Mag-isa akong kumain sa cafeteria kahit si Anika ay hindi ko manlang malapitan o makausap. Bakit ba lahat biglang lumalayo sa'kin na parang may maluba akong sakit. Napapansin ko rin na ang ibang estyudyante ay napapatingin sa'kin.
Hindi ko nalang sila pinansin lahat at nakipagchikahan sa mga dati kong kaibigan sa chats. Pero mga busy rin sila, pakiramdam ko talaga nag-iisa ako ngayon. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa mga babaeng 'yon.
"Anika!" pagtawag ko sa kanya nang maabutan ko siyang lumabas ng cafeteria pero lumingon lang siya sa'kin tapos lumakad na palayo. Hindi ko naman maabutan dahil bigla siyang tumakbo tapos sumabay sa iba.
Huminga ako ng malalim at pinipilit na pakalmahin ang sarili ko. Baka nasa isipan ko lang 'yon na may mga kaibigan na ako agad o close na ako sa mga kaklase ko, pero hindi pala.
Lumakad ako mag-isa sa hallway at nang malapit na ako sa classroom namin ay may biglang humila ng braso ko.
"Come with us." mataray na sabi ng humila sa braso ko. Namumukhaan ko silang lahat sila ang mga pumasok sa gym kanina. Hinablot ko naman ang braso ko.
"Anong kasalanan ba ginawa ko sainyo? Hindi ko naman kayo kilala sigurado akong wala akong nagawa sainyo." inis kong sabi tapos hinintay ko na magsalita sila pero ang ginawa lang nila ay titigan ako ng masama. Kaya tinalikuran ko sila tapos lumakad palayo.
Nang saktong nasa harapan na ako ng pintuan ay may biglang humila ng buhok ko at natanggal pa ang tali ko. Agad ko silang hinarap, sinundan nila ako.
"Ano bang problema niyo?" naiinis ako sa mga presensya nila parang mga boss ng University. Anim silang lahat at wala akong kilala kahit isa sa kanila. "Gusto niyo bang isumbong ko kayo?"
Wala akong naring problema sa dati kong school. Wala akong naalala na may naging kaaway ako. Tumawa sila kaya natigilan ako sandali, napatingin naman ako sa mga kaklase ko na wala manlang ginagawa, nakikita naman nila siguro diba na inaapi ako?
"Ano ba masakit!" sigaw ko nang hilain nila ulit ang braso ko pati ang bag ko. "Bitawan niyo ako!"
"Sumunod ka sa'min!" sigaw ng isa tapos itinulak ako at hinila ako pasabay sa kanila sa paglalakad. Nakita ko namang may mga estyudyante na lumabas sa mga classroom nila para tumingin lang? Wala rin akong nakikitang mga guro sa ganitong oras.
"Tigilan niyo ako makakarating 'to sa principal!" sigaw ko at halos mawalan ako ng balanse nang pati sa pagbaba ng hagdan ay hinihila nila ako.
"Ano bang mga problema niyo!" sigaw ko nang nasa baba na kami at binitawan ako.
Napasinghap ako sa gulat nang may nagbuhos ng tubig sa' kin. Inangat ko ang tingin sa taas, mga senior high students rin! Sino sila? Sino ang mga ito.
"An--ano ba!" wala manlang akong magawa para pigilan sila. Hindi ko rin alam kung paano sila lalabanan. Kung anu-ano na ang mga binabato nila sa'kin.
Kung alam ko lang na ganito ang sasapitin ko dapat hindi na ako nakinig kay mama na mag-aral dito! Ayoko na dito!
"Ahh.." bigla akong nawalan ng balanse saktong may nagbuhos ulit ng tubig sa'kin. Napapikit ako ng mariin at nakita kong marumi na ang uniform ko. Naalala ko namang si mama lahat nagaasikaso sa bahay para sa'kin.
Hindi ko na napigilan ang iyak ko at hinayaan silang batuhin ako ng kung anu-ano at hinintay nalang na may dumating. Yinakap ko rin ang sarili ko dahil nilamig ako bigla.
"Tigilan niyo yan!"
Bigla namang huminto ang lahat at tumingin ako sa nagsalita sa likuran nila. Anong ginagawa niya dito? Hinawi ko ang aking buhok na nakaharang sa mga mata ko para makita kung si Wren nga.

BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.