Agad akong bumangon sa higaan nang sumapit na ang gabi tapos sumilip ako sa bintana. Wala akong ibang ginagawa araw-araw sa isang araw kung hindi ang humiga tapos kumain. Napangiti naman ako nang makita ko ang sasakyan niya. Hinihiling ko na palagi siyang nandito lang sana sa tabi ko pero, natatakot rin akong baka matapos ulit at masanay ako tapos biglang babawiin.
Napaangat ang tingin ko sa langit. Maganda naman ang mga bituin at ang buwan ngayon. Hindi ba siya nilalamig sa sasakyan niya, ayos lang ba siya doon? Lamigin pa rin siya at baka madali pa rin siyang magkasakit. Huminga ako ng malalim at iniisip kung gusto ko ba siyang papasukin sa bahay. Parang katulad lang rin dati 'yong araw na hinihintay niya ako sa labas ng bahay namin.
Nakita ko siyang lumabas ng sasakyan kaya tumago ako sa may bintana. Nahihiya ako, baka isipin niya na binabantayan ko rin siya. Nakita kong umangat ang tingin niya dito sa baba. Tumalikod ako at sinapo ang aking dibdib. Walang panahon ang puso ko para tumibok siya ng ganito kagaya ng mga araw na mahal na mahal ko pa si Wren. Wala siyang oras ngayon dahil sa sobrang dami ng nangyayari sa'kin ngayon hindi ko pa alam ano uunahin ko.
Sumilip ako sa bintana at natigilan ako nang nakatingin pa rin pala siya dito sa taas. Kumaway siya tapos ngumiti. Pinigilan ko naman ang sarili ko na ngumiti. May kinuha naman siya sa sasakyan niya at inangat niya ito para makita ko. Pagkain.
"Sabi ko sa'yo diba hindi na kailangan!" sigaw ko. Marami pa naman akong pagkain dito samin. Hindi na niya kailangang dalhan pa ako o kahit gawin 'to lahat. Ngumiti lang siya at sinenyasan ako na bumaba.
"Ayoko!" sigaw ko kahit gusto ko. Gusto kong maging baby niya ulit este ano ba itong iniisip ko. Sinenyasan lang niya ako ulit na bumaba. Tumingin muna ako sa kanya bago ko siya tinalikuran. Pinatay ko ang ilaw tapos bumaba.
Binuksan ko ang aming pinto at nakita ko siyang malayo na siya sa sasakyan at malapit na siya bahay namin. Lumabas ako tapos niyakap ang sarili ko dahil nakalimutan kong magdala manlang ng jacket dahil sobrang lamig pala ngayong gabi dito sa labas. Hindi ko naramdaman sa taas.
"Dapat umuuwi ka sainyo," sabi ko sa kanya.
"Alam mo namang wala akong kamag-anak dito diba, bahay lang," sagot niya sa'kin.
"'Yon naman pala may bahay ka," sabi ko. Inabot niya sa'kin ang plastic na alam kong puno ng kahit anong pagkain. Hindi ko alam kung saan pa siya dumaan para mabili 'to.
"Mga paborito mo 'yan nong senior high pa tayo." nakangiti niyang sabi. Tinanggap ko naman 'yon dahil pagkain 'to. Sayang naman kung hindi ko tanggapin.
"Salamat," sabi ko. "Umuwi ka na sa bahay mo."
Tatalikuran ko na sana siya nang habulin niya ako tapos hinuli ang isang braso ko.
"Ikaw kasi tahanan ko eh," sabi niya tapos bigla siyang tumawa.
"Kinikilig ka na?" tanong niya. Inirapan ko lang siya tapos hinablot ang braso ko.
"Umuwi ka na, kasi hindi mo naman kailangan gawin 'to lahat." inis kong sabi. Mapapagod rin siya baka bukas, pagod na siya.
"I want to stay with you." anito. Tinitigan ko siya ng matagal bago ako nakapagsalita ulit.
"An--ano?"
"Alam ko naman na sinabi ko na you don't have to be dependent on someone but you can depend on me."
Napahigpit ang pagkahawak ko plastic para hindi ko mabitawan 'to. Aasa na naman ba ako? Handa na ba akong mag-take ng risk ulit? Lahat kasi ng mahal ko nawawala. Kinagat ko ng mariin ang aking labi.
"Palagi? kahit sa mga susunod na araw?" tanong ko.
"I'll help you Laine, I'll help you to love yourself again," sabi niya. Naalala ko tuloy na nakasuot ako ng make up ngayon. Make up na ayaw niya kasi nagmumukha raw akong peke. Umiwas ako ng tingin dahil alam kong tutulo na ulit ang luha ko.

BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.