaya ang gastos sa venue na napili niya. Ayokong isipin na tinutulungan siya ni Tito Gwen.

"Dapat last dance mo si Wren." kinikilig na sabi ni Rose. 

"Hindi ba siya dapat first dance?" tanong naman ni Anika.

"First dance niya dapat papa niya," sabi ni Rose kaya biglang tumahimik ang lahat at nakita kong pinalo ni Anika ang braso ni Rose tapos nakita ko naman ang gulat na mukha ni Rose.

"Hala, sorry Honey." 

Tumawa naman ako sa mga reaksyon nila. Sana nga kung magkakaroon ako ng 18 roses sana isa doon ay si papa. Kaso wala na siya eh, hindi niya manlang ako hinintay na mag-18. Marami pa naman kaming plano at gustong puntahan kung 18 na ako.

"Ano ba kayo, ayos lang." nakangiti kong sabi.

"Last dance should be the debutants lover, suitor or special friend. Ano ka ba, Nauna akong mag 18 sainyo," sabi ni Rose. "Isa pa, last dance is way more special...lalo na kung si Wren!"

Napangiwi ako nang bigla silang magsigawan tapos maghiyawan. Ilang araw nalang kasi ay birthday ko na. Ang bilis ng panahon parang 17 palang ako kahapon tapos 18 na ako. Ayoko na sana ng problema pa bago sumapit ang birthday ko, pero ano bang gagawin ko kay mama. Ano rin ang gagawin ko kay tita. Kahit ipilit pa sa'kin ni Wren na wag isipin ay hindi ko magawa. 

"Pupunta talaga kami dito." nakangiting sabi ni Anika. Kailangan ko pang sabihan mga kaibigan ko rin sa dating University. Siguro lahat nalang ng boys doon ay sa 18 roses nalang sila lahat. Marami pang aasikasuhin sa ganito. 

Hindi ko naman maiwasan ang iba na pinag-uusapan kung paano nakaya namin ang gastos sa ganitong kamahal na venue. 

"Honey!"

Nagulat naman kami sandali nang may biglang pumasok sa classroom namin. Isang estudyante tapos parang hinihingal na natatakot. Kaya nag-alala naman kami lahat.

"Si Wren, nakikipagsuntukan!" sigaw niya at agad akong napatayo. 

"Huh? kanino?" tanong ko tapos lahat kami ay tumakbo tapos sumunod sa kanya. Sobrang bilis ng puso ko dahil ano na naman ang ginagawa niya tapos sino na naman ang kaaway niya. Sumunod lang kami sa kanya hanggang sa makaabot kami sa lumang gate at sa tapat mismo ng tambayan namin ni Wren. 

Nakisiksik ako sa mga taong nakapalibot na at nagsisigawan. 

"Wren!" pagsigaw ko ng pangalan niya at nakita kong si Dexter ang kaaway niya. Nagpapalitan sila ng mga suntok. Pero nakikita kong nanghihina na si Dexter. 

"Wren tama na!" sigaw ko at balak ko sana siyang lapitan kaso may biglang humawak sa'kin. Si Trishia.

"Bitawan mo'ko!" sigaw ko

"Gusto mo bang masaktan o madamay? can't you see he's really mad!" maarte niyang sabi. Hinablot ko ang aking braso tapos bigla niyang itinapat sa'kin ang cellphone niya. Natigilan naman ako sandali. Umawang ang aking labi sa nakikita ko. Ako sa labas ng University at kinakausap si Tito Gwen pero hindi malinaw si tito Gwen dito dahil nakasuot ito ng shades at cap nang puntahan niya ako dito. Naalala ko ang araw na 'yon. Tumingin ako kay Trishia, siya ang nakita kong kumuha lang bigla ng litrato namin tapos kinalat ni Dexter?

"Delete those photos Dexter!" rinig kong sigaw ni Wren.

"You made him mad!" sigaw ni Trishia tapos napatingin ako sa lahat at nakita ko sila Anika na umiiwas ng tingin sa'kin. Nagkalat ang litrato ng hindi ko alam? 

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon