"Paramihan ba kayo ni Trishia nakakainggit naman," sabi ni Anika habang tinitignan ang mga regalong natanggap ko ngayong umaga. Hindi ko inaasahang makakatanggap ako ng ganito karami ngayong Valentines day. Dati, nakakatanggap naman ako lalo na sa mga kaibigan ko minsan nga may exchange gift pang nangyayari, pero iba ngayon. Napakarami at hindi ko alam kung sino ang ibang nagbigay.
"Trishia?" patanong kong sagot tapos tumango siya. Tumayo ako tapos pumunta sa likuran, dito lahat nakaipon ang mga regalo paano ko naman ito madadala lahat? Maraming mga tsokolate at mga iba pang mamahaling bagay.
"Oo, kayo kaya nakatanggap ng maraming valentine gifts ngayon," sagot niya. Napatulala ako sandali, kami ni Trishia? Napalingon naman kami sa may pintuan at huminga ako ng malalim dahil marami na sila.
"Pahingi kami ng chocolates," sabi naman ni Rose tapos yinakap ako sa braso. Natawa naman ako sandali tapos tumango. Hindi ko naman alam kung may karapatan ba akong ibigay sa iba ang mga binigay sa'kin pero sobrang dami nito hindi ko alam kung makakaya ko silang dalhin lahat. Ang bilis ng panahon, ang bilis tumakbo ng oras. Baka pagkagising ko grade 12 na ako.
"Kuha na tayo dito guys!" sigaw ng isang kaklase ko tapos pinagkaguluhan nila ang mga regalo ko. Natatawa lang ako sa kakulitan at mga biro nila. Tumahimik naman bigla ang lahat tapos napatingin ulit ako sa may pintuan. Si Dexter?
Natulala ako sandali, ano ang ginagawa nila dito? Hindi ko na sila nakita ulit pagkatapos ng unang gabing pagkakilala namin. Lumakad siya palapit bigla sa'kin at ang iba naman ay nagbigay pa ng daan sa kanya. Ngumiti siya sa harapan ko tapos ngayon ko lang napansin na may hawak siyang isang palumpon ng bulaklak. Inabot niya ito bigla sa'kin.
"I just wanted to say sorry," sabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko, napatingin naman ako sa mga kasama niya sa likuran lahat ito nakangisi. Baka piangtritripan ako ng mga 'to.
"Im so sorry, hindi kami nag-iisip ng pagtripan ka namin." tumingin ako sa kanya tapos sa bulaklak. Magaganda ang mga bulaklak pero ayokong tanggapin. Dahan-dahan kong inabot ang bulaklak.
"Thank you," sabi ko.
"I hope we can be friends, pinsan ko naman si Wren." natatawa niyang sabi. Pinsan pero ganoon ang asal niya? "Kahit halos durugin niya na ang mukha ko." tapos hinawakan niya ang kanyang baba. Tumango lang ako sa kanya tapos bumalik na sa upuan ko at hinintay nalang na lumabas sila.
Nakahinga na ako ng maluwag nang lumabas na sila. Narinig ko pa ang mga tawanan nila.
"Oh tignan mo timeline ni Trishia, maraming bumabati." itinapat naman ni Anika ang phone niya sa mukha ko. "Ikaw rin...wow. Sana talaga lahat maganda."
"Alam kong maganda ako pero kumpara naman sainyo," sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ba ako ikinukumpara. Maganda ako at oo lahat nadadala sa ganda para sa'kin. Pero alam ko kung hanggang saan lang ang ganda ko. Napakalayo ko sa mga estudyante rito.
"No, you just can't see it, or humble ka lang." natatawang sabi ni Anika.
"Hindi naman, totoo lang," sagot ko.
"You're beauty is so natural," sabi naman ni Rose tapos lahat sila ay nakatitig sa'kin.
"Mababait lang kayo haha wag niyo na akong bolahin pa," sabi ko. Umiling-iling naman sila lahat sa'kin tapos binigyan pa ako ng tingin na pakipot pa ako. Tinawanan ko lang silang lahat. Lumabas kami tapos sabay-sabay kami nila Rose nagpalit ng p.e uniforms namin at dumiretcho na kami sa gym.
Pagkarating namin ay wala pa ang teacher kaya nagkulitan lang muna kami lahat. Ang iba naman ay nag-uusap usap kung anong pwedeng gawin ngayong valentines. Napatingin naman ako sa keychain na nakasabit sa bag ko at naalala si Wren. Inabot ko naman agad ang cellphone ko dahil biglang tumatawag si mama.

BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romantika"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.