Wala na akong oras para suklayan pa ang aking buhok dahil tinatawag na ako ni mama para bumaba. Pasukan na naman and this is my first day as a senior high student. I promise myself that I will be more hard-working now.
"Pababa na po ma!" sigaw ko at dali-daling lumabas ng kwarto. Napangiti naman ako ng malasap ko ang masarap na amoy na niluluto ni mama.
"Baon ko 'yan?" tanong ko pagkapasok ko sa kusina. Tumulong agad akong ayusin ang lamesa. My smile faded when I remembered papa, wala na pala siya. Kailan ba ako masasanay?
"Oo baon mo, agahan natin at dinner!" bumalik naman ang ngiti ko nang marinig ko ang boses ni mama.
"Adobong manok at atay, paborito ko!" Nakangiti kong sabi at niyakap si mama. Kaming dalawa nalang ni mama ang naiwan sa bahay na 'to.
Malungkot, but we try to get up every day with a smile on our faces. Sobrang mahirap ng magkasakit si papa last year at hindi niya kinaya.
"Baka ma-late tayo parehas kumain na tayo," sabi ni mama at nagdasal muna kami bago kumain. Hindi pa naman kami pinabayaan at alam kong binabantayan kami ni papa. Alam kong mahirap kay mama na sa kanya iniwan lahat ng gastusin at ako pa na pinag aaral niya. Halos pagod siya kapag umuuwi, mahirap rin kasi ang trabaho niya sa call center.
"Halika nga at itali natin 'yang buhok mo." natuwa naman ako nang matapos kaming kumain ay sinuklayan ako ni mama at itinali niya ng maganda ang mahaba kong buhok.
"Bye ma!" bago lumabas ng bahay ay hindi ko pwedeng makalimutang halikan si mama sa pisngi. Kumaway-kaway ako habang tumatakbo palayo at papuntang sakayan ng mga tricycle. Ganito kasi kaaga wala pang dumaraan dito sa amin.
Bagong campus at bagong simula para sa'kin. Sana maging proud si papa sa'kin, silang dalawa ni mama. Kampanteng kampante [a ako hanggang sa bumukas ang gate.
Pero nakaramdam ako ng panghihina. Dahil sa totoo lang hindi pala talaga ako masipag na estudyante. Saktong nakakapasa lang, hindi nga ako sigurado sa kinuha kong strand. Hindi naman ako pressured sa studies ko, kaso kailangan ko ng galingan ngayon para makapasok rin ng college. Ang layo ko pa. Hindi ko rin alam kung magkakaroon ba ako ng mga kaibigan dito, nasanay na rin kasi ako sa mga kaibigan ko nong junior high kaso sa ibang University sila nag-aral. Ang iba naman ay nanatili sila doon.
Hinanap ko na agad ang classroom ko. Hindi naman ako nahirapan sa paghanap. May mga nakasalubong rin ako ng mga estudyante lahat naman sila mukhang friendly. Pagpasok ko ng classroom ay agad akong naghanap ng pwesto. Napangiti ako nang may bakante pa sa dulo. Ayoko talaga sa harapan madali kasing mapansin ng ibang guro.
Hindi man ako matalino, pero ang ibang bagay ay madadaan talaga sa ganda!
Mayaman pa naman itong West Gold University. Pero walang halos babayaran o bayarin para sa mga senior high students. Pero halata sa ibang estudyante dito na ang yaman nila pero mukhang mabait naman at hindi maarte.
"Hello ma?" agad akong lumabas ng classroom nang biglang tumawag si mama saktong kakaupo ko lang.
"Hindi ko maalala ang schedule mo, anong oras nga pala out niyo sa klase ngayon?" namiss ko agad si mama. Hindi ko alam pero simula nang mawala si papa, palagi ko na silang namimiss. Natatakot rin ako tuwing aalis si mama at papuntang trabaho dahil marami akong naiisip na baka anong mangyari lang sa kanya, lalo na't minsan late na siya ng gabi umuuwi.
"Mga 4 pm po ma, out na po ako," sagot ko. Iba-iba kasi ang schedule namin bawat araw ayon sa entrance slip ko, pero ngayon maaga kaming makakauwi. Maliban nalang kung may ipagawa ang University.
"Ohh mabuti naman anak, umuwi ka agad huh may pupuntahan tayo." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni mama.
"Saan naman po ma, at ma mag-ingat po kayo ah papunta na po ba kayo sa trabaho?"
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.