11

45 3 0
                                    

"Anak may allowance ka pa ba?" tanong ni mama pagkatapos kong kumain. Naawa na naman ako kay mama. dahil halatang puyat at inaantok pa siya. Kinuha naman niya ang wallet niya tapos inabot sa'kin ang allowance ko.

"Thank you ma," sabi ko at ibinalik ko ang kalahati hindi naman kasi ako napapagastos masiyado sa school.

"Sayo na iyan anak," sabi ni mama at ayaw tanggapin ang ibinalik ko. Huminga ako ng malalim at hinalikan siya sa noo.

"Thank you ma I love you, mauna na po ako sainyo. Magpahinga rin po kayo wag kayo masiyadong magpagod ma." kinakabahan talaga ako tuwing nakikita kong nanghihina si mama dahil naalala ko si papa eh.

"Oo anak wag mo akong masiyadong isipin, i love you."

Tapos ay lumabas na ako ng bahay at natigilan naman ako nang nasa labas na siya. Huminga ako ng malalim at tinignan ko naman ang mga bintana namin sa kusina. Nakasarado naman, baka makita siya ni mama naiilang ako. Pero mukhang babalik sa pagtulog si mama.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Sabay tayo diba?" tanong niya rin pabalik. Magsasalita pa sana ako nang may isinoot suya biglang helmet sa'kin.

"Oh sumakto rin sa ulo mo." natatawa niyang sabi at napansin kong wala naman siyang soot na helmet.

"Nahanap ko lang 'to sa kwarto ko wag kang mag-alala lahat malinis," sabi niya. "Hindi kasi ako sanay sootin ang mga 'to pero baka ano lang mangyari sa'tin, at ayoko namang basagin ang ulo mo."

Tumatawa pa siya habang sinasabi  'yon. Medyo maluwag sa'kin ang helmet pero ayos lang. Kinuha naman niya ang braso ko tapos may isinoot rin siya sa siko ko tapos lumuhod siya at may inilagay rin sa tuhod ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko tapos tumayo siya at halatang napagod siya sa ginawa niya. Bakit lahat ng gear ay ipinasoot niya sa'kin?

Hindi ko maiwasang mapatulala dahil naalala ko na nakafollow na ako ngayon sa social media niya hindi ko naman sinasadya 'yon. Wala naman sa plano ko na magfollow.

"Bagay," sabi niya pa habang nakatingin sa'kin. Hindi naman ako ang magmamaneho ng bike. Isa pa pwede naman akong hindi sumakay sa kanya.

"Halika na," sabi niya at sumakay na sa bike.

"Araw-araw ba tayong magkakasabay?" tanong ko. Hindi ko maiwasan kasing mapatanong sa isipan ko.

"Ayaw mo ba?" tanong niya.

"Baka masanay lang kasi ako," sabi ko at hindi ko alam kung bakit 'yon ang sinabi ko. Nakita ko naman siyang ngumiti.

"Hindi naman ako mawawala," sabi niya. Tapos sumakay na ako sa likuran niya. Paano kasi kung lahat ng ito ay sa umpisa lang natatakot ako.

Paano rin kung magtagal tapos ako lang pala itong palaging bumibilis ang tibok ng puso na hindi ko maintindihan. Sana lang talaga kapag tuwing magkasama kami ay hindi niya mapansin.

Nang malapit na kami sa University ay napahawak ako sa balikat niya.

"Yong driver," sabi ko. Nakita ko 'yong tricycle driver nong isang araw. Nakakatakot siya. Napansin ko namang binilisan ni Wren ang pagtakbo kaya napakapit ako sa balikat niya.

Pagkarating namin sa University ay agad akong bumaba tapos tinulungan niya akong hubarin ang helmet ko.

"Wag mo nalang pansinin 'yon hmm?" nakangiti niyang sabi.

"Salamat Wren," sabi ko. Pansin ko lang dahil palagi kaming magkasabay ay palagi na rin akong maaga kung gumising.

Lumakad na ako palayo pero tumitingin tingin pa rin ang mga mata ko sa kanya na inaayos ang bike niya.


Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon