"Bili muna tayo ng snacks may hotdogs don oh," sabi ko tapos bigla akong binatukan ni Rea. Natawa naman ako, alam kasi nila anong hotdog sinasabi ko. Natutunan ko naman sa kanya 'yon.
"Ikaw talaga Honey," sabi ni Rea tapos nagtawanan kaming tatlo. Thirty minutes break kami ngayon after ng ilang practice sa tugsayawit.
"Sama ka o magpapabili ka nalang, mukhang wala kang ganang tumayo diyan," sabi ni Rea. Nagugutom kasi kami, eh ako naman palagi akong gutom.
"Pabili nalang ako, sandwich lang tapos juice," sabi niya.
"Hotdogs ayaw mo?" tanong ko tapos inirapan lang ako ni Lyn bilang sagot. Napangisi lang ako tapos lumakad kami palayo. Bumili lang kami ng mga pwedeng makain.
Gusto ko talaga na palaging wala ako sa bahay pero minsan gusto ko rin na kasama si Kaye kasi naiiwan lang siya sa kwarto ko palagi. Isa pa natatakot ako sa mga pwede pang gawin ni Edward.
"Mahalin natin ang ating bansa!
Mahalin natin ang ating kapwa!"Nagumpisa ulit kaming magpraktis after snack break. Ito kasi ang project na binigay samin ng prof sa filipino. Ang sumali sa isang tugsayawit.
"Sige na gwapo kasi ng estudyante mo, hindi ako makikihati sa sweldo mo promise," sabi ni Rea. After practice ay kinukulit niya si Lyn. Uuwi na rin kami, kaya nalulungkot na naman ako. Nakakahiya naman kung palagi akong makisama sa kanila.
"Hindi nga pwede, kayo talaga puro kayo biro," sagot ni Lyn.
"Hala, panget ka-bonding. Ang damot mo gusto rin naman namin mag-improve ang mathematic skills niya eh," sabi ko na parang bata. Pero wala talaga akong pakealam sa pagtuturo o magong tutor dahil lang sa gwapo ang estudyante. Maganda lang tignan ang mga pogi pero allergy ako doon.
"Umuwi nalang kayo o gumala, hindi ito joke, magtratrabaho ako," sabi ni Lyn.
"Weeeeh!" sigaw namin ni Rea sa kanya.
Naghiwahiwalay na kaming sumakay ng jeep, pero ako ay hindi pa talaga ako sumakay. Pinauna ko lang si Rea. Gusto ko pang magsinungaling sa mga magulang ko na may praktis pa kami. Ayoko pang umuwi.
Para na naman akong lumulutang habang naglalakad. Iba sa pakiramdam na sa huli ay mag-isa pa rin ako. Ang tahimik kapag wala sila kahit pa maingay ang paligid.
"Ahh!" siyaw ko at napapikit ng mariin. Muntik na naman akong masagasaan ng sasakyan. Dumilat ako at konti nalang talaga ay baka nasa hospital na ako.
Hindi naman ako makakilos agad dahil muntik na talaga akong mawalan ng hininga.
"Fuck, are you alright!"
Parang may bumara sa lalamunan ko nang may lumabas sa sasakyan. Kahit nakasuot siya ng shades alam kong siya ito. Hinubad niya ang kanyang shades tapos lumapit sa'kin.
"Next time watch the road," sabi niya at kumunot ang noo niya sa'kin. Siguro hindi niya ako nakikilala ngayon. Umiwas agad ako ng tingin. Gusto kong tumakbo dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin siya.
"Sorry po," sabi ko at yumuko. Naramdaman kong wala na siya sa harapan ko kaya tumawid na ako ng tuluyan at lumakad palayo.
Napasapo ako sa'king dibdib. Nakaharap ko na siya ulit ng mas malapitan. Hindi ako makapaniwalang makikita ko pa siya. Maririnig ko pa ang boses niya. Pinagmasdan ko ang kanyang sasakyan na ngayon ay palayo na rin sa aking paningin.
Mukhang maganda nga ang daloy ng buhay para sa kanya. Kahit ang pananalita niya. Masaya ako na maayos naman pala siya. Siguro nga kung nagtagal pa siya sa'kin puro kamalasan lang ang dadalhin niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/283743337-288-k523319.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.