Ilang mga araw ang lumipas ay naging komportable na talaga ako sa kanya. Nasanay na ako na palagi kaming magkasabay at marunong na din akong magtampo tuwing late siya at pinaghihintay niya ako. Marami akong mga emosyon na nadiskobre dahil sa kanya. Nasanay na rin si mama na makita siya ditong dumadaan tuwing umaga at pagkauwi kung naabutan niya kami.
Pero habang palapit ako ng palapit kay Wren ay palayo naman ako ng palayo kay mama. Hindi ko alam kung anong nangyari saming dalawa. Simula nong tinanong ko siya isang araw kung sino ang nakakausap niya palagi sa phone. Bakit siya nakangiti tuwing hawak ang phone niya at bakit minsan hindi na niya ako napapansin.
"Anak, mag-iingat ka ha." tumango lang ako bilang sagot kay mama. Ganoon pa rin naman siya pero 'yong pakiramdam na nasa iisang bahay lang kami pero parang ang layo ko na sa kanya. Parang may sikreto siya na ayaw kong malaman. Alam ko namang may sariling buhay rin si mama, pero anak niya ako at ayokong may nililihim siya lalo na kung may damay na ibang tao.
"Bye ma," sabi ko tapos lumabas na ako ng bahay. Ilang beses ko na rin kasing nakikita ang tumatawag sa kanya minsan kung hawak ko phone niya natataranta siya. Sino ba ang lalaking kausap niya? Bakit tila parang kinikilig siya, hindi naman niya siguro papalitan si papa.
Wala pa si Wren kaya naglakad lang muna ako. Tuwing naiisip ko ang lagay namin ngayon ni mama ay bumibigat ang ulo ko.
"Laine!" saktong pagkalingon ko sa likuran ay bigla niyang pinatakbo ng mabilis ang bike niya tapos dumaan sa'kin. Muntik akong mawalan ng balanse tapos nakita ko lang siyang tumawa. Patagal rin ng patagal ay nagiging bully siya.
"Wren!" inis kong pagtawag sa pangalan niya. Umatras siya at huminto sa harapan ko.
"Sorry na, oh tatanda ka agad ang aga-aga eh nakasimangot ka na naman." natatawa niyang sabi.
"Palagi mo kasi akong inaaway," sabi ko.
Nasanay na rin ang University sa'min. Palagi kaming napapag-usapan at salamat naman ay tuloy tuloy lang ang pag-aaral ko walang may nang-aaway sa'kin. Nagkikita kami ni Trishia pero hanggang palitan lang kami ng tingin, hindi naman niya ako ginugulo.
"Hindi kaya, minsan lang," sagot niya tapos bumaba siya at isinoot sa'kin ang helmet.
"Kaya ko na," sabi ko. Hindi ko alam kung paano mawala siya bigla o may mangyari tapos magkatampuhan kami ng malala tapos sinasanay niya akong nandiyan siya palagi. Pero kumakapit ako sa sinabi niya na hindi siya mawawala. Mabibilang palang ang araw simula nang maging kaibigan ko siya pero pakiramdam ko ilang taon na kaming magkaibigan.
"Sakay na," sabi niya at ngumiti ako tapos sumakay sa likuran niya. Sanay na rin akong yumakap sa kanya tuwing nakasakay ako sa likuran niya.
"Baka malate ako!" sigaw ko nang bigla siyang nag-iba ng daan nong nakapasok na kami sa University. Sanay na ako nasabay kami at pinag-uusapan pero mukhang hindi pa rin ako sanay sa mga napapatingin sa'min.
"Wren!" pagtawag ko sa pangalan niya. Tapos kumapit ako sa balikat niya ayokong makita nila akong nakayakap sa kanya. Huminto kami sa tambayan niya at kung saan siya lumalabas tuwing ayaw niyang pumasok.
"Bakit dinala mo'ko dito?" tanong ko.
"May nakalimutan ako," sabi niya tapos pumasok sa loob. Naalala ko ang unang pagdala niya sa'kin dito at hindi ko maiwasang mapangiti. Sumunod naman ako sa kanya at may kinuha siyang mga papel tapos cellphone niya?
"Naiwan ko," sabi niya tapos inangat ang cellphone niya. Nagtampo pa naman ako kagabi sa kanya kasi ayaw niyang magreply mabuti nalang napigilan ko ang sarili ko na magpadala ng ilang messages.
"Tara," sabi niya.
"Dinala mo pa ako dito pwede mo naman siguro kunin mamaya," sabi ko.
"Wala dinadamay lang kita, late na rin ako eh." natatawa niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.