Trigger Warning
NOT suitable for young readers.
Some of the parts or words that are expressed here are not meant to offend any party.
you'll find the grammar and the punctuation is IS OFF please bare with that and READ AT YOUR OWN RISK.
--
Pagkatapos ng trick or treat at ng gabing 'yon ay hindi na kami nag-usap pa. Isang taon ulit ang lumipas ay hindi na ulit kami nagkita. Napapansin ko pa rin naman siya sa social medi pero hindi ko alam kung napapansin rin niya ba ako.
Ilang buwan na rin ang lumipas ay para na akong si Kaye bawat araw ay nababawasan ako ng salita at palaging tahimik. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Mababaliw na rin yata ako. Kung kailan malapit na akong makapagtapos, kapag makapasa ako ngayong 4th year bilang isang education student, magiging malaya na siguro ako...siguro?
"Ano hindi tumuloy! Ano ba 'yan! Kailangan na nating maibenta ang bahay na 'to! Natatakot na ako dito!" rinig kong sigaw ni mama o tita ko. Napangisi ako tapos bumaba ng hagdan. Nalaman ko ring balak talaga nila ibenta ito. Hindi naman sa kanila ito kaya bakit sila nakakalusot. Wala naman akong makausap at wala rin akong masiyadong alam. Pero hindi naman sila nagtatagumpay dahil bawat buyers ay umaatras.
"Alam ko 'yon pero ano magagawa natin eh ayaw na nilang bilhin!" sigaw ni papa o ni tito. Ngayon ko lang napagtanto na napapaligiran pala ako ng mga baliw sa bahay.
"May balak kayong ibenta ang bahay ko?" tanong ko at napalingon silang dalawa sa'kin. Nagulat pa sila sandali nang makita ako.
"Ah hi--hindi.. kanina ka pa ba diyan anak?" nauutal pa si tita tapos sabay lapit sa'kin. Kapatid siya ni mama kaya paano niya 'to magagawa?
"Anak? naririnig niyo ba sarili niyo?" inis kong tanong sa kanila. "Hindi niyo ako anak, si Kaye lang ho ang anak ninyo!"
"Wala kang utang na loob. Tinuturing ka naming bilang isang anak!" sigaw bigla ni tito. Napangisi ako at inilibot ang tingin sa paligid.
"Anak ni-hindi niyo nga kami mabantayan, si Kaye hinahayaan niyo lang, ako na hinayaan niyong mahawakan ng kapatid mo!" sigaw ko pabalik at nakita ko ang gulat sa mga mata ni mama.
"Nagsumbong ako sayo mama pero hindi ka nakinig!" sigaw ko sa kanya. Ngayon aarte siyang parang walang alam at gulat na gulat? Hindi niya ako pinakinggan!
"Hindi niyo ako anak at hindi ko kayo kailangan!" sigaw ko. "Mga baliw kayo!"
"Ate!" kasabay nang marinig ko ang boses ni Kaye ay ang pagsampal sa'kin ni tito. Napahawak ako sa aking pisngi at nilabanan ang titig niya.
"Lahat tayo baliw!" sigaw ko. Hinayaan ko silang lahat na ganituhin ako. Hinayaan ko silang lahat kaya walang ibang dapat sisihin kung hindi ako. Kasalanan ko pala lahat!
"Ang tunay na baliw ay ang nanay mo!" sigaw ni tito. Gustong gusto ko talaga silang saktan ngayon.
"Umalis kayo dito, hindi kayo hahayaan ng papa ko na mabenta ang bahay na pimaghirapan niya para sa'min ni mama! Wala kang kwentang kapatid tita!" tapos tinitigan ko ng masama si Tita. Hindi ko nga alam kung mahal niya ba talaga si mama. Magkapatid sila. Hindi ko naman inaasahan ang lahat ng ito kaya bakit nangyayari sa'kin.
"Kung wala kami hindi ko alam san ka pupulutin," sabi ni tito.
"Tama na ho, kailangan nating magpagaling lahat." natatawa kong sabi tapos nilapitan ako ni tita.
"Anak, mag-isip ka muna--"
"Sira na ho utak ko tita, kayo rin.. lahat tayo nababaliw na. Sorry, pero hindi niyo ako anak. Si Kaye po ang anak niyo at kailangan niya ng magulang na magmamahal at uunawa sa kanya."
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.