40

59 3 1
                                    

Nagising ako kakatulala at kakaisip sa nakaraan at napatitig sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Bigla niya akong yinakap ng mahigpit na parang prinoprotektahan niya ako sa mga taong nasa paligid namin. Hindi ko napigilan ang  mga luha kong tumulo ulit dahil matagal kong hinanap hanap ang yakap na ito. Ang bango at ang pakiramdam na nasa bisig niya ay hindi nagbabago. Siya pa rin pala ang lalaking pakiramdam ko ay ligtas ako sa kahit ano mang dilim at hamak ang dumating.

Pero bakit niya ako hinalikan at bakit hinayaan ko ring sagutin ang halik niya?

"Cover your face with your hands." sinunod ko siya at bigla niya akong binuhat na parang isang prinsesa tapos lumakad siya palayo sa lahat habang buhat buhat niya lang ako. 

"Uuwi na ba tayo agad?" tanong ko tapos napahawak ako sa aking tiyan. Sayang naman itong Belle at maala prinsesa kong costume kung uuwi agad. Nataranta naman ako bigla nang naalala ko 'yong sapatos tapos nandito na kami sa harapan ng sasakyan niya. 

"What?" iritable niyang tanong nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"'Yong sapatos," sabi ko na parang bata. Kasi naman alam kong mahal 'yon kaya kailangan kong balikan. Maglalakad palang ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Forget it," sabi niya tapos sinenyasan ako na pumasok na sa loob ng sasakyan.

"Mahal 'yon eh at isa pa maaga pa naman para umuwi, marami pa akong hindi natikman na pagkain sa loob," sagot ko. Naalala ko tuloy si Rea gusto niya kasing makadalo sa ganitong event ng Primston. Hindi ko naman akalain na maiimbita ako dito...ng...ex ko. Kaya sana hindi talaga malaman ni Rea, madaldal pa naman 'yon. Pero kung wala si Rea siguro forever akong tahimik nalang. Hindi ko nga inaasahang magkakaroon pa ako ng mga kaibigan at mga kaklase na makakasabayan. 

"Forget that damn shoes ang get in." malamig niyang sabi. Sumunod nalang ako sa kanya at pumasok sa loob. Sa likuran ako umupo tapos sa harapan siya. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil nagmukha tuloy siyang driver ko. 

"Iuuwi mo na ba ako?" tanong ko. Baka naman ibalik pa niya ako sa kanila. Baka lang naman. Sinilip ko siya sa salamin na nasa harapan at itaas niya. Seryoso lang siyang tignan habang nagmamaneho. Hindi ko inaasahang magkikita kami ulit at magkakausap. Marami na ang nagbago pero ang nararamdaman ko sa kanya ay ganoon pa rin, ganoon pa rin pala hindi nagbago. 

Akala ko ay uuwi na kami pero huminto kami sa isang resto. Ang akala ko ay dadaan lang kami pero pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan akong makababa. Ibinato niya naman bigla ang susi niya sa isang car guard. 

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko. 

"You're hungry right?" tanong niya at natigilan ako dahil naalala ko dati tuwing malungkot ako palagi siyang nagtatanong kung gusto kong kumain. Ngumiti ako tapos tumango. Inalalayan niya ako sa suot kong gown tapos sa paglalakad. Minsan naiisip ko kung paano ko nakayanan lahat lalo na't wala si mama tapos wala siya sa tabi ko para umalalay palagi, dahil madalas akong careless.  Alam na alam niya kasi kung mawawalan na ako ng balanse o kung may makakabangga na sa'kin. 

"Mukhang ang mahal naman dito," sabi ko at naalala ang mga araw na nasa arcade kami tumatambay kasama ang mga kaibigan niya na akala ko ay kaibigan ko rin. May waiter na sumalubong sa'min tapos inalalayan kami sa pwesto na pinareserve niya, nagulat pa ako sandali. Pinareserve ba niya para saming dalawa? aasa na ba ako ulit? Pero imposible, matagal rin bago kami nagkita ulit.

"Here sir," tapos binigyan siya ng waiter ng isang menu nang makaupo kami. Magkaharap kami sa isa't isa kaya hindi ko mapigilang mailang. Iniisip ko nalang kung maayos pa ba ang make up ko. Baka mamaya ay may nabura na pero maayos pa naman, mga mahal kaya itong nabili kong make up.

Mr. SneezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon