"Anak mauuna na si mama ha hindi na kita masasabayan ulit ngayon kailangan ng pumasok ni mama." rinig kong sabi ni mama. Gising na ako pero hindi ko pa maimulat ang mga mata ko dahil inaantok pa ako.
"4 a.m. palang, matulog ka lang muna naghanda na rin ako ng makakain mo." tapos naramdaman kong hinalikan ako ni mama sa noo.
"Iiwan ko ang susi sa ibabaw ng ref." tapos palayo ng palayo ang boses ni mama. Gusto ko talagang gumising na kaso napagod rin talaga ako sa mga tasks na binigay sa'min. Tinakpan ko ng unan ang mga mukha ko at hinayaan ang sarili ko na matulog ulit.
Pagkagising ko ay maganda na ang ang sikat ng araw. Bumangon ako agad tapos inayos ko muna ang mga gamit kong nagkalat tapos naligo na at nag-ayos. Pagkababa ko ay inasikaso ko na ring kumain.
Sana hindi pinapagod ni mama ang sarili niya masiyado. Nakita ko naman ang mga ginamit niyang pangbake ng cupcakes. Baka hindi lang sinasabi ni mama pero sobrang pagod na siya. Nagsoot ako ng apron tapos naghugas ako, kahit dito manlang nakatulong ako.
Halos lahat kasi inaasa ko kay mama. Ginawa nila kasi akong prinsesa ni papa. Wala akong alam na gawaing bahay pero tinuturuan ko naman ang sarili ko ng paunti-unti. Nang matapos ako ay bigla akong tumingin sa keychain na nakasabit sa bag ko hindi ko maiwasang mapangiti.
Sinigurado ko muna ang lahat ay maayos bago ako lumabas. Nagsimula na akong maglakad palayo.
"Laine!"
Tumigil naman ako sa paglalakad tapos lumingon sa likuran ko. Sinubukan ko namang hindi mataranta agad. Bakit ba kasi kapag nakikita ko siya ay hindi ko magawang kumalma.
Ilang araw ko rin siyang hindi nakita kahit sa campus pagkatapos ng birthday ko.
Huminto siya sa harapan ko. Nakasakay siya sa bike niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o babatiin ko ba siya? Hindi ko alam anong gagawin ko.
"Soot mo ba?" nakangiti niyang tanong. Kumunot naman ang noo ko anong soot ko? Bumaba siya sa bike niya tapos biglang lumapit sa'kin. Yumuko siya at bigla niyang inamoy ang leeg ko kaya agad agad ko siyang pinigilan at hinawakan sa balikat para itulak siya palayo.
"Sabi ko sayo diba mas mabango," sabi niya at naalala ko ang perfume na binigay niya. 'Yon na ang ginagamit ko. Sa lahat ng binili ni mama, ang binigay niya lang ang straight kong ginamit ng ilang araw.
"Hindi na ako lalagnatin sa tabi mo." natatawa niyang sabi. "Ayos ka lang ba namumula ka."
Natigilan ako at umiwas ng tingin. Gusto kong tumakbo ngayon palayo dahil nahihiya ako. Malapit rin kasi siya sa'kin tapos bakit niya itatanong ko kung ginamit ko ba ang pabangong binigay niya. Bakit kailangan niyang gawin 'yon.
Sumakay ulit siya sa bike niya at akala ko ay iiwan na niya ako. Pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Sakay," sabi niya.
"Ha.. ha?"
"Sabi ko sakay," sabi niya tapos ngumiti pa siya. Mas natigilan ako at napatulala sandali. Sasakay ako sa likuran niya? Tumingin ako sa likod may mauupuan ako, pero kahit na.
"Natatakot ka?" tanong niya. Paano ako makakapagsalita kung hawak niya pa rin ang kamay ko. "O natatakot ka sa'kin?"
Umiling ako pero hindi ako makapagsalita.
"Sakay na o gusto mo sa harapan?" nakangisi niyang tanong. Hinablot ko naman ang kamay ko. Isasakay niya talaga ako, paano kung hindi niya pala ako kaya.
"Sabi ni mama dapat sinasabayan raw kitang pumasok," sabi niya. Ngumuso naman ako, katulad ng gusto niya akong kaibiganin?
"Biro lang diba nanliligaw ako?" tanong niya. 'Yan pa rin talaga ang ginagamit niyang salita.
BINABASA MO ANG
Mr. Sneezy
Romance"Honey, you don't want me mad!" - Mr. Wren Kyle Almazan MISTER SERIES II photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine. Credits to the rightful owners.