35

44 1 0
                                    


Nagising ako ng maaga kinabukasan dahil sabi ni Wren ay pupunta kami sa sand bar. Excited rin akong makita siya. Kaya habang tulog pa ang iba ay naligo na ako tapos nag-ayos. Napagod silang lahat siguro dahil nag-inuman pa sila. Iniisip ko lang na 16 to 17 ang halos na nandito, baka dinaya nila para makainom. Basta ako, hindi ako pwede diyan pati si Wren kung hindi ako kasama. Mabuti nalang ay hindi ko na kailangang pagsabihan si Wren.

Lumabas ako nang handa na ako tapos naglakad ako papunta sa rooms nila. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang maisip si mama. Binuksan ko ang aking cellphone at nakitang marami siyang messages sa'kin.

Honey:
ayos lang po ako ma.

Kung magkausap na kami ni mama at tagalang nagkamali siya. Hindi ko siya hahayaang ipagpatuloy 'to. Pumatol siya sa may asawa at anak niya. Ano rin kaya ang nasa isip ni Tito Gwen. Bakit nila ito ginagawa?

"Kent!" pagtawag ko naman kay Kent ay kay Bubby na kakalabas lang sa kwarto nila. Halatang mga inaantok pa. Nagulat pa sila sandali nang makita ako.

"Gising na ba si Wren?" tanong ko. Ang alam ko same room sila eh.

"Hindi pa eh, tulog pa," sagot ni Kent.

"Pwede ba akong pumasok?" tanong ko tapos tumango naman si Bubby.

"Sige, pumasok ka lang," sagot niya tapos pinagmasdan ko silang lumakad palayo. Tulog pa itong si Wren, siguro napagod rin kakabuhat sa'kin sa likuran niya. Pero sabi niya maaga kami ngayon. Pumasok ako at hindi naman lock. Dalawa nalang sila dito sa silid na natutulog pa. Dumiretcho naman ako kay Wren tapos umupo sa gilid niya. Napangiti naman ako nang matitigan ko siya.

Inaantok pa tuloy ako. Hinawi ko naman ang maliliit niyang bangs tapos hinaplos ang buhok niya. Kahit natutulog ang gwapo pa rin. Boyfriend ko 'to.

"Hmmm.." bigla siyang gumalaw kaya inatras ko ang aking kamay tapos nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Maaga pala ah." pabulong kong sabi.

"Good morning Wren!" natigilan naman ako sa sumigaw at napatingin sa pumasok si Trishia.

"What are you doing here?" mataray niyang tanong sa'kin. Kumulo naman ang dugo ko dahil sa ingay niya. Tapos bakit siya nandito?

"Nandito ako para kay Wren, ikaw?" sagot ko tapos tumayo ako. Bigla siyang ngumisi tapos tumingin naman ako sa paa niya. Mukhang maayos na siya akala ko ay napilayan na siya ng paa ng tuluyan.

"Oh really?" maarte niyang pagtanong.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" pataray kong tanong.

"I'm also here for Wren, got a problem with that?" natigilan ako sandali sa sagot niya. Magsasalita palang sana ako nang may biglang humawak sa kamay ko. Lumingon ako kay Wren na kinukusot ang kanyang mga mata.

"Bee.." pagtawag niya sa'kin. Ang ganda ng morning voice niya nawawala inis ko kay Trishia.

"Good morning Wren!" Tumingin si Wren kay Trishia tapos nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.

"Anong ginagawa mo dito Trishia?" tanong niya tapos napangiti naman ako at tinignan si Trishia.

"Oh may sasabihin lang sana ako..." parang batang pabebe niyang sabi.

"Chat mo nalang." tinatamad na sabi ni Wren tapos bigla niya akong hinila paupo tapos yumakap siya bigla sa'kin. Inaantok pa siya. Tumingin naman ako kay Wrent tapos tinaasan ko siya ng kilay nang mapatingin siya sa'kin.

"By the way Wren tita called--" hindi ko narinig ang sinasabi ni Trishia nang bigla akong hinila pahiga ni Wren tapos hinila niya ang kumot at pumunta siya sa ibabaw ko.

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon