WARNING :
Not suitable for young readers.
Some of the parts or words that are expressed here are not meant to offend any party.
READ AT YOUR OWN RISK
---
"Kumain ka na Honey." hindi ko mapigilan ang aking luha ng magsalita si tita Hail, kapatid ni mama. Sa kanya ako iniwan nang kunin si mama ng mga police. Hindi ko alam kung ano pa ang mga kasalanan niya, at bakit siya lang ang nagdudusa, paano naman si Tito Gwen ang mga ginawa niya? Hindi lang si mama ang nagkasala.
Bakit parang si mama lang ang nahihirapan. Bakit siya lang ang masama sa ibang tao. Si Tito Gwen hindi ba siya naging malandi, diba sinira niya rin ang pamilya niya? Bakit kami lang.
Bakit rin nadamay ako, bakit kasalanan ko rin?
"It's your graduation day, dapat masaya ka." nakangiting sabi ni tito France, asawa ng tita ko. Inangkin na nila ang bahay kahit ayoko. Maayos lang naman ako kahit mag-isa lang. Tutal, palagi namang kinukuha sa'kin ang mga taong nagpapasaya sa'kin.
Namatay si papa, kinulong si mama at iniwan ako ni Wren. May mga tao pa namang nakakaintindi sa'kin pero siguro hindi sa paraan at gusto ko. Hindi katulad nila mama at papa tapos ni Wren. Iba ang saya, lungkot at pagmamahal na binigay nila. Pero sobrang sakit rin ang kapalit nang mawala silang lahat.
"Naku matutuwa talaga si ate." kinikilig na sabi ni tita. Hindi ko magawang maging saya. Mama ko nasa kulungan, sino ang magiging masaya roon? Ang tinuturing ni papa na reyna dati ay makukulong lang, dahil sa pag-ibig.
Binaliktad ni tita ang kwento at hindi ko alan kung ano ang ginawa niya, pero alam ko na ngayon na mahirap at nakakatakot siyang kalabanin.
"You should be a teacher just like me," sabi ni Tito. Tapos napatingin ako sa batang babae na katabi ko ngayon. Tahimik lang siya. Si Kaye ang pinsan ko na hindi makapagsalita ng maayos. Ilang taon rin ang agwat ko sa kanya.
"Hindi katulad sa batang 'yan walang silbi." biglang sabi ni tito at nakita ko ang panlaki ng mga mata ni tita kay tito. Tumingin ulit ako kay Kaye tapos natigilan ako sandali nang ngumiti ito.
Simula nang dumating sila tito at tita dito ay hindi nila gaanong pinapansin si Kaye. Hindi ko alam kung tama ako pero ayaw ni tito kay Kaye dahil espesyal ito. Nakakamangha nga ang minsan ko dahil nagagawa pa rin nuyang ngumiti.
"Akyat ho muna ako sa taas tita, tito." nang matapos akong kumain ay agad akong tumayo.
"Call me papa please masanay ka na at si tita mo, mama," sabi ni tito. Parang may nakabara bigla sa lalamunan ko na hindi ako nakapagsalita agad.
"Opo, mama, papa." kahit ayoko ay sumabay nalang ako sa daloy ng buhay para sa'kin. Importante buhay pa ako. Kapag makapagtapos ako ay iiwanan ko silang lahat.
"Susunod ako Honey." nakangiting sabi ni tita. Lumakad na ako palabas ng kusina at lumibot ang aking tingin sa loob ng bahay.
Ang tinayong palasyo ni papa ay malungkot na ngayon. Ibang-iba na sa dati. Napangiti ako ng mapait. Marami akong tanong kay papa, at marami akong gustong ipaabot sa kanya kay papa God.
Bakit kailangan ko itong pagdaanan lahat. Bakit ako alam naman niyang mahina ako. Hindi ko kaya lahat ng 'to.
Pero gusto kong isipin na maswerte pa rin ako, dahil nandito pa sila tito at tita. Kahit wala na rin si lolo at hindi ko na rin makausap ang iba kong mga kamag-anak dahil nandidiri sila kay mama. Lahat ay tinalikuran si mama habang si tito Gwen, malaya. Wala rin akong mga kaibigan na halos makausap ko talaga ng matino, lahat busy.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.