"Ano gusto mo sa birthday mo?" tanong ni mama tapos tinabihan ako at nakisabay siyang manood sa'kin sa TV. Malapit na pala birthday ko. Ilang araw nalang pala. Gusto kong hilingin na sana bumalik si papa, sana nasa trabaho lang siya at uuwi siya para sa birthday ko.
"Gusto mo ba palitan na natin cellphone mo?" nakangiting tanong ni mama. Umiling ako bilang sagot. Matagal na ang cellphone ko dahil regalo pa 'to ni papa, pero gumagana pa naman at maayos pa siya.
"Mama kahit masarap lang na ulam." natatawa kong sabi.
"Naghanda si mama para sa birthday mo ngayon kaya wag mong kalimutang imbitahan ang mga friends mo ha?" nakangiting sabi ni mama. Kung nandito si papa, gusto ko talaga may party palagi at may handa ako sa birthday ko. Kaso nakikita ko namang nahirapan si mama nang mawala si papa. Ayokong dumagdag.
"Wag mo'kong isipin gusto ko masaya ka sa birthday mo, ikaw ang pinakamasaya sa araw na 'yon." tapos hinalikan ako ni mama sa noo. Mas namiss ko tuloy si papa. "Kumusta ka naman pala sa school?"
"Maayos naman po ma ang babait po ng mga classmates ko," sagot ko. Naisipan ko nga kung imbitahan ko kaya sila Anika? kaso nahihiya ako alam ko kasing mayayaman sila baka hindi rin sila sanay dito.
"Mabuti naman matulog ka na, lunes na bukas baka hindi mo nagawa mga assignments mo," sabi ni mama.
"Tapusin ko lang po 'to ma, nakakakilig na eh," sabi ko. Ginulo lang ni mama ang buhok ko tapos akala ko ay iiwan na ako pero sinabayan pa akong matapos ang isang drama.
Wala naman akong naging problema sa University. Mababait naman mga kaklase ko at minsan nga tulungan pa kami sa assignments. Mas nakakakuha na ako ngayon ng malaking scores sa quizzes. Kahit umpisa palang naman ng klase marami na agad kaming ginawa.
Pagkapasok ko ng kwarto ay pinagmasdan ko muna ang litrato ni papa. Gusto ko lang bumalik si papa sa'min pero may mga bagay na malabo ng mangyari pa. Hinalikan ko ang litrato ni papa tapos nahiga na ako, para makatulog na.
Pagkagising ko ay agad akong naligo at nagpalit tapos dumiretcho na ako ng kusina. Napangiti namna ako nang makita ko si mama hinahanda ang baon ko. Isinasabay niya sa pag-asikaso rin ng mga cupcakes.
"Salamat ma," sabi ko at hinalikan ko si mama sa pisngi.
"Kumain ka na diyan," sabi ni mama tapos ipinaghanda pa ako. Ang swerte ko pa rin dahil may mama pa ako.
"Mama. pahingi isa," sabi ko na parang bata at kukuha na sana ng isang cupcake ng pinalo ni mama ng mahina ang kamay ko.
"Babawasan mo ang order ni Lita!" sabi ni mama tapos natawa naman ako. "Paano kaya kung magbenta ka rin sa school mo baka magustuhan rin nila."
"Eh mama, hindi ko alam kung may bibili," sabi ko at aaminin ko ayokong magbenta sa University. Nakita kong tumawa lang si mama. tapos ginulo ang buhok ko.
"Oh sige na kumuha ka ng isa diyan tapos mag-ayos ka na."
Pagkatapos ko ay sabay na kami ni mama lumabas. Pinasakay niya muna ako ng tricycle, naawa naman ako kay mama kasi may dala. pa siyang mga box ng cupacake. Gusto ko siyang tulungan pero kailangan ko na ring pumasok, ayaw ni mama na liliban ako ng klase.
"Anika!" nakita ko naman agad ang mga kaklase ko sa field. Maaga pa naman para sa first subject.
"Hi Honey!" kumaway naman ako sa iba kong kaklase. Yumakap naman bigla sa'kin si Nicole sa braso.
"Ang cute nila!" kinikilig niyang sabi tapos napatingin naman ako sa field. May mga naglalaro ng soccer. Hindi ko naman makita kung mga cute nga. Tapos may naririnig pa akong mga pangalan na sinisigaw ng ibang mga babae dito.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Lãng mạn"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.